Chapter 4

111 22 6
                                    


Welcome to Isla Madre De Cacao

Two days later, her strength returned. Dito na siya nagkwento tungkol sa naranasan niya sa kamay ng mga kalalakihan. Makikita ang galit sa mukha ng mag asawa habang nakikinig sila sa kwento ni Raya.

"Wala naman po akong ginawa o sinabi sa kanila. Nagpunta lang naman ako sa ilog para maglaba tapos dumating na sila at doon na sila nagsimulang magpakita ng kakaibang mga kinikilos dahilan upang madaliing tapusin ang mga labada ko. Pero nung akmang aalis na ako saka naman nila ako pinaikutan at ihiga sa dam-damuhan para gawin ang kanilang masamang binabalak."

"Mukhang matagal ka na nilang minamanman kasi alam nila kung kilan ka pumaroot mag isa ka lang." turan naman ng ama niya.

"Parang ganun na nga po Tay."

"Talagang may sa pagkademonyo talaga yang mga lalaki na yan. Kitang kita mo naman ang mga mata nilang namumula."

"Nabalitaan ko nga sa barangay na nawawala daw sila.."wika ng kanyang ama.

"Paanong nawawala Tay?"maang na tanong ng dalaga sa ama. Napakamot naman sa ulo ang tatay niya.

"Ang sabi na tatlong araw na silang hindi nakakauwi sa kani-kanilang bahay at ang sabi, nakita lang naman daw silang naglalakad sa may bandang ilog at simula nun hindi na sila nakauwi."

Napakunot ang noo ni Raya kung anong nangyari. Kaya pilit niyang binabalikan sa isipan ang naging kaganapan.

"Ang huling naalala ko, habang nakahiga ako sa damuhan at may nakahawak sa paa ko at kamay, pumikit na lang ako at nagdasal dahil kahit magsisigaw ako wala namang makarinig sa akin. Sa takot ko na baka patayin ako, hinayaan ko na lang sila. Kaya umiiyak akong nakapikit pero ang pinagtataka ko, pagdilat na pagdilat ng mata ko, ako na lang mag isa ang naroon."

"Teka, eh saan sila nagpunta?"takang tanong din ng ina. Nasa mag ama niya ang mga mata. "Sinabi mo na hawak ka nila at yung isa ang naghubad ng kasuotan mo, pero bago ka pa nila galawin, bigla silang nagkandawalaan?"

"Kaya nga Nay nagtataka din ako. Parang may...may kumuha sa kanila na kung ano man yun eh talagang parang magic. Para silang hinipan at ayun nilipad sa malayong lugar."

"Ang tanong ngayon, kung may tumulong man sayo anak, sino siya? O sila?"tanong naman ng ama.

"Diyosko ka namang lalaki ka. Ako ang kinikilabutan sayo eh. Para mo namang sinasabi na may iba pang mga taong gumagala dito sa lugar natin na hindi natin kakilala?"wika ng ina ng dalaga na nahintakutan sa sinabi ng kanyang mister.

"Eh totoo naman. Bakit ganun ganun lang kadali sa kanila na maglaho? Sige nga isipin mong mabuti." esplika ng ama ni Raya. "Kung sino man ang mga tumulong sayo anak, gusto kong magpasalamat sa kanya."

"Yun lang tay, hindi ko nakita eh."sagot niya dito. "Tay, Nay, yung mga damit ba eh nakita niyong dala ko?"

"Yung dala mong palanggana iilang damit lang ang nasa loob nun. Bakit madami ka bang nilabhan?"

"Tsaka, nung binalikan yun ng tatay mo, wala naman siyang nakita na nagkalat o naiwan mo doon sa ilog."wika ng ina.

"Hindi ko kasi nakita ang mga nilabhan ko nung araw na yun."wika ni Raya. "Hinanap ko din siya sa mga hangiran natin pero wala."

"Hay naku anak, masaya lang kami ng tatay mo na nanumbalik na ang iyong lakas."wika nito. Napatitig ng ilang segundo si Raya sa ina. Yun kasi ang inaalala namin yung magmukmok ka na lang sa sulok. "Naniniwala pa rin ako anak na mananaig pa rin ang kabutihan kaya nga siguro iniligtas ka sa kamay ng mga hayop na iyon kasi hindi mo yun dapat maranasan."

"Naisip ko din kasi Nay, anong mangyari sa inyo kapag naging mahina ako. Tsaka, binuhay yata ako ng panginoon kasi madami pa akong magagawa. At kapag nakita yung mga un ako ang magsusumbong sa mga pulis kung ano ang ginawa nila sa akin."

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon