Chapter 32

53 10 13
                                    






.......

Malakas ang tawanan ng dalawa habang papalabas ng silid at hindi napansin ang dalawang bulto ng katawan na naghihintay sa sala. Panay kulitan ang mga ito at para bang sila lamang ang nandoon. Bumalik naman ng silid si Amaranth para muling kunin ang nasabing libro na pinag-aaralan niya. Actually, habang nasa faculty office si Raya, tinuturuan naman si Amaranth ng mga kaklase niya ng kanilang lesson. At hindi maiwasan na maturuan din siya ng kalokohan.

Nagtataka naman si Raya ng mapansing parang tahimik ang mga magulang niya at parang may tinitingnan.

"Nay? Nakaluto na po ba?"

"Ah-anak...m-may bisita,"turan ng ina ni Raya at nalipat ang tingin nito sa mga panauhin. Lumapit si Raya sa ina at doon lang niya nakita na may dalawang panauhin nga sila. Pinagmamasdan niya ang mga ito.

"Ma-magandang hapon po, may maitutulong po ba ako sa inyo?"magalang niyang tanong. "Ay ako nga po pala si Raya at sila naman ang mga magulang ko."saka kinamayan ang mga ito na tinanggap naman ng mga panauhin ang kanyang pakikipag-kamay. May sinasabi ang mga ito pero hindi naintindihan ni Raya.

"Napakaganda naman pala nitong nagugustuhan ng prinsesa natin,"wika ng hari sa kanyang asawa.

"At mukhang napakabait niyang bata. Makikita mo sa kanya ang pagiging mabuti dahil tingnan mo, magalang siya sa kanyang mga magulang."wika naman ng reyna at humanga sa pag-uugali na meron si Raya.

Nalilito naman na nagpalipat-lipat ng tingin ang dalaga sa kanilang panauhin. Ilang saglit lamang at lumabas ng silid ang prinsesa.

"Mahal, anong kakainin natin?"tanong ng prinsesa paglabas niya ng silid at nasa libro ang mga mata. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang mga ito na nakatayo sa may sala. "Mahal ko, anong me-"at hindi natapos ang sasabihin niya ng makilala ang mga panauhin. "Ama!? Ina?! Anong ginagawa niyo dito?!"gulat niyang tanong at nilapitan ang mga ito.

"M-Mga magulang mo sila?!"tanong ni Raya na nagulat din sa kanyang narinig. Kahit ang naintindihan lamang niya ay ama at ina. Sunod-sunod na napatango ang prinsesa.

"Inang reyna, amang hari, si Raya, siya ang sinasabi ko na mahal ko at si nanay at tatay mga magulang niya."wika nito sa kanilang lengwahe.

"Amaranth, napakaganda niya naman pala at mukhang mabait na anak,"turan ng reyna habang pinagmamasdan si Raya. Pangiti-ngiti lang ang prinsesa at panay tango dahil sa mga sinasabi ng mga magulang niya.

"Magaling ka talaga pumili ng taong mamahalin at makakasama sa buhay. Sa tingin ko anak, magiging mabuting asawa siya sayo. Sasamahan ka niya sa hirap at ginhawa."masayang wika ng hari. "Ang isang relasyon magiging matibay ito kapag pareho niyong inaalagaan ito at pinoprotektahan. At sa nakikita ko, aalagaan niya ito huwag lamang malanta at mamamatay."dagdag pa niya. He tapped Amaranth shoulder and said. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag mong hahayaang may sumira sa magandang relasyon niyo. Iparamdam mo sa taong mahal mo na hindi siya kilanman mag iisa dahil ikaw ang magiging sandalan at lakas niya. Iparamdam mo kung gaano mo siya kamahal at hindi mo hahayaang masira at mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan mong mabuo. Anak, hindi man ako naging perpektong ama at asawa sa inyong ina, pero sa mga huling sandali ko dito sa mundo, bumabawi ako. At bilang unang anak at panganay sa aking mga anak, ikaw ang inaatasan ko na pamunuan ang ating kawan," sabay lingon kay Raya. "Kasama ng iyong mapapangasawa at magiging supling niyo."mahabang turan ng hari sa kanyang prinsesa. Nasa tabi naman ang reyna at pinagmamasdan ang pagsalikop ng mga kamay nina Raya at Amaranth na ramdam ang pagmamahal sa isa't isa.

"Wala ka naman sigurong sinasabing masama sa mga magulang mo tungkol sa akin no?" tanong ni Raya at tumikwas ang mga labi kahit pinipigilan niya ang ngumiti. Pasimpleng pinisil ni Amaranth ang mga kamay niya.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon