Chapter 25

39 11 3
                                    





KAHARIAN

Masinsinang nag-uusap ang mag inang Catori at Mahal na Reyna ng umagang iyon. Wala ang hari dahil abala sa paghahanap sa nawawalang anak at ang matanda.Ito rin ang pagkakataong makapag open up ang reyna sa kanyang dalagang anak. Punong-puno ito ng paghihinagpis at kalungkutan habang sinasabi sa anak ang kanyang pinagdaraanan.

"Kapag may masamang mangyari kay Amaranth, baka hindi ko na mapatawad pa ang sarili ko."naluluha nitong sabi sa nagtatakang anak. "Bakit kailangan siyang magsakripisyo sa lahat ng ito? Bakit hindi na lang ako o ang ama mo ang kailangan singilin at bayaran ang kasalanang kami naman ang nagsimula?"

"Ina, hindi ko po kayo maintindihan. Walang may gusto sa lahat ng nangyayari sa pamilya natin at sa kaharian. Marahil ang mga taong gustong sumira sa pamilya natin ay may lihim na inggit sa atin,"

"Sinisingil na kami dahil sa ginawa naming paglayo sa kapatid mo noong isinilang siya. Kaya ngayon, nawawala na naman siya kung saan ang buong akala ko ligtas siya sa lugar natin. Pero dito rin pala magaganap ang lahat na ikapahamak niya. Ang mawala siya ng hindi natin alam kung nasaan sila, saan nagpunta, kung sino ang kumuha at ang may gawa nito, ay yun ang malaking palaisipan sa akin."

"Ina, hindi kaya may alam ang ina ni Ayumi sa nangyayari sa atin at pagkawala ni prinsesa Amaranth? Nakakasiguro ako na hindi lamang grupo ni Kai ang nasasabik makuha ang kaharian. Alam ko, kasama din sa nangangarap na makuha ito, maging ang ina ni Ayumi."seryoso na wika ni Catori. Umayos ng upo ang reyna at sumeryoso ang mukha. Hinarap ang anak ng may seryosong mukha.

"Noon pa man, lahat ng meron ako gusto niya meron din siya. Kung anong binibigay sa akin ng mga magulang ko gusto niya din magkaroon kahit hikahos pa noon sa buhay ang pamilya nila. Siya ang nag-iisang taong malapit sa akin. Lahat ng sekreto ko siya lang ang nakakaalam. Kaya nung nanligaw sa akin ang ama mo sa kanya ako unang nagsabi. At nakita ko sa mga mata niya ang pagkaayaw na maging kami ng ama mo. Marahil, gusto din niya ang hari noon pa."

"Ina, may relasyon ba ang ama at ang ina ni Ayumi? Totoo ba iyong mga naririnig ko mula sa ibang kawan na anak ni Amang Hari si Ayumi?"

Hindi agad nakasagot ang reyna at waring pinag-iisipan ang gustong sabihin sa kanyang anak. Ilang segundo ang lumipas at tumango tango ito.

"Walang ibang lalaking nagustuhan ang ina ni Ayumi maliban sa ama mo. Ilang beses ko din noon makita ang ama mo na lumalabas ng bahay nina Ayumi pero ang lagi niyang sinasabi na may sinauli lang, o may tinanong. Hanggang sa isang gabi sinundan ko ang ama mo na lumabas ng kaharian at pumunta sa kanilang tagpuan. Dito na ako sinampal ng katotohanan na niloloko ako ng iyong ama. Pero dahil mahal ko ang ama mo at ayoko masira ang pagsasama namin, nagkunwari akong walang alam. Kaya madalas nakikita ko silang may ginagawa."

FLASHBACK

Sinundan ng reyna ang nagmamadaling hari na lumabas ng silid nila na dahan dahan. Tahimik din na lumabas ang reyna at sinundan ang asawa. Nakarating sila sa isang maliit na kubo na tambayan nilang magkaibigan. Nagulat pa ang reyna ng makita na mahigpit na inakap ng babae ang nasabing hari. Ito ang kanyang kaibigan.

"Ahhh...bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito at hinihintay ka ahh...sige pa.."

Dinig na dinig naman ng reyna ang maingay na higaan na gawa sa kawayan. Makikita niya rin ang pag-uga ng nasabing kubo sanhi ng pwersahang pag-uga na gawa ng dalawang taong pinag-isa ang mga katawan.

Maririnig din niya ang bawat pag-ungol ng hari na waring nasasarapan sa kanilang ginagawa. At ang tanging nagawa na lamang niya ay ang lumuha ng tahimik habang pinapakinggan ang ginagawang ritmo ng dalawang tao.

Simula noon, naging tahimik na ang reyna at kapag gustong sumiping ng hari sa kanya, pinagbibigyan niya ito dahil sa responsibilidad niya bilang asawa. At nang mabalitaan niyang nagsilang na ang babae sa unang anak nito alam niyang anak ito ng hari. Masakit man sa kanya na malamang may anak ang hari sa ibang babae ngunit wala siyang magawa kundi tanggapin ito lalo na nang malaman niyang buntis siya at ayaw niyang masira ang kanilang pagsasama at mawalan ng ama ang kanilang anak.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon