Chapter 19

30 9 0
                                    




Matapos pahiramin ni Raya ng maisusuot si Amaranth, inalalayan niya itong makatayo.Tinuturuan kung paano gamitin ang mga paa niya. Ilang beses itong napaupo sa sahig, minsan bumabagsak sa higaan na may pagkakataong pati siya ay napapabagsak din sa higaan.

"Mahal ko ang hirap,"ingos ng prinsesa at hinimas ang puwetan. Inalalayan na naman ito ni Raya para makatayo na panay ang tawa.

"Sa una mahal mahirap talaga siya. Pero alam ko na magiging okay din ang lahat at masasanay ka din. Tara na ulitin natin,"

"Okay, ganito ba? Paano ba dapat?"sunod-sunod na tanong ng prinsesa at pinakita sa kanya ni Raya kung paano ito gawin na inabot din sila ng mahigit kalahating oras.

"Mahal ko, masayang masaya ako dahil hindi na ako mahihiya o mag-aalangan na makita ka palagi at makasama sa pamamasyal. Pwede na kitang samahan kung saan ka man pupunta,"wika ng prinsesa at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Mahal, ngayon na balik normal ka na, kailangan mo pa rin bang tumira sa kagubatan?"tanong ni Raya at sumeryoso ang mukha. Umupo paharap sa kanya ang prinsesa. At nagkasalubong ang mga titig sa isat isa. Tahimik lamang sila at pinapakinggan ang bawat tibok ng kanilang mga puso. "Bakit?"namumulang tanong ni Raya sa prinsesa.

"Hmm?"nakangiting tanong ng prinsesa.

"Bakit ganyan ka makatingin? May...dumi ba ako sa mukha?"nag-aalangang tanong nito at kinuha ang damit para ipunas sa sarili nitong mukha. Napangiti si Amaranth at kinuha sa kanya ang tela para itabi.

"Hindi mo kailangan linisin kasi wala namang dumi diyan sa mukha mo,"turan ni Amaranth na napapangiti saka inayos ang nagulong buhok ni Raya.

"Wala? Bakit kung makatingin ka kanina parang madungis ako?"

"Hehehe...Kasi...mas nakikita ko na ang totoong Raya. Na hindi lang pala siya maganda, mabait ,mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang, isa din siyang mabuting tao, kaibigan at magiging mabuting... prinsesa ko,"

"Ummpp!"sabay pigil ni Raya sa kanyang bibig. Mabilis nitong kinuha ang unan at tinakip sa mukha.

"Bakit tawa ka ng tawa?"nagtatakang tanong ng prinsesa. Kinuha niya ang unan at muling hinarap. "Ayaw mo ba na maging prinsesa ko?"

"Yung parang...mag-asawa?"

"Siguro yun ang tawag doon. Kasi di ba mahal mo ako at mahal din kita,"

"Alam ko sa sarili ko na mahal kita. Parang kagaya sa mga magulang ko na ang tawag sa kanilang dalawa ay mag-asawa. Magsasama sa iisang bahay, magkasama sa lahat ng bagay at matutulog sa isang higaan na magkasama. Dahil babae at lalaki sila kaya nagkaroon sila ng anak at ako iyon,"

"Naiintindihan ko na ang gusto mong sabihin."wika nito at kinuha ang kamay ng dalaga. "Sa ngayon medyo nalilito pa ako. Pero kaya mo ba akong bigyan ng panahon para mapag-aralan ang buhay ng isang normal na tao?"

"Para sayo nakahanda ako. Asahan mong damayan kita sa bawat pag-aaral na gagawin mo. Palagi lang ako sa tabi mo mahal kong prinsesa,"madamdaming wika nito at sabay yakap kay Amaranth.

"Mahal na mahal din kita aking prinsesa, tsuuppp,"

.........

Paglabas ng dalawa, nagulat ang lahat ng makita ang prinsesa. Natuon agad ang mga mata niya sa kapatid. Dito niya lang napansin na kapag nakangiti pala ito parang siya din. Binalingan din ng tingin ni Amaranth ang matandang nag-alaga sa kanya sa loob ng dalamput dalawang taon. Hindi sila agad nakapag-salita dahil namangha sila ng makita si Amaranth. Ibang-iba ang hitsura niya ngayong meron na itong dalawang normal na mga paa.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon