Chapter 17

39 9 4
                                    




Basang basa na bumalik ng bahay si Raya ganun din si Amaranth. Maingat niyang ibinaba ang dalaga sa loob mismo ng kanilang tahanan. Hindi nakapagsalita ang lahat habang nakatingin lang sa kanilang dalawa. Nakita kasi ng lahat ang panakaw na halik ng prinsesa sa noo ni Raya habang nasa gitna ng baha at nakita din nila ang bagsik ng prinsesa habang nakikipagbuno sa malaking buwaya ng makitang aatakihin ng buwaya si Raya.

"Apo, okay ka lang ba? H-hindi ka ba nasaktan ng buwaya o may kagat man lang?"nag-alalang usisa ng matanda. Umiling ang prinsesa.

"Ikaw iha may masakit ba sayo?"tanong ng matanda. Tahimik lang kasi ang ilan sa kanila at nakikiramdam sa kinikilos ng dalawa na parang may kakaiba.

"Wala naman po lola. Sobra lang po akong natakot kanina ng makita ko ang naglalakihang buwaya."sagot nito at piniga ang damit. "Ngayon lang ako nakakita ng ganun kalaking buwaya sa tanang buhay ko,"

"Saan kaya nanggaling ang mga iyon?"tanong nang nag-alalang ina ni Raya. "Pati iyong malaking sawa na-- bigla na lang tumuklaw sa isang kapitbahay natin."

"Sila po ang mga sawa na nakatira sa malagong bahagi ng kabundukan pero pinagpuputol ng mga tao ang malalaking kahoy kaya sila ngayon pagala-gala para maghanap ng matirahan."paliwanag ni Amaranth.

"Ang ibig mong sabihin, maaring andito lang sila?"tanong ni Raya sa prinsesa.

"Ate, paano kung bumalik sila dito?"tanong ni prinsesa Catori sa kapatid niya. Nag-iba ang expression ng mukha ni Amaranth at hinarap ang kapatid.

"Hindi ko hahayaan na may masaktan ni isa sa inyo,"wika nito at napatingin kay Raya. "Alam ko, babalik sila lalo pa at may nakakita sa akin kanina."

"Anong ibig mong sabihin?"tanong nang nagtatakang si Raya.

"'Yung ahas na nakita natin kanina biglang nawala pagdating ko sa labas. Marahil nasa ilalim siya ng tubig para magkaroon ng lakas dahil sa laki ng taong kailangan niyang lunukin. Pumailalim siya sa tubig para mas madali sa kanyang gawin ang mga bagay na pag atake sa tao. Pero alam ko, babalik ang mga iyon para sa-"

Hindi natuloy ni Amaranth ang sasabihin ng biglang may bumundol sa bahay nina Raya na ikinauga nito. Mabilis na hinatak ni Amaranth si Raya kaya naman napayakap sa kanya ang dalaga.

"A-amaranth, ano iyong bumundol sa bahay?"

"Lahat kayo pumunta kayo dito,"utos ng prinsesa at pumunta sila sa tabi ng prinsesa at nagsiksikan sa buntot nito. Pinuluputan niya ang mga ito para walang sinuman ang pwedeng gumalaw sa kanila. Hinarap ni Amaranth si Raya. "Kahit anong mangyari, huwag kang bibitaw,"tatango tango naman si Raya at yakap ang mga magulang. Isa-isang tinignan ni Amaranth ang mga nahintakutang mga kasama at ang kapatid.

"Alagaan mo ang mga magulang natin kung sakaling may mangyaring hindi maganda,"pakiusap nito sa kapatid.

"Walang pwedeng mangyari sayo. Kailangan mo pang makita sina ama at ina. Kailangan ka ng mga kawan!" matigas na wika ni prinsesa Catori.Nagulat silang lahat ng makarinig ng malakas na sigawan sa labas. Muli nakita na naman nila ang malaking sawa na papalapit sa isang pamilya na nasa bubungan. Hindi na nagustuhan ng prinsesa ang mga nakikita niya.

"Huwag niyong pabayaan sina Raya hisssss!! Kahit anong mangyari huwag na huwag niyo siya hahayaang masaktan! Hissssss!"galit niyang sabi sa mga kaibigan at nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Para itong may apoy at nanlilisik. Umiwas siyang mapatingin sa dalaga dahil sa kulay ng mga mata nito.

"Ngayon ko lang nakita ang pag-iba ng kulay ng mga mata ni prinsesa Amaranth,"sambit ni Cobra.

"Ano ang ibig sabihin ng pag iba ng kulay ng mga mata niya?"tanong ni Bayawak.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon