Chapter 14

36 9 0
                                    



Paglingon ni Raya sa kinaroroonan ni Amaranth nagulat ito ng wala na siyang makita. Kunot ang noong nilibot ang mga mata sa lugar.Nakita niya ang mga magulang niya na pilit pinagkakasya ang sarili sa maliit na space katabi ang matanda. Sumilong sa ginawa nilang bubong na gawa sa dahon ng saging at pinagtabing mga sako.

"Nasaan na naman kaya iyon? Alam niya namang delikado pa ang maggagala dahil sa baha at sama ng panahon tapos ito siya panay alis,"ngitngit sa sarili. Napansin ni Catori na parang may hinahanap ito.

"Ate bakit?"

"Uhm, nakita mo ba kung saan nagpunta sila Amaranth?"

"Hindi po eh. Kanina nakita ko naman na magkausap kayo doon pagkatapos nakita ko siya diyan sa may puno kasama ng ilang mga hayop,"

"Yun na nga eh. Andiyan lang sila kanina tapos paglingon ko wala na silang lahat. Maging si Max nawala rin."

"Baka bumalik sila sa bahay,"

"Haisst! Kainis talaga ang babaeng ito," maktol sa sarili at akmang tatayo ng pinigilan siya ni Catori.

"Hayaan mo na siya ate. Delikado ang bumalik sa bahay. Alam naman natin na kayang kaya niya ang sarili niya. Ang alam ko, kaya niyang lumangoy sa tubig. Baka may kinuha lang siya sa bahay,"

"Tama ka. Baka nga may binalikan sila sa bahay,"wika nito at muling umupo sa tabi ni Catori.

......

Nadatnan nila si Prinsesa Amaranth na nakapulupot ang katawan sa puno ng niyog. Tanging si Cobra ang umakyat sa puno para kausapin ito.

"Mahal na prinsesa hissss, may bumabagabag ba sa iyong isipan hisss?"tanong ni Cobra at nakita niya sa mga mata ng prinsesa ang kalungkutan. Napayuko na lamang ang prinsesa at pilit tinatago sa mga kaibigan ang totoo niyang nararamdaman.

"Wala. May mga naiisip lang ako Cobra,"

Napailing ang Cobra sa sagot ng prinsesa.

"Si Raya?"turan nito na ikinalingon sa kanya ni Amaranth. "Mahal mo siya hisss, umiibig ka sa kanya at alam ko na nalulungkot ka dahil sa kalagayan mo. Gusto mo man siya makasama at malayang mahalin pero may hadlang. Kasi naisip mo hindi ka normal hisss. At alam ko na nagseselos ka kasi mukhang may gusto din sa kanya yung bisita nila hisss."

"Hindi naman ako nasasaktan. Masaya ako na may nagpapasaya sa kanya,"pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo, nagseselos nga siya. "Kahit paano merong taong handa siyang damayan sa panahon na kailangan niya ng karamay kasi hindi ko agad agad maibigay iyon sa kanya dahil nga sa kalagayan ko."turan nito at muling napatingin sa kawalan.

"Paano kung nagkamali ka pala ng mga naisip mo hisss? Paano kung ikaw talaga ang gusto niyang makasama? Ikaw ang dahilan ng mga ngiti niya at saya? Ipagkakait mo ba iyon sa kanya?"

Natahimik ng ilang sandali si Amaranth. Ilang segundo siyang walang kibo.

"Ma-mahal niya din ako?"nauutal na tanong ng prinsesa.

Pumulupot sa dahon si Cobra at hinarap ang prinsesa.

"Hindi siya makipaghalikan sayo kung wala siyang nararamdaman,"

Napangiwi ang prinsesa at nahihiyang napakamot sa ulo.

"Si-sino ang nagsabi niyan sayo?"

"Nakita kayo ni Goryo na magkayakap at naggaganito hissss,"

Kagat labing binaling ng prinsesa sa ibang direksyon ang paningin. Nahihiya siya na nakita pala sila ng kaibigan niyang si Goryo habang magkayakap na naghahalikan sila ni Raya. Bumalik sa isipan niya kung paano siya yakapin ng mahigpit ni Raya. Ang bawat pag galaw ng labi nito habang nakakulong ang labi niya sa labi ni Raya. Ramdam pa niya ang lambot ng labi ni Raya. Ang nakakaadik nitong amoy ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng amoy pero sobrang naadik siya.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon