Chapter 2

171 24 16
                                    







Masayang nakikipag laro sa mga kaibigan niyang hayop si Princess Amaranth isang hapon. Nagpalipat lipat ito sa mga puno kasama ang mga kaibigan niyang ibon, unggoy, bayawak at iilan pang mga ligaw na hayop sa kagubatan kung saan doon na lumaki si Amaranth.

Sa lugar na iyon siya ang ginagalang ng lahat. Kahit na hindi niya ginustong maging pinuno pero dahil sa udyok at kagustuhan ng mga kaibigan niya kaya wala na siyang magagawa. Kasama niyang namumuhay ang kanyang inang si escabeche. Mahal na mahal siya nito at mahal na mahal din niya. Ito na kasi ang kinamulatan niya simula ng magkaisip siya. Wala pa siyang alam sa totoo niyang pagkatao.

Sa edad niyang dalawamput dalawa, lumaki siyang mas maganda, matalino, matapang, at makulit. Siya din ang nagsilbing taga pangaral sa mga kaibigan niya. Natutunan niyang makipag usap sa mga hayop dahil yun na ang kinamulatan niyang madalas kasama sa araw araw. Sa lugar nila, wala silang ibang makikita maliban sa mga kaibigan niya. Ngunit dala ng pagiging pasaway ng mga kaibigan niya kung saan saan sila napupunta. Minsan nakarating sila sa lugar na madaming hayop doon na mababangis kaya sa takot nila, nanatili na lang sila sa kanilang teritoryo.

Habang nagpapahinga si Amaranth sa isang malaking bato, dumating si goryo kasama si kuwago.

"Princess Amaranth meron kaming natagpuang ilog diyan sa may paanan ng bundok. Gusto mo bang makita?"Tanong ng kaibigan niyang unggoy na naglalambitin sa mga sanga ng kahoy.

"Pasensya na goryo, hiisssss....kailangan ako ngayon ng aking ina dahil hindi na niya kaya pang maglakad ng malayo para maghanap ng aming pagkain. Tingnan mo nga oh paubos na ang mga pagkain natin paano tayo sa susunod na araw? hissssss...Si ibong Adonis(Agila)dinala na ang pamilya niya sa ibang lugar dahil nag alala na siya sa kanyang pamilya."

"Nabalitaan ko ang tungkol diyan at ikinalungkot ko ito." Sagot naman ng isa pang kaibigan nilang si kuwago.

"Sige, kapag may makita akong mga prutas, dadalhan kita para hindi mo na kailangan pumunta sa kung saan. Baka kailangan nating lumayo pa kunti para makahanap tayo ng pagkain natin."

"Salamat goryo sa pang unawa. Hissssss....Hayaan mo, kapag okay na si ina, pupuntahan natin yung sinasabi mo na ilog. Baka din makakuha tayo ng mga isda doon hiiisssss."malungkot na wika ng prinsesa.

"Kuwago, tanungin mo nga si ibong madilim (uwak) kung may alam siya na lugar na pwede natin mapagkuan ng pagkain para sa ating prinsesa?"

"Sige ako na ang bahalang magtanong."sagot naman ni kuwago. Dumating si bayawak at nakita nila na ang dungis dungis nito.

"Saan ka na naman ba nagsusuot?Hissssss" Agad na tanong ng prinsesa sa bayawak at nilinisan ito. Inamoy amoy pa niya ang mga dumi sa katawan nito. "Sniff! Sniff!hissssss Hmm mabango siya. Anong uri ng dumi ito hissssss?"

Kakamot kamot ang unggoy dahil wala din silang alam. Tanging si bayawak lamang ang makakasagot sa tanong ni amaranth.

"Bayawak, nno ba kasi iyan?" Tanong ni unggoy na nagpalambitin sa sang para makalapit kay bayawak.

"Masarap siya. Kaya busog na busog ako. Kaya lang mukhang nagalit yung may ari kasi may nakita akong hawak niya na mukhang matalas."sagot ng bayawak na panay dila sa mga kasama niya.

"May nakita kang tao?"gulat na tanong ni kuwago.Maging ang ilan din sa kanila nagulat na para bang takot na takot.

"A-anong mga hitsura?hisssss."si Amaranth.

"Babae...mahaba ang buhok niya...maganda parang ikaw.."sagot ni bayawak.

Kaya ang mga kaibigang hayop ni amaranth, napatingin din sa kanya. Nagtataka tuloy ang prinsesa kung bakit siya tinitigan ng mga kaibigan.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon