Chapter 29

50 11 3
                                    




Pagbalik ng silid ni Raya, nadatnan niyang maingay ang mga ito. Ang ibang mga kalalakihan ay lumapit pala sa prinsesa para makipag kwentuhan, ganun din ang ilang mga kababaihang kaklase niya at nang makita siyang paparating, mas mabilis pa sa alas kwatrong nagsibalikan sa kanilang upuan at nanahimik. Diretso agad siya sa harap para ipaliwanag ang kanilang lesson.

Pinilit niyang palakasin ang loob at gawin ang responsibilidad niya bilang isang guro at hindi bilang mangingibig. At sa bawat salita niya, kilos, walang pinalagpas ang prinsesa. Malapit na rin ma comatose ang lahat ng braincells niya.

Habang nagpapaliwanag si Raya ng kanilang lesson, paminsan-minsang sinusulyapan ang prinsesang kulang na lang magsalpukan ang mga kilay dahil hindi nito naintindihan ang sinasabi niya. Gusto nang matawa ni Raya ng mga sandaling iyon pero dahil galit siya sa dalaga ito ang nasabi niya.

"Ayan magdusa ka! Ewan ko lang kung hindi mangisay iyang utak mo sa mga pinagsasabi ko. Ginusto mo ito di ba? Oh di sige lubos-lubusin na natin with kasamang English pa,"singhal sa sariling isipan ng makita niya itong nakakunot ang noo habang nakatingin sa pinagtuturo niya. Actually sinadya ni Raya na medyo pahirapan ng slight lang naman ang prinsesa. "I hope you prepare for your exam tomorrow."

"Exam na naman?"reklamo ng isang estudyante. Since mainit ang ulo ng teacher kaya nilapitan ni Raya ang nasabing pa cool na lalaki.

"What's wrong if I give the test tomorrow, Marco?"seryoso niyang tanong sa lalaking natameme. Tingnan ba niya sa mata ang nasabing lalaki at malapitan pa? Ito ang unang pagkakataon na lumabas ang tapang ni Raya. Sa isip niya. 'Pasensya kung madamay kayo sa init ng ulo ko. Habang nag one on one siya sa lalaki, nakikita niya sa side view niya ang magandang prinsesa na nakatingin at nakikinig sa pinagsasabi niya.

Bumalik ulit siya sa harapan at nagpatuloy ng kanyang preaching lol. Isang seryosong Raya ang kanilang nakita ng araw na iyon."Nothing is difficult if you all work hard to study our lessons,right? Instead of complaining, why don't you just be thankful that someone is taking the time for you all to learn. Ito?"sabay turo sa board. "You have nothing else to do but understand everything you write in your notebooks. Is that hard to do class?"

"No ma'am!"sabayang bigkas ng mga ito. Tahimik ang lahat at akala mo behave na behave. Yes at no lang ang alam. Masunurin ika nga.

"Then, I hope that everyone will be able to answer each of my questions. Kasi bawat itatanong ko is base to what I've been discussing here every single day. Paulit-ulit na lesson. Kaya Kung wala kayong maisagot bukas iisipin ko na you are all physically present but mentally absent,"

Natawa naman ang ibang mga estudyante pero ang prinsesa tulala. Magsasalita pa sana si Raya ng biglang tumunog ang bell na ikinagulat ni Amaranth dahil biglang nagsitayuan ang mga estudyante. Nagtataka siyang pinagtitingnan ang mga ito. Hindi niya din alam ang gagawin kung tatayo din ba siya. Lumabas na ang ilan sa mga ito bitbit ang mga baon.

"Hello Princess, gusto mo sumama?"tanong ni Karen sa kanya. Nasa likuran si Raya at nagkunwaring may sinusulat sa notebook ngunit ang totoo, gusto na niyang habaan ang taenga para marinig niya ang mga pinag-usapan ng tatlo.Everytime na napapalingon sa kanya si Amaranth, tinatakpan niya ng libro ang mukha para kunwari may binabasa ito. Para lang namang may laser ang mga mata ni Raya kapag nakita niyang nakikipagngitian ang prinsesa sa ibang babae.

"Saan pupunta?"dinig niya na tanong ni Amaranth.

"Kakain sa labas. Recess na kasi."

"Recess? Ano yun?"takang tanong nito sa kaklase.

Nagkatinginan naman ang dalawa pa niyang kaklase saka nagkibit balikat.

"Kakain ng mga baon nating dala sa school o kaya bibili sa canteen. At saka oras din na makapag pahinga ang ating mga braincells. 15 minutes lang iyon. Pwede ka mag relax, mag cr, kumain mga ganun."sa dami ng sinabi ng kaklase kuno, nahilo lalo ang utak ng prinsesa.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon