Chapter 3

312 24 103
                                    




It tears me apart to say this, but loving you is demanding more from me than I have.

Unang linya pa lang ng binabasa kong letter ay para nang dinudurog ang puso ko. I don't know why I keep on reading the letters that I have. Hindi ko na nga maalala ang past ko pero andito ako, basa parin ng basa.


Isa din 'tong letter na naka lagay pa sa magandang lalagyan at malinis ang pagkakasulat ang nahalungkat ko sa storage box ko kanina. Wala itong pangalan kaya nagtataka ako kanino o para kanino ito.


Pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa nang umupo ako sa bakanteng seats sa isang convenience store. Napagod ako kakajogging. Madaling araw pa kasi akong lumabas ng bahay.


And the agony it brings keeps on getting worse as time goes by; however, although my heart is full of so much love for you, I cannot continue down this way. Hence, my feelings are being torn apart.


Whoever owns this letter must be heartbroken. This letter is kind of a breakup letter. Each word seems to be written with heart aching and tears flowing.

For myself, I need to release it. This doesn’t mean that I do not value you; however, I cannot thrive in a relationship where the emotional, mental, and physical tolls of the partnership overshadow the positive aspects and contributions.

Tama nga ako, broken ata talaga ang may ari nito. Pero what if ako may ari nito? These things are making me insane. It keeps on reminding me that I have something to unfold about my past.

Kainis!

Dagdag isipin lang 'tong mga 'to eh. Pero kung iisipin mo, kung ako may ari ng letter na ito, bakit andito pa sa akin ito? Baka naman binigay lang sa akin. Pero hindi rin puwedeng walang pangalan, ano nagkataon lang ulit?


Absurd.

Naagaw ng amoy ng kape ang attention ko nang may umorder nito at umupo sa malapitan. Parang gusto ko rin.

I folded the paper at binulsa ko ito sa aking gray na hoodie bago umorder ng kape sa counter. Mahilig ako sa black coffee kaya iyon inorder ko.



Nang maka order ako ay lumabas na rin ako ng store saka tumigil para tikman ang kape. Mapait ito, as expected. Pero wala nang mas papait pa sa situation ko ngayon.


Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang mapansin kong lumuwag ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko kaya tumigil muna ako upang ayusin iyon. Tinabi ko muna ang kape at inayos ang aking sintas.


Dahil malapit ako sa intersection at tawiran ay hindi ko namalayang may paparating pala na bisekleta kaya sa subrang taranta ko ay pareho kaming tumilapon no'ng lalaking nakasakay roon.


Puto naman. Ang aga-aga, chinachallenge agad ang pasensya ko. Inalalayan ako ng lalaking naka black hoodie at shorts. Nang tumingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya ay hindi ko masyado makita ang detalye ng kaniyang mukha dahil against the light siya.


Lol.


Pero naka man bun ito at tila titig na titig siya sa akin. Nang tumingin ako sa baba ay saka ko lang napansin na sa malinis niyang sapatos nabuhos ang dala kong kape dahilan para magmukha itong coffee painting.

Parang kasalanan niya pang nag white shoes siya.

"Are you okay? I'm so sorry, nagulat ako sa reaction mo. I never meant to bump into you," nag-aalala niyang sabi.


Pinagpag ko na lang suot ko bago sumagot. "Okay lang, sorry din kasi mukhang sa sapatos mo natapon ang kape ko."


Napatingin siya roon at sinubukang punasan gamit ang kanyang malinis na towel na galing sa kanyang gym bag.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon