Chapter 7

116 18 10
                                    




Matyagang tinuturuan ng kung ano ano si Catori ng pamilya ni Raya. At sa bawat pagtuturo sa kanya, unti unti na rin niya itong natututunan at pati ang kumilos na kagaya ng mga kilos ni Raya ay nagagaya pa niya.

Tuwang tuwa naman lalo na si Raya dahil nakikita na niya ang pagbabago sa babae. Naging masaya naman ito sa pakikipag usap niya sa bagong kaibigan kahit minsan natutulala dahil hindi pa gamay ang mga bagay bagay.

"Okay lang yan, yaan mo balang araw mapeperfect mo na din yan."turan ni Raya sa kaharap habang naglalaba sila sa may ilog. Kasama din nila ang tatay niya na nagpapakain ng kanilang alagang baka at kalabaw.

"Kasi...baka hindi..maalis ang dumi.."sagot ni Catori.

"Basta kusutin mo lang siya ng kusutin.."wika ni Raya na napapangiti sa kanya. Then biglang naglaro na si Catori sa bula at nilagay sa kanyang ilong at pisngi.

"Tingin ka..lagyan kita.."

"Hahaha..hoy..anong pinaggagawa mo ha?"bulalas ni Raya ng nilagyan siya ng bula sa kanyang noo.

"Maganda ka na. Parang ako."pagmamayabang nito at nginisihan si Raya.

"Bilisan mo na yan ng makauwi na tayo."turan ni Raya. Bumalik naman sa pagkukusot si Catori. "Ahm Cat, hindi pa pala kita natatanong, taga saan ka nga pala at ano ang last name mo? Tsaka yung mga magulang mo, hindi ka ba nababahala na baka nag alala sila sa pagkawala mo?" napatitig naman si Catori kay Raya at bumuntong hininga.

"C-Catori Balakrishnan taga  Isla Motu Nui."sagot ni Catori na nasa gawain ang mga mata. Si Raya naman napapakurap."Hindi ko alam kung narinig mo na ang isla na yun pero napakalayo niya. Matagal din kami naglayag nun makarating lang sa isla niyo."

"Ano daw? Tsk! Nahilo yata ako sa mga binanggit niya."sambit sa isipan. Kahit medyo hindi niya naiintindihan ang ilan sa mga sinabi nakinig pa rin si Raya sa kanya.

"Baka nagkwento na yung kaibigan ko sa aking ina at ama.  Siya pa naman yung klase ng kaibigan na kapag gigipitin wala na, labas na talaga sekreto mo kasi ibubunyag na niya."kwento pa niya hanggang sa mapansin niyang nakatitig lang si Raya sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin? "tanong ni Catori sa kanya.

"Eh kasi wala akong naiintindihan sa ibang mga sinabi mo gaya ng last name mo tsaka bilis mo pang magsalita. Kapag tinanong mo ako ulit lalo sa last name mo wala, nganga."

"Okay na ako na tawagin mo ako sa Cat. Di ba yun naman ang tawag niyo sa akin? Tsaka kapag alam ko na ang pananalita niyo lahat sige magkwentuhan tayo ng magkwentuhan."

"Talaga?!"

"Oo nga. Wag mo na problemahin yung iba ko pang sinabi baka sumakit lang ang ulo mo. Kaya tawagin mo na lang ako ng Cat ha.."

" Kaya nga eh. Yun lang kasi talaga ang medyo okay banggitin, Yung iba hindi eh. Pati yata espeling, hirap din. Alam mo naman na hindi ako nakapagtapos ng high school."

"Sa aming isla may isa sa myembro na siyang nagtuturo sa amin. Pero syempre kung ano lang ang ituro niya, kung ano lang ang alam niya yun lang yun. Pero ayokong tumanda na yun lang ang kaalaman ko. Kaya, umalis ako sa amin para pagbalik ko, madami na akong pwedeng ibahagi na kaalaman ko sa aming mga kasamahan lalo na sa mga kabataan."

"Wala kayo yung mga technology?"tanong ni Raya.

"Tik-hah?Technology? Ano yun?"

"Yung TV gaya sa bahay, radyo, cellphone, computer..."inisa isa ni Raya ang mga ito na banggitin. Napailing ng ilang beses si Catori. "Kaya ka umalis sa inyo kasi naisip mo na sa ibang isla baka may mas matutunan ka?"

"Oo. At tama ka marami akong napansin dito sa isla niyo na medyo kakaiba sa nakagawian ko. Salamat Raya ha at sa pamilya mo na tinulungan ako."wika nito kahit na hirap na hirap sa paglalaba hindi kasi marunong dahil sa isla nila madami silang mga alalay.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon