"Even as time passes and memories become hazy, the emotions tied to those memories remain etched in our hearts and minds."
Umawang ang labi ko pero mabilis ko itong binawi. Lumunok ako ng ilang beses habang nag iiwas ng tingin kay Eris nang sabihin niya ang kanyang paniniwala kung nawawala ba ang feelings or emotions ng isang tao sa taong minsan na niyang nakalimutan.
Siguro dahil na touch ako sa mga sinabi niya o may parte sa akin na parang gustong-gusto sumang ayon sa kanya.
Hindi ko nga rin alam bakit kami napunta sa ganitong usapan. We were talking about our why did he chose ABM. Akala ko kasi talaga ay nag STEM siya.
He will take law daw in the future kaya nag ABM siya since best pre-law course raw ang accountancy.
Pero, hindi ko magets ang logic kung bakit ko biglang siningit ang topic.
Siguro dahil gusto ko lang malaman ang perspective o paniniwala niya sa gano'ng bagay. Eris is a smart guy and has this wide perspective and understanding about life despite his young age.
"If you can't recall specific details about someone you used to love, the emotions you felt with them might still linger," dagdag niya pa.
Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming paningin. From there, I saw how his physical traits synchronize. Gwapo siya lalo na kapag ngumingiti siya. Everything seems suits about him. He has this brown hair styled in a two block cut. His sunkissed skin complements his thick brows and long lashes, drawing attention to his pointy nose and thin lips.
Hazel ang kulay ng kanyang mga mata at do'n ko lang napansin na mukha siyang may lahi. Hindi ko alam kung ano iyon pero hindi mo maitatanggi na mukha siyang western model.
But his words lately simply says that faded memories don't erase emotions. I wonder if he has been through breakups or even trying times. I mean he maybe went through with it but I admire how he gave his views about a certain topic with a sign of motivation.
His words have an extraordinary way of lifting my spirits and filling me with hope. It feels as if he is a guiding light, illuminating the darkest corners of my world and bringing warmth to my life.
"Uy mga pogi, hali na kayo dito!"
Naputol ang aming pagtititigan ni Eris nang tawagin kami ni Isaiah sa likod. Hindi kami sumunod ni Eris no'ng una kaya si Isaiah na ang lumapit sa amin at pasimpleng hinatak si Eris.
Tipid na natawa si Eris habang naiiling ang kanyang ulo nang lumingon siya sa akin. Pinigilan ko na lang talaga ang sarili ko na asarin siya kasi hindi pa naman kami gaanong close.
Sunod na, kapag alam ko na ano red flags niya when it comes to dating, para mapaghandaan ko.
Binuklat ko ulit ang notebook ko at kinuha ang cellphone ko kung nasaan ang mga litrato ng power point presentation ni ma'am kanina. Hindi kasi ako nakapag notes kasi si ma'am, kung makalipat ng slides kala mo kung sinong nag v-view lang ng myday eh. Buti motivated na ako ngayon. Naks naman talaga.
Ikaw ba naman payuhan ni Eris.
Sinara ko ang notebook nang matapos ako sa pag take down notes sa last period namin. Nang mailagay ko sa bag ay sinara ko ito sabay lingon sa mga kaklase kong nagkukumpulan ngayon para kausapin si Hugo at Eris, 'yung mga poging newbie.
They even called me earlier para interview-hin pero hindi ako sumama dahil bukod sa nahihiya ako ay kailangan ko rin tapusin ang notes ko sa last period naming Empowerment Technology.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heartstrings
RomansaWhen an eighteen-year-old Gab is diagnosed with a type of terminal cancer, his memory fades, eliminating even the love he once had for his ex. With barely two years to go, Gab's desperate mother turns to an old friend she once saved, asking her son...