Chapter 5

106 16 6
                                    



"Bakit ganun ang panaginip ko?"tanong ni Amaranth pagdilat ng mga mata niya. "Raya?  Siya ang kaibigan ni Goryo pero Bakit nasa panaginip ko siya? Anong kinalaman niya sa buhay ko?" Tanong niya sa isipan at naguguluhan. "Dahil ba madalas ko siyang naiisip kaya sumağı siya sa panaginip ko?" Magulo ang isipan at paminsan-minsang natutulala.

Umalis siya sa puno at pumunta ng kweba. Nadatnan niyang nanginginig si Escabeche kaya tinawag ang mga kaibigan dala ng takot niya.

Dumating si Bayawak at Cobra at nadatnan nilang umiiyak ang prinsesa.

"Kailangan na niyang makarating sa lugar ng mga tao. Pero anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng pumunta doon dahil papatayin nila ako, tayong lahat."

"Tama ka! Pero hindi pwedeng magtagal pa dito si inang escabeche." Sang ayon din ni Cobra. "Si goryo, siya ang makakatulong sa atin. Utusan natin siyang humingi ng tulong kay Raya."

"Princess Amaranth alam ko na mahal mo si inang escabeche Pero kung mananatili pa siya dito baka ikamatay pa niya iyon."si Cobra.

"Hindi siya pwede dito. Hindi siya kagaya natin. Sige puntahan ko si Goryo." Turan ni Bayawak.

"Mag iingat ka. Dahil delikado kung makita ka ng mga tao."si Amaranth.

"Ako din. Mas takot sila sa akin."sambit naman ni Cobra. Hinatid muna ng dalawa ang kaibigang si bayawak papunta sa kinaroroonan ni Goryo. Gustong makasiguro ng dalawa na ligtas ang bayawak sa kanyang paglalakbay.

At Raya's house 🏡

Raya woke up sweaty and breathless. Carefully remembering her dream. No matter how hard she tried to remember everything in her dream, hindi niya ito maalala maliban sa iilang mga  bagay, sino ang babaeng tinutukoy sa panaginip niya.

"Sino yun? Bakit parang kilalang kilala niya ako? Hindi ko naman makita ang mukha niya pero bakit parang may mga madaming tao? At maging ang lugar, hindi ko gaanong alam yun."usal sa isipan. Napabuntong hininga ang dalaga habang nililigpit ang pinagtulugan niya. Hanggang sa may maalala ito. "Uh no, si Max.."

Mabilis na tinapos ang gawain at hinanap kaagad ang kaibigan. Napakurap naman ito ng ilang beses ng madatnan niyang nakikipag kulitan ito sa alaga nilang aso.

"Hi Max, akala ko umalis ka.."sambit pa niya saka hinimas himas ang ulo ng nasabing unggoy. Tuwang tuwa naman ang unggoy sa ginagawa ni Raya.

"Kung naging tao lang ako liligawan kita."sa isip ni Goryo. "Kaya lang ito daw ang mas bagay sa akin eh kaya hindi na ako magrereklamo. Hmm,  kung naging lalaki lang si Prinsesa Amaranth at naging normal na kagaya mo, sa kanya kita itutulak na magkagusto kasi bagay kayong dalawa, parehong mabait, at matulungin sa kapwa."sambit ni Goryo habang pinagmamasdan si Raya na nakatingin din sa kanya.

"Bakit ka nakatitig?"tanong ni Raya na nakangiti. "Nagagandahan ka sa akin no?" saka ginulo ang balahibo sa ulo.

"Ipagdasal ko na sana maging normal na si Prinsesa Amaranth at maging magkaibigan kayong dalawa."muling sabi ng unggoy.

"Oh bakit? Tama ba ang sinabi ko hehehe."

At panay ingay ng unggoy na para bang may sinasabi ito sa dalaga ngunit dahil hindi naman niya ito naiintindihan, dinala niya na lang sa labas ng bahay ang kaibigan saka binisita ang mga pananim.

Habang busy si Raya sa pagdidilig, napansin ni goryo ang mga kaluskos sa may mga sagingan. Pinuntahan niya ito at nakita niya si bayawak. Pilit niya ito pinapatago sa malagong bahagi ng sagingan at mga matataas na damuhan.

"Anong nangyari at naparito ka?"takang tanong ni goryo sa kaibigan. Nagpalinga linga pa ito at nagbabasakaling may iba pa itong kasama. "May nangyari ba sa mga kaibigan natin?"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon