Chapter 30

89 19 18
                                    


Play 'You'll be safe here' by Rivermaya for this part.

•••

Eris's POV

I fell for him and fell even harder

I was 7 when I first met him.


"Bata!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang nakatayong bata rin na parang ka edad ko lang.

"Nawawala ka ba?" He asked as he approached me.

Sumimangot ako. "Oo eh, hindi ko alam saan ako patungo, nagtagu-taguan kasi kami pero dito ako nagtago."

"Ah kaya umiiyak ka?"

My eyes grew bigger. "Ako? Hindi ah!"

"Nakita kita, umiiyakka eh!"


Sumimangot ako at inilibot ang paningin sa paligid. Kids are playing. May nagswiswing at slides. May naghahabulan din pero hindi ko alam bakit tagu-taguan pa napili kong salihan, ayan tuloy, hindi ko na alam paano ako babalik sa pinanggalingan ko eh ang lawak ng playground.

"Sumama ka na lang sa akin, lapit tayo kay mamang guard." Pag-aya sa akin no'ng masungit na batang lalaki.


Hindi na ako nagsasalita no'ng mga oras na iyon. Nakabuntot lang ako sa kanya hanggang sa tumigil siya lumingon sa akin. "Bilisan mo kasi!"

Tinitigan ko lang siya ng matagal hanggang sa kumunot ang noo niya at basta niya na lang akong hinawakan sa kamay at sinabayan sa paglalakad.

"Kanina ka pa malungkot ah, nakakaawa ka," he said, still holding my hand while walking amidst the playing kids.

"Gusto mo ba ice cream?" He asked.


I stopped and looked at the ice cream vendor near the entrance gate. I love ice cream but I don't have money. "Wala akong pera eh," malungkot kong sabi.

"Kawawa ka naman, sige bilhan na lang kita."


I waited for him and I got confused seeing one ice cream.

"Ayan, iyo na. Malungkot ka eh!" He said, handing me the ice cream.


"Bakit isa lang?" I asked.


"Ikaw lang, wala na kasi akong pera tsaka busog naman ako!" Pagdadahilan niya.

We even got a photo together pero hindi koi yon nakuha agad kasi dumating si mama. Tinawag na rin siya ng kanyang ina.

"Gab!" Her mom approached him kaya nang lumingon ako sa kanya ay ngumiti ito sa akin at nag wave pa.


Uuwi na sana kami nang sabihan ko si mama na kunin ang litrato namin. I still have the picture up until today. It's my remembrance that is why I really kept it. Pinangako ko kasi sa sarili ko na by any chance in the future ay pasasalamatan ko siya sa kanyang kabutihan. But, years had passed and I never met him until I saw him at the center, rushing but he suddenly collided with a stranger.

At first, I didn't recognize him. Pero dahil hindi siya tinulungan no'ng bumangga sa kanya ay ako na ang kusang lumapit at pinulot ang papeles niyang kumalat sa ground. Picking up his papers made me stop reading his one written on one of his papers.

Gabriel Louis Menchavez


I actually didn't mind it and returned his papers. Nakangiti pa siya nang tumingin sa akin pero kalaunay napalitan ng gulat. Hindi ko alam bakit gulat na gulat siya sa akin.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon