Chapter 3

165 25 13
                                    


"Sino ang may kagagawan nito sayo anak? Sabihin mo sa amin ng tatay mo..huhuhu." Agad na tanong ng umiiyak na ina habang yakap yakap ang natutulalang si Raya. Hindi kumikibo si Raya habang nakasiksik ang mukha niya sa unan at may pagkakataong nakatingin lang siya sa dingding.Ito ang nadatnan na eksina ng kanyang ama kaya halos magwala ito. Naikwento ng ina ni Raya ang pangyayari nung makita niya itong tumatakbong papasok ng bahay na umiiyak at madungis. Kaya sinundan niya ang anak na nakasubsob ang mukha sa sulok ng kanyang silid.

"Mga Hayop sila! Mapapatay ko sila!!"Sigaw ng nagpupuyos niyang ama sa matinding galit. Pabalik balik ito sa kanilang maliit na sala matapos makita ang kalagayan ng nag iisang anak niya. Hawak hawak ang itak at napapaluha dahil sa sinapit ni Raya. "Papatayin ko ang mga hayop na yun! Papatayin ko sila!! Hindi sila kailangang mabuhay!"

"Tama na! Huhuhu...Diyos na ang bahalang magparusa sa kanila.."sambit ng ina ni Raya mula sa maliit na silid ni Raya.

Lalong naluha ang ina ni Raya dahil ngayon niya lang nakitang nagalit ng matindi ang asawa na sa loob ng mahigit 25 taon na pagsasama nila hindi pa niya ito nakitang nagwala, nagalit, o nanakit. Kaya habang inaalagaan ang anak sunod sunod na butil ng mga luha niya ang nagsipatakan.

Tahimik namang napapaiyak si Raya. Naririnig niya ang ama ngunit wala siya sa katinuan upang kausapin ang mga ito. Patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha at kuyom ang mga kamao.

"Anak...huwag kang matakot. Kailangan nilang managot sa kababuyan nila."wika nito. "Ituro mo sa amin kung sino ang may gawa nito sayo."Napatingin sa ina si Raya na para bang sinasabi ng kanyang mga mata. "May batas ba para sa ating mga mahihirap? Di ba wala. Ang batas, para lamang sa mayayaman. Dahil kaya nilang bayaran ang batas."ito ang nais niyang iparating ngunit hindi niya masabi sabi.

Nadudurog ang puso ng ina ni Raya sa sinapit ng dalaga. Hindi nila alam kung paano alisin ang bigat na dala ng dalaga sa kanyang dibdib. Nakita ng ina ni Raya na napasilip sa kanilang kinaroroonan ang ama niya.

"Baka kailangan na nating umalis sa lugar na ito. Huhuhu! Baka sa susunod, bangkay na lang ng anak mo ang matatagpuan natin lalo na at malaya pa rin ang may kagagawan nito sa anak natin." Ang wika ng matanda habang nakikiusap sa asawa niya. Malungkot na napaupo sa upuan ang matandang lalaki at inalis ang itak na nakasukbit sa bewang nito.

Napasapo siya sa kanyang mukha at bigla na lamang yumugyog ang balikat niya. Dinaluhan ito ng kanyang asawa at dinamayan sa kanyang sakit na nararamdaman.

"Bakit kailangan sa anak natin ito mangyari? Bakit si Raya pa?"tanong ng ama ng dalaga at panay hagulhol lamang nito. "Kung sino pa ang matino at mabuti yun pa ang napapahamak."

Laglag ang balikat ng ginang na napaupo sa gilid ng kanyang mister na waring may malalim na iniisip.

"Sino kaya sa mga kapitbahay natin ang may gawa nito?"

"Malamang sa may ilog ito naganap."matigas na wika ng ama ni Raya. "May ilang mga kalalakihan na minsan ko na ding napansin na pumupunta riyan."

"Kilala mo ba sila?"

"Ang isang lalaki ang alam ko anak ng isang guro. Hindi ko lang alam ang pangalan niya. Pero tanda ko ang hitsura niya."wika nito. Binalingan ang asawa at tinanong ang kalagayan ni Raya. "Kamusta na siya?"

Umiling ang nasabing ginang at kitang kita sa mga mata nito ang lungkot, sakit, awa sa kanilang anak.

"Hindi siya nag sasalita. Tahimik lang siyang umiiyak sa kanyang silid."sagot ng ginang na impit ang pag iyak niya. Inalo alo ito ng kanyang asawa. Inalis ng ama ni Raya ang suot niyang sumbrero, maging ang kanyang itak na nakasukbit sa bewang ay iniwan niya sa sala saka tinungo ang silid ni Raya. Nilapitan niya ito at hinaplos haplos ang buhok. Nakita niya din ang mga gasgas nito sa binti.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon