"Ganyan talaga, kapag pogi. Walang DP sa facebook."
Halos matapon ko ang cellphone ko nang marining ko ang boses ni Isaiah mula sa aking likuran.
Tumabi ito sa akin kasi hindi pa naman dumadating si Eris. Pinatawag kasi ang mga sasali sa school band kaya nagpaalam siya sa akin.
"Tinitignan ko lang sample ng mga cover ni Eris, sasali kasi siya sa school band," palusot ko sabay pindot ng back sa cellphone ko.
"'Yon lang ba talaga?" Pang-aasar ni Isaiah.
Pinanliitan ko siya ng mata dahilan para matawa siya sa inasal ko. Ang hilig niyang mang asar pero kapag siya inasar ni David, parang sasabog siya sa inis.
Ayos din 'tong isang 'to eh.
"Pero may sasabihin ako sa 'yo."
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Isaiah kasi dumating na ang oral communication teacher namin. Umayos ako ng pagkakaupo at bumalik naman si Isaiah sa kanyang desk.
"Good afternoon, Ma'am," Bati namin sa teacher.
"Good afternoon. Today, we're going to have a role-play. I've already divided you into groups since I have a copy of your class record.
The room is filled with murmurs of anticipation. Pati ako ay na excite sa gagawin namin kaya hindi ko matanggal ang tipid kong ngisi sa labi ko.
"If hindi kaya today, we will have it tomorrow," anunsyo ng aming teacher bago tignan ang listahan niya ng mga grupo.
Ilan sandali pa'y iniluwa ng pinto si Eris at bumati ito sa gurong nasa teacher's table. Dumiritso siya sa gawi ko at umupo sa kanyang desk.
"Hey," bati niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya at binati siya pabalik, "Hi. Update sa pagsali mo sa school band?"
Umayos siya ng pakakaupo at kinuha ang kanyang panyo sa bag saka pinahid sa pawisan niyang noo. "I'm sorry, do I look messy? Tumakbo pa kasi ako pabalik dito. Ayaw kong ma-late."
Kaya pala. He still looks good, tho. I never expected someone would be this hot kahit pawisan at magulo ang buhok.
"Hindi naman masyado, boss" I replied.
Natigil siya sa pagpunas ng kanyang noo at tumingin sa akin. "Boss talaga?"
Pareho kaming natatawa sa sinabi ko.
"Sabi mo, I can call you everything I want," I said sarcastically.
Natatawa siyang umiling. Naaasar na yata siya sa akin. Ayaw niya ng boss, edi baby.
Easy! Lol.
"Yeah, bub!" He replied, a little smile flashing on his thin lips.
Bub pala ang gusto.
Bub? Bubo?
Wala na talaga akong nagawang tama sa buhay ko maliban sa magkagusto kay boss Eris.
"So how's the school band?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tinupi niya ang kanyang panyo at nilagay ulit sa kanyang bag. "It was fine, mamaya ang audition kasi hindi kaya kanina. Be there ah?"
Tumango ako. "Yes boss, I'll be there to support you. Hindi puwedeng wala ako, ikaw na 'yan eh! Malakas ka sa 'kin."
He smiled. "Thank you, bub."
"Bub?" I asked. It's cute and I wanna know bakit bub.
"You, buddy boy!" He said as he winked at me.
"Ahh..." Sa pagkakaalam ko, babe or baby meaning ng bub eh. Buddy boy na pala ngayon.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heartstrings
RomanceWhen an eighteen-year-old Gab is diagnosed with a type of terminal cancer, his memory fades, eliminating even the love he once had for his ex. With barely two years to go, Gab's desperate mother turns to an old friend she once saved, asking her son...