Sasha's POV
Gab is dying...
Hindi matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Hugo habang mahigpit ang hawak namin sa stretcher kung saan nakahiga ang walang malay na si Gab. The surge of pain didn't even stop in running across my being. Nasasaktan ako sa katotohanang kasalanan ko ang nangyayari kay Gab ngayon. Sana ako na lang ang pinaparusahan ngayon, sana ako na lang ang nagdurusa ngayon kasi mabuting tao si Gab at hindi niya deserve ang lahat ng ito, sana ako na lang.
"Gab, we're here for you!" Iyak ni Hugo habang sumasabay sa amin sa pagtakbo sa stretcher ni Gab.
Hindi na rin mawala sa ang kaba sa akin simula nang hindi nagkakamalay si Gab.
"Gab please, lumaban ka. Andito na ako, magsasama pa tayo, Gab. P-please..." Mas lalo akonhg naiyak at nakonsensya sa sinasabi ni Eris.
Kasalanan ko bakit sila naghiwalay, I hate myself for ruining their connection. I hate myself for being the reason behind detangling the heartstrings Eris has towards Gab. Mahal na mahal nila ang isa't isa at nakikita ko iyon sa mga mata ni Eris tuwing magkasama kami.
Sana lang hindi pa huli ang lahat. Sana ay magkaroon pa ng pagkakataong magsama uli sila at makahingi ako ng tawad sa kanilang dalawa.
Nang maipasok si Gab sa Emergency Room ay naiwan kami sa labas. Hindi na nila kami pinapasok kaya naiwan kaming umiiyak sa labas at nagdarasal na sana ay makasama pa namin si Gab.
"Kasalanan ko 'to!" Galit na sigaw ni Eris at patuloy na pinagsusuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kanyang mga kamay.
"Eris tama na!" Pigil ko sa kanya habang niyayakap siya pero pilit naman siyang bumibitaw.
"Paano mo nagawa sa amin 'to, Sasha" Baling niya sa akin.
Para akong sinaksak sa puso nang itanong niya iyon. Alam kong nagkamali ako at kasalanan ko kung bakit sila nasira pero handa naman akong pagbayaraan ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit. Nakakapagod na rin mabuhay sa pekeng pamumuhay na ginawa ko just to make myself feel better. No'ng pauliy ulit akong hinaharass ng aking stepdad ay minsan ko nang hiniling n asana mamatay na lang ako dahil wala nang saysay ang buhay ko.
"S-sorry..." nanginginig na ang labi ko dahil sa pag iyak at tila paulit ulit akong sinasaksak.
"Sana nakinig na lang ako sa kanya, sana dinamayan ko siya, sana hindi ko na lang siya tinalikuran." Malungkot na sambit ni Eris sa pagitan ng kanyang pag iyak at pagdurusa.
They look miserable right now. Nakaupo lang si Hugo sa waiting area habang paulit ulit na nagdarasal habang si Eris ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader habang malakas ang paghinga niya at walang tigil sa pagbuhos ang kanyang mga luha.
Only if they know how much I regret everything even my own life. Pinagsisishan kong nabuhay pa ako no'ng paulit ulit akong sinaktan ng mga taong pinagbintahan sa akin ni mama. I feel like I am a curse to everyone's life. I've been disappointing so many people upon growing up.
Nakaupo lang kaming tatlo, lugmok at naghihintay ng magandang balita. Ilang minuto lang ay napalingon kami kay Isaiah na parang hinahabol dahil sa bilis ng lakad niya habang nakasalubong ang kanyang mga kilay at tila sasabog na sa galit. Nang tumayo kami ay agad pumasada sa basa kong pisnge ang malakas na sampal ni Isaiah dahilan para makaramdam ako ng hapdi.
"Hayop ka! All this time, ikaw lang pala ang puno't dulo ng pagkasira ni Gab at Eris!" Sigaw na siya akin bago sampalin naman ang kabilang pisnge.
Nang sasampalin nanamn niya ako ay pinigilan siya ni Hugo pero hindi parin ito tumigil sa pagbato sa akin ng masasamang salita.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heartstrings
RomanceWhen an eighteen-year-old Gab is diagnosed with a type of terminal cancer, his memory fades, eliminating even the love he once had for his ex. With barely two years to go, Gab's desperate mother turns to an old friend she once saved, asking her son...