Chapter 18

160 17 0
                                    


The aroma of freshly brewed coffee filled my kitchen as I prepared breakfast after my morning walk. Nakasanayan ko na rin maglakad lakad or mag jogging sa umaga. Ako na rin ang nagluluto ng pagkain para sa aking mga magulang kapag tulog pa sila.

Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya napangiti ako. Alam kong si mama iyon kaya nilapag ko na sa table ang mga niluto ko para sa amin.

The sizzle of eggs on the pan was soothing, a rhythmic reminder of the routine I cherished.

"Good morning, Nak."

Lumingon ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam bakit naiiyak ako. Ang aga aga eh. Hindi ko kasi  maalis sa isipan ko 'yung mga what ifs ko. Alam kong kapag natapos ang dalawang taon, hindi ko na masisilayan ang mga ganitong bagay.

Kaya habang buhay at nandito pa ako, susulitin ko ang mga ganitong momento sa buhay ko.

"Aw, ang aga mo umiyak nak. Okay ka lang ba?"

Kumawala ako sa pagkakayakap kay mama at pinahid ang mga luhang tumulo sa aking pisnge.

"Wala 'to ma, kanina pa 'to no'ng matapos ko ang pinapanood kong K-drama," palusot ko.

Mama crossed her arms. "Siguro ka ba?"

Ngumiti ako sa kanya. "Yes po, sure na 'yan. Tsaka dito na po kayo, nagluto po ako para sa inyo."

I told mama to sit and eat as I prepared food for them. As my dad came, I hugged him tight as well. Umupo na rin ako para sumabay sa kanila nang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko iyon at tinignan. Nang makita ko sino iyon ay napatingin ako kina mama na parehong gulat sa inasta ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni papa.

"Yes po."

Binigyan ako ni mama ng nakakaasar na mukha. Tila alam niya kung sino ang nagchat kaya ngayon ay parang gusto niya akong asarin.

Tumingin muna  ulit ako sa chat.

"Good morning, Gab."

Nang mabasa ko iyon ay pa type na ako ng irereply nang bigla ulit mag pop up ang message niya.

"Let's have breakfast together."

I smiled.

My heart skipped a beat.

Pinagpatuloy ko ang pagtype ng reply ko.

"Okay."

Gano'n lang kasimple ang reply ko, hindi ko na kailangang pahabain pa kasi na excite ako sa ideyang mabrebreakfast kami together. I mean, we've been doing it these days but I never get used to it.

Hinding hindi rin ako magsasawang samahan siyang magbreakfast kahit saan man kami mapadpad.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Ma, alis na po ako. Niyaya kasi ako ng kabigan ko na magbreakfast with him." Paalam ko sa kanila.

"Si Hugo ba?" Tanong ni mama.

Nagulat ako ng itanong iyon ni mama. How did she know about Hugo? Pero sa bagay, kaklase ko dati si Hugo eh kaya kilala siya mama.

"Hindi! Si Eris nagyaya, parte ng kanyang panliligaw sa anak natin," sagot ni papa bago uminom sa kape niya.

Nailang ako sa sagot niya at biglang nag init ang pisnge ko kaya nag iwas akon ng tingin sa kanila.

"Sige na po, baka hinihintay na niya ako doon," paalam ko kina mama at niyakap sila ulit.

Tamang tama kasi nakapagbihis na rin ako kaya diritso ako sa shop na madalas naming puntahan tuwing umaga. Nang makarating ako ay agad akong sinalubong ng bango ng kape at iba pang pagkain.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon