Chapter 6

119 16 7
                                    

Nagkagulo sa isla Moto Nui, dahil sa pagkawala ni prinsesa Catori. Halos nasuyod na ng lahat ang buong isla ngunit hindi nila makita kita ang dalaga. Nababahala na ang mag asawa sa biglaang pagkawala nito kaya pinulong ang mga kawan kung sino ang traitor sa mga kasapi.

Galit ang makikita sa mukha ng hari dahil sa inakala ng mga ito na pinatay ang kanilang anak. Wala naman silang makuhang kasagutan mula sa kawan dahil wala ngang may nakakaalam kung nasaan ito maliban sa matalik na kaibigan ni Catori, si Cheyenne ngunit nangako ito sa kaibigan na hindi niya sasabihin kung saan ito.

Tinanong din siya ng mag asawa ngunit puro pag iling ang kanyang naging kasagutan. Halos manlumo ang hari at reyna.

"Ito na yata ang sumpa sa ginawa natin sa una nating anak. Baka matindi ang galit niya sa atin."naluluhang wika ng reyna. Napatingin na lamang sa malayo ang hari at hindi alam ang isasagot sa asawa.

"Hindi na natin alam kung saan nagpunta na isla si escabeche. Hindi na siya matagpuan ng ating mga kawan na inutusan ko upang alamin ang kanilang kalagayan. Kung sakaling buhay pa si escabeche, siya lamang ang makakapagturo sa ating anak kung saan niya tayo hahanapin."sagot naman ng hari na napapakamot ng noo.

"Ano ba ang nangyayari sa pamilya natin? Bakit parang hindi na tayo nawalan ng problema? huhuhu. Naging mabuting reyna naman ako. Naging masunuring anak sa mga magulang ko. Pero bakit ganito?"pagtangis ng reyna sa kanyang asawa. "Kahit kilan hindi ako naging pasaway na prinsesa. Kaya minabuti kong alagaan ang kawan natin dahil iyon ang kabilin bilinan ng aking mga magulang. Naging mabuting asawa naman ako sayo, pero bakit ganito ang nangyayari sa mga anak natin."

"Hindi ko din alam ang kasagutan."malungkot na sagot ng hari at iniwan ang asawang laglag ang balikat.

Umalis ang hari na hindi nagpaalam sa reyna. Kung saan saan na siya nakarating. Kung kani-kanino na siya nagtatanong tungkol sa kanilang nawawalang anak.

"Mahal na hari, sinubukan din naming maghanap kanina pero wala talaga si prinsesa Catori."sagot agad ng isang kawan sa tanong ng hari.

"Kami din mahal na hari. Umabot pa kami sa may pangpang para tingnan kung naroon siya pero wala talaga." sabad din ng isa pa niyang kawan.

Humahangos na dumating ang dalawang binata at agad na binalita sa hari ang kanilang nalalaman.

"Madalas ko silang nakikita ni Cheyenne na tumatambay sa may dalampasigan na seryosong nag uusap."turan ng isang binata.

"Narinig mo ba ang kanilang usapan?"

"Hindi po eh."sagot nito at napayuko. "Pero iyon po ang huling araw na nakita ko ang prinsesa.

Kahit gabing gabi na, tinahak pa rin ng hari ang daan papunta ng dalampasigan medyo may kalayuan sa kanilang tahanan. Tanaw na niya ang baybayin ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"May hinahanap ka yata?"turan ng nasabing boses. "Kamusta ka na?" kaya nilingon ito ng hari at laking gulat niya ng makilala ang nasabing panauhin.

"Ikaw? A-Anong ginagawa mo dito?"napapalunok na tanong ng hari.

"Masama bang bisitahin ang dating lugar ko?"sagot na patanong ng nasabing boses. "Dito rin naman ako nagmula ah. Pero umalis ako ng mahigit 23 taon para makalimot."

"H-Hindi ka na dapat pang bumalik dito. Wala ka namang pwedeng balikan pa dito."matigas na wika ng hari. Napangisi ang nasabing panauhin. Saka hinawakan sa braso ang hari. Ngunit pumiksi ito.

"Meron pa akong gustong makita, kaya nga bumalik ako eh."sagot niya at ngumisi ulit. Napakunot ang noo ng hari.

"Sino?"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon