Chapter 36

45 8 5
                                    

One Year Later

"Mahal ko!"masayang sigaw ni Raya ng makita ang prinsesa sa dressing room nito. Meron siyang photoshoot that day na gagamiting billboard ng isang sikat na company hindi lamang sa Pilipinas but also abroad.

"Bakit ngayon ka lang?Hindi mo ba ako namimiss coz I miss you a lot," ingos ng prinsesa habang nakayapos kay Raya.

"Of course I do miss you, who wouldn't? Naiinis nga ako kapag hindi kita matawagan eh."

"Sorry...ganito pala kapag model ka. Kulang sa tulog. Kailangan laging maayos ang mukha. Laging may pinupuntahan."Tumaas ang kilay ni Raya at binigyan ng kakaibang tingin ang prinsesa na para bang sinasabi niyang "ginusto mo iyan tapos ngayon puro ka reklamo" na tingin. Napangisi ang prinsesa. "Pero sobra akong nag eenjoy mahal. Mas na-eenjoy ko ang pagiging prinsesa ko kasi lagi akong naka dress."natatawa niyang kwento. Walang nagawa si Raya kundi ang pisilin ang ilong ng prinsesa. Wala naman din siyang magagawa kapag nagpacute na si Amaranth sa kanya. "By the way, nakita ko na yung pinadala mong picture. Ang ganda ganda na ng bahay mahal."

"Nagustuhan mo?"

"Yes! I love the colours you used for the walls."sambit ng prinsesa. "I told you, kapag ikaw ang nagplano sigurado magagawa mo ito ng maayos. Kung ako well, baka sasabihan mo na naman ako na, kulang na lang lagyan mo ng mga sanga at dahon para na siyang jungle,"

Natawa ng bahagya si Raya. Hindi na din nasasaktan ang prinsesa sa mga pampupuna ni Raya sa kanya. She's learning from the pro. Sabi pa ni Amaranth.

"Syempre kailangan planado ng sa ganun hindi masayang yung pera na kinita mo. Tapos yung kinikita ko din sa pagiging guro ko. At kasama ka din doon kasi iyong kinikita mo sa pag momodel eh doon napupunta. Teka, baka naman wala ka nang naipon niyan mahal ah."

"Meron naman. Tinuruan ako ni mamang kung paano mag open ng bank account. Kapag may raket doon ko nilalagay ang kita ko. Tapos binibigyan ako ni mamang ng extra bale yun na ang ginamit ko para sa pagkain at daily needs ko."

"Very good. Kamusta naman ang pag-aaral mo?"Tanong ulit ni Raya. Umayos ng upo ang prinsesa at masayang humarap kay Raya.

"Dahil sa tulong mo, malapit ko nang matapos ang pag-aaral ko mahal. Madami pa akong kailangan matutunan para magawa ko ng maayos ang trabaho na ito. Kaya two days lang ang kinuha ko para sa pag-aaral ko at yung ibang araw naman para sa work and the rest para sa pahinga ko para makausap kita."

"Pangako mo sa akin na hinding-hindi mo pababayaan ang sarili mo ha."

"Pangako mahal ko. Ayokong sumama ang loob mo sa akin at palaging mag worry sa akin lalo na andito ako sa malayo."

Isang matamis na ngiti ang sagot ni Raya.

"Sapat na sa akin ang malaman na okay ka at palaging ligtas kahit na ang layo mo sa amin. At gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo at magawa ang mga bagay na gusto mo. Kasi kapag nagkapamilya ka na, bihira mo nang magagawa ang mga ito."

Sunod-sunod na napatango si Amaranth.

"Ang swerte ko sayo. Hindi mo ako iniwan at tinalikuran habang unti-unti kong natutupad ang ilan sa mga pangarap ko."

"Hindi basehan ang iwanan ka dahil lang may gusto ka pang maabot sa buhay mo. Mahal kita at nangako ako na sasamahan kita at e support sa mga plano mo hanggat kaya ko."

Dahil sila lamang ang naroon sa dressing room, mabilis na inakap ng prinsesa si Raya. Maingat niyang hinawakan sa magkabilang pisngi si Raya at hinalikan sa labi.

"Mahal na mahal din kita Raya, ang reyna ng buhay ko. Thank you for staying with me mahal ko."

"Opo. Mananatili ako sa ayaw at gusto mo!"biro ni Raya. "Nakakaselos na nga iyong mga fans mo eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon