Chapter 2

262 27 90
                                    




Just a quick message to say you've been lighting my days like the sun after a storm.

I'd love to see if we can create some more sunlight together sometime.

I hope to hear from you shortly.

Ender Vaughn of 10 - SPJ


My stomach churned, and I nearly cringed at the letter. Hindi ko alam kung para ba 'to sa akin or hindi, pero nakaipit kasi sa luma kong notebook at paniguradong dati pa 'to.


Wala ring nakalagay na pangalan para kanino kasi punit na ang pang itaas na bahagi nito. Pero bakit naka ipit sa notebook ko? Bakit 'Yung pangalan ng nagbigay ay pangalan no'ng lalaking familiar na nagcomment sa anonymous post ko?

Ano ba talaga ang papel niya sa buhay ko? One whole or one-half crosswise? Joke lang.

Pero curious ako. Dati ko ba siyang kaibigan? Crush or boyfriend? Pero medyo tagilid tayo do'n sa boyfriend, ang gwapo ni Ender para pumatol sa taong katulad ko.

Wala lang, gusto ko lang mag-assume.


Dahil curious ako ay chineck ko ulit ang facebook ni Ender. May mga pictures siya rito na naka jersey siya, siguro basketball player siya. Auto pass agad.

Kidding.

"Kapal ng mukha," sabi ko sa sarili.


Sana talaga kasama sa nakalimutan ko ang pagiging batak ko mag assume at pagkakaroon ng attachment issue. Kaso wala eh, sa dami-dami ng puwedeng maburang alaala, 'yung mahahalaga pa sana. Wala bang recycle bin ang utak? How about, recently deleted, wala ba? Tsk.

Hindi ko na tinuloy pag scroll sa timeline niya, I think it's time to put on my headphones and drown out the world with music.


Ayoko nang mangialam pa sa buhay niya. Baka panahon na para mag move on sa kanya. Bumungad ba naman ang isa niyang litrato kung saan may kasama siyang babae.

'Yun ang legit na auto pass.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko para makinig sa music nang makita ko ang shared post niya.

"Bakit ka nakipag break?"

'Yan ang nakalagay sa post kaya hindi ako nagdalawang isip na basahin ang caption ni Ender sa shinare niyang post.

Napagod ako and all I know is that love shouldn't be an emotional and physical drain. A healthy relationship energizes and fills your cup rather than emptying it. It shouldn't leave you feeling constantly exhausted or require inordinate amounts of effort to maintain. True love fosters growth, lifts your spirits, and provides a safe space to be yourself.

Ouch.

Broken ata siya. His post just said that he came from a breakup, ayokong mangialam pero curious ulit ako kanino siya nakipagbreak. Hindi na ata ako matatahimik nito, feeling ko kasi may connection kami. Hindi ko lang maalala.

Hindi puwedeng nagkataon lang.

Minutes later, a notification popped up on my phone. Tinanggal ko muna ang headphones ko bago iyon tignan. Sana iyon na ang hinihintay ko. Kanina pa kasi ako dito sa Park, nag aabang magbukas ulit ang center kasi kailangan kong kumuha ng iba kong requirements para sa scholarship ni mayor.

Pahirapan pa naman pumila kasi kanina pa ako pumunta kaso nag cut-off sila dahil lunch break. Ewan ko ba bakit gusto pa ni mama na sa private ako mag senior high school eh okay na ako do'n sa public. Wala masyadong bayarin at marami akong kaibigan do'n kahit hindi ko na maalala sino-sino.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon