Chapter 22

46 10 1
                                    


Isla Muto Nui


"Kailangan makagawa ako ng paraan para makawala sa kulungan na ito,"sambit ng prinsesa Amaranth. "Hayop kayo! Kapag ako nakawala dito hindi na ako magdalawang isip na patayin kayo!"nanlilisik ang mga matang wika nito at pilit inaalis ang bakal na nakatali sa kanyang mga paa at kamay.

Mula sa likuran biglang sumulpot ang babaeng may buntot. Nakangisi ito sa prinsesa. Pinagmamasdan niya ang prinsesa at maya't maya lang ay tumawa ng malakas.

"Hahahaha!! Sino ang mag-aakalang nasa akin ka! Nagkakagulo sa kaharian at walang nakakaalam kung nasaan ka! Ngayon, sabihin mo sa akin, anong magagawa ng ama mong hari? WALA!!! Kaya lahat magagawa ko para maangkin ang kaharian!! Kung hindi ko makuha ang pag-ibig niya, at ayaw niyang angkinin na anak niya ang anak ko pwes, aalisan ko siya ng anak,"

"Hayop ka talaga! Pinagkatiwalaan ka ng aking ina!!"

"Pasensyahan tayo prinsesa Amaranth! Mas matalino ako sa iyong ina,"nakangising wika nito at hinaplos ang mukha ng dalaga na panay iwas niya dito.

"Bagay nga sayo ang pagiging taong ahas!! Inahas mo ang aking ama! Pero kahit anong gawin mong makuha ang kaharian, alam ko hinding hindi ito mapapasayo!!"matapang nitong sigaw kaya naman isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Amaranth.

'PAK!'

Matapang niya pa ring hinarap ang babae hanggang sa puluputan siya nito. Pilit na lumalaban ang prinsesa ngunit hindi na siya kagaya ng dati na sobrang lakas niya.

"Sa tingin mo, makakalabas ka pang buhay dito? HINDI!! Walang makakaalam na nasa poder kita! At walang makakaalam na patay ka na! Kasi alam mo kung bakit?? Papatayin muna kita bago ko isunod ang buong angkan mo!!!"

"HINDING HINDI KA MAGTATAGUMPAY!!"matapang na sigaw ng prinsesa ngunit isang nakakalokong tawa lamang ang sinagot ng babae sa kanya.

Laglag ang balikat ng prinsesa dahil sa nangyari sa kanya. Hindi niya inasahang makulong siya sa mahabang panahon. Dahil sa pangako niya kay Raya na balikan ito ngunit hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya ng buhay sa kulungan.

"Patawad mahal ko. Patawarin mo ako kung hindi kita binalikan. Madaming nangyari sa buhay ko at ng pamilya ko. Hindi ko akalain na lalong nagalit ang mga tao ng malaman nilang buhay ako at malalagay sa kapahamakan ang pamilya ko at ang kaharian,"naiiyak na wika nito sa kanyang sarili. Buong pwersa niyang pilit inaalis ang tali ngunit mas mahigpit ang pagakkatali sa kanya."Hindi ka pwedeng panghinaan ng loob Amaranth!!"usal niya sa kanyang sarili. Pinagmamasdan niya ang buong paligid. Para siyang nilagay sa kulungan na gawa sa bato. Tanging maliit na butas ang nagsilbing bintana niya at liwanag. "Tulonggggg!!!"malakas niyang sigaw ngunit walang nakakarinig dahil malayo ang pinagdalhan sa kanya ng babaeng naging taong ahas. Dito sumagi sa isipan niya ang pangyayari. "May sinabi sa akin si Inang Escabeche, nawala ang sumpa ko dahil sa tunay at wagas na pagmamahalan namin ni Raya?"

"Oo apo. Ang halik ni Raya ang nakaalis ng sumpa sa pagkatao mo! At kung sinuman ang may gawa nun sayo ay babalik sa kanya ang sumpa!"

Nanlaki ang mga mata ni Amaranth. "Siya ang may pakana ng lahat? Kung bakit nagkahiwalay kami ng pamilya ko dahil sinumpa niya ako? Dahil sa galit niya sa ama ko kaya ako ang nagbabayad ng pagkakamaling nagawa ng ama ko sa kanya?"

..........

KAHARIAN

Palakad lakad ang hari at galit na galit sa kanyang mga kawan. Maging ang reyna ay hindi din mapakali dahil sa pagkawala ng kaniyang panganay na anak. Hindi nila alam kung nasaan ito at kung paano ito nawala na parang bola.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon