Chapter 15

192 17 0
                                    

"Gab!"

Patalikod na sana ako ng tawagin ako ni Kim kaya napapikit ako ng mariin at nahihiyang lumingon pabalik sa kanila ni Ender.

"Hi," nahihiya kong bati sa kanila.

Ako na kusang lumapit sa kanila nang kumaway sa akin si Kim.

"Thank you for coming and I would like to say that you look stunning tonight!" Sabi sa akin ni Kim.

Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Thank you, ikaw din! And happy birthday nga pala!"

"Thanks, Gab."

Napatingin ako kay Ender na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Kanina pa siya walang kibo nang tawagin ako ni Kim at lumapit.

Nakalugay ang kanyang buhok at nakasuot siya ng simpleng white long-sleeve polo na naka unbutton ang tatlong pang itaas na butones kung saan bahagyang sumisilip ang kanyang dibdib at kwentas. Naka beige lose pants siya at naka transparent orange shade pa na dumadagdag sa kanyang kagwapohan.

"Oh! by the way, this is Ender. He is my friend, nakilala ko sa youth camp," pagpapakilala ni Kim kay Ender.

Hindi ko alam pero ang awkward ng set up namin kaya gumagapang na sa aking buong katawan ang kahihiyan. Hindi ko alam ang sasabihin dahil parang may bumabara sa lalamunan ko kaya napapalunok na lang ako.

"Gosh, ano? Hindi ba uso sa inyo magshake hands?" Putol ni Kim sa aming pagtititigan ni Ender.

Lumunok ako at  itataas na sana ang aking kamay para makipag shake hands sa kanya nang biglang tawagin ako ni Eris kaya mabilis akong lumingon sa kanya habang dilat na dilat ang mata dahil sa gulat.

"Nandito ka lang pala," seryosong sabi ni Eris habang nag iiba ang rehistro sa mukha nang mapansin niya si Ender.

Ito nanaman sila.

Nang lumingon ako kay Ender ay halos magsalubong ang kaniyang kilay habang nakatingin din kay Ender.

Pareho kaming gulat sa nakikita namin ni Kim. Siguro kung nakikita lang namin ang naiisip ni Ender at Eris ay baka nagsusuntukan na sila dahil sa kanilang expression.

Tumikhim si Kim bago magsalita. "Ayos naman tayo dito 'di ba?"

Ako na mismo ang nahiya kay Kim. Birthday niya pero iba pa pinapakita ng dalawa kaya ako na nagkusang hawakan sa braso si Eris para pakalmahin kasi parang may kahihinatnan talaga ang kanilang pagtititgan ni Ender.

"Happy birthday nga pala, Kim," baling ni Eris sa gawi ni Kim.

Buti nagpaawat siya. Nag iwas na rin ng tingin si Ender kaya minabuti kong kausapin si Kim nang magpasalamat ito kay Eris.

"Alam mo, entertain your other guests, may mga kararating lang oh!" Palusot ko kay Kim para lang ma divert ang attention niya.

Nagkibit balikat si Kim. "Maybe you're right, and speaking of guests..."

Napatingin kami sa tinitingnan ni Kim nang hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

There we saw, Sasha enter the room, captivating everyone with her stunning beauty. She was dressed in an elegant beige  dress that fell just past her knees, complemented by matching beige heels and a shimmering silver purse.

"Excuse me boys, paalam ni Kim sa amin at nilapitan si Sasha na ngayon ay pinagtitinginan na mga tao.

Ang ganda niya kasi. Bagay na bagay sa kanya ang blond niyang buhok at ang suot niya. Nang mag usap sila ni Kim ay hinawakan ako ni Eris sa kamay at iniwan na namin si Ender doon.

Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon