Chapter 27

40 9 2
                                    




Ilang araw ang nakalipas medyo gumaling na ang sugat ng hari at ni Catori. Naipaayos na din ang ilang kabahayan na nasira at maging ang kaharian ay naisaayos din. Hindi man ito naibalik sa dating hitsura pero kahit paano may mahigaan na sila na maayos at matulugan sa gabi.

Pinagmamasdan ni Amaranth ang ginawa nilang libingan para sa mga kawan na nagbuwis ng kanilang mga buhay. May iilang mga kaanak na dumalaw sa mga ito.

"Gusto ko palagyan ng maupuan at tambayan ng mga bata ang lugar na ito. Naalala mo iyong pinagdalhan sa atin ni Raya dati?"

"Oo! Yung parang aakyat ka tapos bigla kang nahulog kasi madulas ang inuupuan mo. At yung itutulak ka habang nakakapit sa lubid."wika din ni Catori.

"Hindi ko alam kung ano ang tawag nila sa bagay na iyon pero iyon ang balak ko ilagay sa lugar na ito,"

"Ate, magagawa natin iyon kung mayroon tayong tao na marunong gumawa niyan,"wika ni Catori at nagkatinginan ang magkapatid.

"Si Ate Raya!!

"Si Raya!!"

Sabay nilang pagbanggit sa kanyang pangalan. Biglang nalungkot ang mukha ni Amaranth at pasalampak na naupo sa damuhan.

"Ate, iniisip mo ba na wala ka nang babalikan?"

Hindi agad nakasagot ang dalaga.

"Umalis ako doon at punong puno ng pag-asa na may babalikan ako pagkatapos ng obligasyon ko dito pero lumipas ang araw, buwan at madaming taon, hindi na nagawang balikan yung taong pinangakuan ko,"malungkot na wika niya at halos makalbo na ang bahagi ng lupa na pinagtatanggal ang mga damo. "Anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya Catori? Nasaktan ko siya ng sobra. Nasasaktan ako sa tuwing maisip ko na wala ako sa panahong kailangang-kailangan niya ako."sa hindi inaasahang sandali, sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha niya. "Ako yung dapat nandoon para damayan siya pero wala ako sa tabi niya. Dapat ako ang kakapitan niya para magiging malakas upang harapin ang anumang pagsubok niya sa buhay pero nasaan ako? Kung noon,  nagawa ko lahat para lamang mailigtas siya, ngayon, wala akong magagawa. Pakiramdam ko, wala akong silbi."

"Ate hindi totoo iyan. Sa ilang taong nakasama kita nakita ko kung paano ka magmahal. Lahat gagawin mo para lamang sa kaligtasan naming lahat. Lahat kaya mong labanan at harapin para sa mga mahal mo sa buhay. Ang dami mo nang pinatunayan ate. Nakita ko din kung paano ka nakipaglaban noon para sa kaligtasan namin lalong lalo na para kay ate Raya. Kahit ang kamatayan kaya mong harapin mailigtas mo lang ang taong mahalaga sayo. Kaya wag mo sabihing wala kang silbi. Ate, kung sinasabi ng puso mo na huwag kang mawalan ng pag-asa, paniwalaan mo iyan,"

Ilang segundong nanahimik ang dalawa.

"Matatanggap pa kaya niya ako?"

"Uhm, lingid sa kaalaman mo may tao akong pinapunta doon para yun nga bantayan si ate. Ang sabi niya meron nga daw talagang lalaking masugid na nanliligaw sa kanya,"

Kumunot ang noo ni Amaranth.

"Lalaki?"

"Ang sabi sa akin, kasama niya sa trabaho."nakita ni Catori ang sobrang pagkalungkot sa mga mata ng kapatid. Ibang-iba ang kislap ng mga mata nito sa tuwing kasama niya si Raya. Nag-isip si Catori ng kung ano ang makakapagpasaya sa kapatid niya. "Ate, puntahan mo siya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal mo ba si ate Raya?"seryosong tanong sa kapatid.

"Wala akong ibang minahal maliban sa kanya at wala akong ibang gustong makasama sa buhay maliban sa ate Raya mo. Siya lang ang gusto kong makasama at pakamamahalin ko,"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon