Chapter 31

60 10 4
                                    


.......

It's been a normal day for Raya. Balik trabaho bilang guro sa Hinulugan High School. And of course, the princess is one of her student. Sabay silang pumunta sa school but they acted what a teacher-student relationship should be. A simple high and smiles greeting from each other.Kung walang nakatingin, may kasamang harot ang pinag-uusapan. Mga tinginang kasing lagkit ng kaning malagkit. Ngiti na kasing tamis ng asukal.

Pagdating sa eskwelahan, hindi nila alam kung magsasabay pa ba sila. Until Raya remembered that she needs to go to the office building.

"Mahal, mauna ka na sa room, pupunta lang ako sa office para mag sign in."she whispered. "Sorry gusto man kitang halikan kaya lang bawal," kagat-labing bulong niya dito at kunwari inaayos ang mga gamit niya at sarili.

"Utang mo sa akin, kaya magbabayad ka mamaya. At dahil inabot ng ilang oras, may interest na,"pangiti-ngiting sagot ng prinsesa habang ang mga mata niya ay nasa mga taong dumadaan sa harapan nila.

"Kanino mo naman iyan natutunan ha?"

"Hehehe! Akala mo hindi ako matututo ha."sagot nito. Dahil nasa kanilang dalawa ang mga mata ng mga ibang guro at estudyante kaya nagkindatan na lang ang dalawa at nagngitian.

"Ang ganda ganda niya no,"dinig nila na sabi ng isang estudyante. Tumikwas ang labi ni Raya habang nakatingin sa kasintahan. Napangisi naman ang prinsesa sa reaction ni Raya.

"Ano tuwang-tuwa ka na marami kang tagahanga?"

"Mahal, wala akong sinabi,"natatawa nitong sabi at inayos ang pagkakabit ng backpack niya. "Pero totoo naman sinabi nila mahal. Maganda ba ang future queen mo?"malapitang tanong nito.

"Oo! At umayos ka! Kunwari ka pa diyan eh kitang-kita naman na kinikilig ka eh,"nakasimangot na anas ni Raya. Pasulyap-sulyap naman ang prinsesa sa kanyang mahal. Pinasadahan niya ito ng tingin na super cute sa kasuotan nito. Malayong malayo sa kanyang dating pagkatao.

"Bro, ligawan ko kaya,"dagdag naman ng preskong estudyante na nakaupo sa may labas ng tindahan kasama ang mga kaibigan nito. "Sigurado sasagutin ako niyan,"wika pa ng lalaki at nilapitan ang dalawa.

"Hi beautiful, bago ka lang ba dito?"tanong sa prinsesa na nakatayo sa tabi ni Raya. Ngumiti lang ang lalaki kay Raya. "Hi ma'am!"

"Theodoro tumambay ka na naman diyan. Tapos ka na ba sa mga homework mo?"taas kilay na tanong sa estudyante niya. Kakamot-kamot sa ulo ang binata. "Naku, mukhang hinihintay mo ang tagasagot ng assignment mo ah,"dagdag pa ni Raya at napatingin sa paligid.

"Si Ma'am talaga oh."ingos nito. Bago umalis, kumaway ang lalaki sa prinsesa na walang nakuhang sagot mula dito. Hinila na ni Raya ang prinsesa para makapunta na sa klase.

"Dumiretso ka na sa room ha bago ko pa matusok iyang mga mata mo. Kung saan-saan nakakarating eh,"reklamo ni Raya habang naglalakad ang dalawa. Napabungisngis naman ang prinsesa sa nakikita niyang inis kay Raya.

"Kasalanan ko ba na tinitingnan din nila ako?"

"E di pumikit ka!"

"Sige, buhatin mo ako para makarating ako ng room."tatawa-tawang turan ng prinsesa saka kinuha niya ang mga bitbit ni Raya para dalhin ito sa kanilang classroom.

"Patawa ka talaga no?"turan ni Raya na nawala bigla sa mga labi niya ang mga ngiti. "Saan mo daldahin mga iyan?"tinutukoy niya ay ang mga bitbit niyang nasa kamay na ng prinsesa.

"Sa room."agad na sagot nito at bumulong sa kasintahan. "Ayokong nakikitang nahihirapan ang prinsesa ko. Magpapakasal pa kasi kami,"wika nito saka kinindatan ang natameme niyang guro slash kasintahan.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon