Chapter 15

32 8 0
                                    




Maliwanag na nang magising ang mga magulang ni Raya. Wala na ding ulan at maaliwalas na ang kalangitan. Tulog pa si Raya na nasa bisig ng prinsesa. Lihim na napangiti si Inang Escabeche ng makita ang dalawa na magkayakap. Biglang nagulat ang lahat ng mapasigaw ang prinsesa.

"Ahhhh!!"

"Amaranth! Anong nangyari sayo?" tanong ng matanda.

"Inang, bakit po ang init ni Raya? Nakakapaso po ang init niya."

Mabilis na lumapit ang ina ni Raya sa dalaga at pinatong ang kamay sa noo ng anak.

"Diyos ko, nilalagnat ang anak ko."

Nagtataka naman ang prinsesa sa sinabi ng ina ni Raya.

"Ano po 'yun?"

Binalingan niya ng tingin ang prinsesa.

"May sakit ang anak ko. Nilalagnat si Raya. Marahil dahil nabasa siya ng ulan at nalamigan."malungkot na sagot nito. Lumapit si Inang Escabeche at tiningnan ang dalaga. May nakita siyang gasgas sa binti ng dalaga na namumula.

"Amaranth, utusan mo ang mga kaibigan mo na kumuha ng dahon ng tawa-tawa at alam ko diyan sa tanim nila Raya may nakita akong dahon ng mayana. May sugat siya sa binti at namumula,"

Tiningnan ng prinsesa ang sugat sa binti ni Raya at namumula nga ito. Binalingan niya ang mga kaibigan at inutusan na manguha ng gamot. Agad na umalis ang mga kaibigan para maghanap ng mga dahon na kailangan ni Raya.

Naghanda din ng makakain ang mga magulang ni Raya para may mahigop na sabaw ang anak nila.

"Catori, pakibantayan muna si Raya. Ikukuha ko siya ng masusuot," bilin ng ina ni Raya. Lumapit ang nahihiyang si Catori sa dalawa at nagtagpo ang mga mata nila ng prinsesa.

"Kamusta ang ate Raya?"tanong nito sa prinsesa na kandong kandong si Raya.

"Mainit pa rin siya. Wala akong alam kung paano siya gamutin."

"Ako din. Kasi maalala ko kapag maysakit ako, si Inang Reyna ang madalas mag alaga sa akin."wika nito. Kumunot ang noo ni Amaranth.

"Re-Reyna ang ina mo?"

"Oo. Anak ako ng hari at reyna sa aming isla."Mabilis ang tibok ng puso ng prinsesa habang nakikinig sa kwento ng kaharap."Sa isla namin, may mga kawan kami. At mga magulang ko ang namumuno. At alam ko, na kapag nawala sila, ako ang gagawin nilang lider dahil patay na din naman ang kapatid ko,"

Nanlaki ang mga mata ni Amaranth sa kanyang narinig.

"A-anong pangalan ng isla na pinagmulan mo?"

"Isla Motu Nui,"

Napanganga ang prinsesa dahil sa kanyang nalaman.

"Hindi kaya siya ang ka-kapatid ko?"sambit sa kanyang isipan habang nakatingin lamang sa dalaga.

"Mabuti na lang, dito ako napunta sa pamilya nina Ate Raya dahil napakabuti nila,"dagdag pa niya. Tinapunan niya ng tingin ang prinsesa. "Ikaw, matagal na ba kayong magkakilala?"

"Uhm, matagal ko na siyang nakikita. Niligtas ko siya noon mula sa mga lalaking gusto siyang saktan,"

"May mga nanakit kay ate Raya?"

"Mga kakilala niya rin pero nung araw na iyon, hindi kaibigan ang turing nila kay Raya."pagbabaliktanaw ng prinsesa sa pangyayari. "Kung hindi ako dumating marahil may nagawa silang masama at hindi maganda kay Raya. Napakasama nila."

"Nasaan na pala sila?"

"Dinala ko sa malayong lugar kung saan hindi na nilang magawang saktan si Raya at ang pamilya niya,"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon