Chapter 23

33 11 1
                                    




Nanghihina ang prinsesa dala ng sobrang pagod at gutom. Ilang araw na kasi siyang nakatali lamang at ayaw niya ding kumain. Hindi kagaya noong isa siyang taong ahas, parang punong puno siya ng enerhiya at madali lang sa kanya ang makahanap ng makakain. Ilang kaluskos ang kaniyang narinig mula sa labas napakunot ang noo na tiningnan ito ngunit wala siyang nakitang tao. Pinakiramdaman niya muna ito.

"Sana may makakita sa akin dito. Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito,"sambit sa isipan. Biglang may bumukas sa pintuan. Hindi niya alam kung saan banda? Nag palinga-linga pa ito.

"Huwag kang matakot," sambit ng nasabing boses. Napatingin si Amaranth sa pinanggalingan nito hanggang sa tumambad sa kanya ang isang babae. Nagkatinginan silang dalawa.

"D-dinalhan kita ng makakain. Ilang araw ka nang hindi kumakain kasi,"wika ng babae. Maganda, matangkad, mahaba ang alon alon nitong buhok, may nakaukit sa balat nito na hindi mawari ng prinsesa kung ano ang ibig sabihin.Tiningnan ito sa mga mata ng prinsesa. Maamo ang mukha at parang mabait naman pero dahil sa mukhang kagaya ng sa babae kaya siya nakakulong ngayon.

"Hindi ako nagugutom."matigas nitong sabi. "Sa sobrang tiwala ko sa mga tao dito sa isla, ito ako nakakulong dahil ang buong akala ko, mas ligtas ang mamuhay dito pero ngayon ko lang napag-alaman na mas nandito pala ang mga taong hindi ko dapat pagkatiwalaan. Ngayon, isa ka din ba sa dapat kong iwasan? Isa ka din ba sa mga inutusan para makuha ang tiwala ko?"

"Kung iyan ang iniisip mo, hindi kita pipigilan,"turan ng babae at nilapag ang dalang pagkain para iwanan ang prinsesa. Pinagmamasdan lamang ito ni Amaranth at nag-iisip kung paano siya makatakas.

"Hindi pwedeng wala akong gagawin."pumikit ito sandali at gumawa ng ingay. Ingay na tanging mga hayop lamang ang makakarinig at makakaunawa. Parang may kung anong umuga sa loob ng nasabing silid. Pagdilat niya ng mga mata napansin niya ang bitak sa dingding. "Sana umabot sa kanila ang mensahe ko."sambit pa ni Amaranth.

KAHARIAN

Dumating ang ilang kawan kasama na ang grupo nina Kai para patalsikin sa pwesto ang hari. Ngunit pilit itong tinututulan ng hari.

"Anak ko lang ang may karapatan na mamahala ng kaharian! Ito ang islang itinaguyod ng aming angkan! Ang islang minahal ng aking mga ninuno!"

"Wala na ang anak mo! Umalis na naman siya! Hahaha! Isa siyang duwag at wala siyang karapatang mamuno dahil simula nang ipanganak siya iniwan niya ang kaharian! Para ano? Magsilbi sa ibang mga tribu? At pagkatapos babalik para maging pinuno ng ating tribu!! Kahangalan!!"

"Kai, bilang hari ng islang ito, nakikiusap ako. Itigil mo na ito!!"

"Hahaha!! Kung gusto mo talagang tumigil ako, ipakasal mo ako sa isa sa mga anak mo!! Nawala na naman ang panganay mo kaya ipakasal mo ako sa isa mo pang prinsesa!!"nang-uuyam na utos sa hari.

Binalingan ng hari ang anak niyang nakikiusap ang mga matang huwag itong pumayag,

"Kai, alam natin na kahit sino sa mga anak ko walang gusto sa iyo. Alam mong kapatid lang o kaibigan ang turing niya sa inyo. Kaya kung ako sayo itigil mo na ang kakapilit sa mga bagay na hindi mangyayari."

Lumapit ang lalaking matapang sa hari.

"Pwes, hindi ako titigil na guluhin ang kaharian. kung hindi mapasaakin ang isa sa mga anak mo at hindi ka bibitaw sa pwesto mo, asahan mo ang malaking kaguluhan,"pananakot niya sa hari.

"Tinatakot mo ako?"tanong ng hari at tiningnan sa mga mata ang lalaki. "Pwes, hindi kita uurungan."matapang na sagot ng hari sa binata. Madilim ang mukhang umalis ang lalaki kasama ng ilang mga kawan.

"Anak, kailangan mong magsanay kasama ng ilang mga kawan natin. Hindi tayo pwedeng magtiwala na makakaya natin ang grupo ni Kai,"wika ng hari kay Catori. "Humanap ka ng makakasama at magsanay kayo sa lalong madaling panahon,"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon