Chapter 11

36 9 0
                                    




Ilang segundong magkadikit ang kanilang mga labi at pinagsaluhan ang tamis ng kanilang mga halik. Gulat naman ang makikita sa mga mata ng mga nakapaligid sa kanila.

"Ha?! Si-"ang tanging nasabi ni Cobra at nakatingin sa dalawa.

"May namamagitan na sa kanilang dalawa ng hindi natin alam?!"tanong naman ni Bayawak habang nakatingin sa dalawang nakalimutan na yata na may iba pa silang kasama. Idagdag pa ang nagulat na inahing nangingitlog sa kanyang pugad. Sa sobrang gulat balik sa loob ng puwetan ang itlog na gusto niyang ilabas kanina pa.

Nagtakip naman ng mata gamit ang pakpak si Kuwago dahil conservative type po siya pero dahan-dahang sumisilip sa giwang ng kanyang balahibo para alamin kung tapos na ba ang lampungan ng dalawa.

"Masaya ako kapag kapiling kita kaya niyaya ko sila dito kagabi para sumilong at makasigurong ligtas kayo at ang mga kaibigan ko,"mahinang sambit ni Amaranth. "Lalo na gusto ko palagi kitang nakikita. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko para sayo pero gusto ko na lagi kitang kasama kasi iyon ang nagpapasigla sa akin at nagbibigay ng saya,"

"Ako din gustong gusto kitang kasama at nakikita. Kahit na ganyan ang kalagayan mo hindi ako nakaramdam ng takot dahil sa tuwing nakikita ko ang maamo mong mukha hindi ko naisip na kakaiba ka,"nakangiting wika ni Raya.

"Mabuti naman kung ganun. Ayoko kasi na makaramdam ka ng takot,"

"Hindi na. Nasanay na ako sa katauhan na meron ka,"

"Ate Raya! Ate Raya!"tawag ni Catori sa labas. Biglang hiwalay ang dalawa. At nagsitaguan ang lahat maliban kay Raya na biglang kumaripas papalabas ng kubo.

"Oh bakit?"

"Andiyan ka lang pala. Kasi kanina ka pa hinihintay sa loob. Sabi mo kasi kukuha ka lang ng itlog,"

"Oo! Hinintay ko pa na mangitlog ang inahin kaya medyo natagalan. Tara na! Okay na itong apat,"pagsisinungaling ni Raya at bago umalis ng kubo, binalingan niya muna ang mga nasa loob at kagat labing napangiti na lamang.

......

"Mahal na prinsesa, maari mo bang sabihin sa amin kung ano yung nakita namin?"usisa agad ni Cobra sa kaibigan.

"Yung ganito niyo-"at ngumuso si bayawak. Pangiti-ngiti naman ang prinsesa.

"May gusto ka na kay Raya?"tanong ng Kuwago. Kakamot-kamot naman ang prinsesa.

"Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero sa tuwing kasama ko siya masayang masaya ako. At gusto ko palagi siyang nakikita. Yung ginawa namin pareho naming gusto."

"Hays, umiibig ka na nga yata mahal na prinsesa. At sa isang babae pa."turan ni Bayawak.

"Pag-ibig ang tawag doon?"tanong ng prinsesa.

"Maliwanag pa sa araw na umiibig ka na nga at sa isang babae pa."sagot ng bayawak.

"Mali ba ang magmahal ng kapwa babae?"muling tanong nito at sinundan ng tingin ang babaeng papasok na sa kanilang bahay.

"Walang mali ang magmahal ng kahit na sino. Dahil kayo lang namang dalawa ang nakakaramdam nun at kayo lang ang nakakaintindi. Damdamin niyo yun eh. Kung masaya kayong pareho walang sinuman ang makakahadlang pa. At gagawin niyo ang lahat makasama lamang ang isat isa."paliwanag ni Cobra. Napaisip naman ng malalim si Prinsesa Amaranth dahil sa binitawang salita ng kaibigan. Marahil,totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan niya na umiibig na siya kay Raya.

Habang nasa hapag kainan ang lahat, napansin ng ina ni Raya na tahimik ito. Binalewala niya ang kanyang nakikita at hinayaang matapos ang kanilang agahan. Tuloy pa rin ang ulan. Nasa kusina pa rin si Raya at nagliligpit. Tinulungan na din siya ng kanyang ina. Magkausap naman sa sala ang matanda at si Catori.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon