Chapter 23

94 17 0
                                    


Tahimik akong nakatingin sa mga tanawing aming dinadaanan kasi bukod sa malungkot ako ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa amin ni Eris.

The enchanting story I once cherished has transformed into a harrowing nightmare that will forever haunt me. Gaano'n naman talaga ang buhay, hindi sa lahat ng oras ay saya ang iyong mararamdaman. Darating ang panahon na susubukan ka ng buhay kung gaano ka katatag. Hindi ko lang alam kung bakit sa ganitong paraan pa ako nagdurusa.

Napatingin sa akin si mama na nasa passenger seat habang si papa naman ay nagmamaneho. Pareho silang nag aalala sa akin dahil sa nangyari sa akin kahapon. Sa awa ng Diyos ay ligtas naman ako, dala lang siguro iyon ng sapilitang pag aalala sa aking nakaraan kahit alam kong bawal. At least, ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Hindi kami nagbreak ni Ender, kagustuhan lang ni mama ang nangyrari kaya lumayo si Ender na hindi man lang pinaalam sa akin. Burado rin naman ang kalahati sa aking memorya kaya hindi ko nagawang makipag usap kay Ender kasi nasa hospital na ako no'ng mga oras na iyon. Sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana kasi akalain mo iyon, pilit akong nilayo nina mama sa aking nakaraan pero ito ako ngayon, unti-unting bumabalik.

Siguro tama ang naging desisyon kong hiwalayan si Ender kasi wala nang patutunguhan pa ang relasyon naming kung ipagpapatuloy pa naming kasi wala na akong nararamdaman para sa kanya. Oo, masakit para sa akin iyon pero pareho lang kaming masasaktan kung ipagpapatuloy panamin sa kabila ng katotohanang hindi ko siya mahal at si Eris na ang gusto kong makasama kahit na ngayon ay Malabo nang mangyari dahil nililigawan na niya si Sasha.

"Nak, okay ka lang ba?" Tanong ni papa kahit nasa daan ang atensiyon niya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Yes pa."

Iyon ang sinabi ko kahit ang totoo ay hindi naman ako okay not because of my illness but because I miss Eris and I can't even go with him kasi hindi na kami iyong dating close at comfortable sa isa't isa. Hindi na kami 'yung madalas ngumiti sa isa't isa. Everything happened so fast, parang sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat.

"We're finally here."

Napatingala ako sa malaking gusaling nakatayo sa harap namin nang tumigil ang sasakyan namin at sabihin ni mama na nandito na kami.

This is our final practice para sa gaganaping recognition day naming bukas. Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya kahit kasali ako sa honor list. Ni hindi ko man lang nagawang mag react no'ng inanusyong si Hugo ang top 1 habang si Kim naman ang top 2, followed by Sasha and Eris. Sa subrang sakit ng aking naramdaman ay hindi ko namalayang pati si Kim ay lumayo na rin sa akin.

Gano'n na ba kasama ang ginawa ko para talikuran nila ako?

"Nak, tumawag ka lang kung magpapasundo ka ah?"

Napatingon ako kay papa nang sabhin niya iyon bago kami tuluyang bumaba ng sasakyan. "Opo." Tipid kong sagot.

Niyakap ako ni papa at pinasadahan ng halik ang aking ulo. "Mahal na mahal ka namin anak, lagi mong tandaan iyan." Saad ni papa.

Pinigilan kong maluha dahil sa sinabi ni papa. Kahit na minsan na silang nagsinungaling sa akin ay hindi ko magawang magalit sa kanila dahil alam ko naman na nagawa lang nila iyon dahil iniisip nila ang aking kapakanan.

"Talikuran ka man ng iyong mga kaibigan, lagi mong tandaan na nandito lang kami para sa iyo dahil mahal na mahal ka naming at hinding hindi ka naming papabayaan," wika ni mama bago ako yakapin.

Dahil doon ay kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at mahigpit na niyakap si mama na para bang mamaalam na sila. Hindi ko na rin magets ang sarili ko, may parte sa akin na parang gustong sumama kina mama pauwi- nagugluhan na ako.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon