"Oh, come on! You used to hate me so much!"
"Seriously? I mean, How can I hate someone as hot as you? You better be kidding!"
"Gab, remember the moment when we both awarded as best in english and you almost kick my ass out of the canteen!"
"Uy, hindi ako gano'n! Hindi ko iyon magagawa."
"Yeah, akala ko nga hindi mo talaga magagawa pero minsan mo na akong binuhusan ng kape at tinatawag mo 'kong nerd at baduy!"
***
I washed off the thought. Hindi talaga matanggal sa isip ko 'yung sinabi sa akin ni Mr. Tourism. Hate ko raw siya? Puto kailan pa?
Sa gwapo niyang iyon, i-hahate ko siya? Patawa ka boy! Tas nerd daw siya dati? Lol.
Mas hindi ko tanggap no'ng sabihin niyang, "You were such a bully before, nagulat nga ako ngayon bakit ang bait mo na."
Ako bully? Diyos ko. Maiiyak na lang ako kung gano'n. Parang naging advantage pa sa iba na nagkasakit ako kasi bully nga raw ako dati.
But I'm Glad that Mr. Tourism was in my batch before. We were classmates daw kaya natutuwa ako na kaklase nanaman kami ngayon. Hindi ko nga lang siya maalala.
Tinitigan kong mabuti ang list of enrollees na nakapaskil sa bulletin board ng school. Malapit na akong ma-late pero ilang minuto na akong naghahanap ng aking pangalan sa bawat section pero hindi ko talaga mahanap.
'Nak ng tokwa naman!
Hindi ko alam kung hindi ko lang mahanap pangalan ko oh hindi talaga ako officially enrolled. Bakit ba kasi ako dito pinasok kung pwede naman sa public school. Ang hirap nga ng exam, what if hindi ako pumasa?
Hays!
Hinanap ko ulit name ko pero hindi ko talaga makita, kaya tumitig ulit ako sa iba pang papel.
"Excuse me!"
Halos matumba ako nang sumingit ang isang lalaki at minadaling kalikutin ang mga papel. Pero tulad ko, bigo itong mahanap ang pangalan dahilan para mapakamot sa kanyang batok.
Ngumiwi ako. Batos.
"Deserve." Rinig kong sabi no'ng babae na hindi nakatakas sa pandinig ko.
'Yan kasi! Kung makasingit kala mo sinong may ari ng school eh kung tutuosin mas presentable akong tignan kaysa sa kaniya!
"Bobo! Andon listahan ng mga senior high oh! "
Napatingin kami sa isa pang lalaking naka black na naka semi-kalbo nang sumulpot ito at pinagtatawanan ang lalaking sumingit kanina.
Mukhang barkada sila pareho sila ng buhok eh. Bakas naman sa mukha no'ng isa ang inis.
Tumabi ang iba pang estudyante na nakatayo upang bigyan ng daan ang lalaki dahil mukhang sasabog na siya sa galit habang pinagtatawanan parin no'ng kaibigan niyang semi kalbo ang gupit.
Senior high pa sila pero parang gusto na nilang magcriminology dahil sa gupit nila. Naka tuck in pang suot nilang damit tas fitted na jeans.
"Bwiset, akala ko pa naman sa iba 'yon mag aaral!"
"Asa ka pa! Mukhang dalawang taon pa tayong magtitiis sa mukha ng bwiset na David 'yan!
BINABASA MO ANG
Forgotten Heartstrings
RomanceWhen an eighteen-year-old Gab is diagnosed with a type of terminal cancer, his memory fades, eliminating even the love he once had for his ex. With barely two years to go, Gab's desperate mother turns to an old friend she once saved, asking her son...