"Patuloy paring pinaghahanap ang mga taong posibleng natabunan ng mga gumuhong gusali..."
Nagising ako ng lakas ng tunog ng TV.
I quickly started blinking my eyes to see where I am. Nang tuluyan akong dumilat ay napatingin ako sa kabuan ng silid kung nasaan ako.
Nasa hospital ako.
Dahan-dahan akong bumangon at napansin ang mga tao sa kabilang kama na nanonood sa isang maliit na TV rito. Nasa malaking silid pala kami at kurtina lang ang pagitan ngmin ng ibang pasyente. Pa ika-ika akong naglakad sa kabilang kama at doon ko nakita ang duguan at critical na mga estudyanteng hanggang ngayon ay wala paring malay.
Nang papalapit ako sa dulong kama ay biglang kumirot ang tiyan ko kaya napahawak ako roon bago lumingon sa aking kama saka napagtantong ako lang ang walang kasama rito. My parents aren't here kaya wala akong mahingian ng tulong.
Ma, Pa, nasaan na kayo?
Nasasaktan ma'y bumalik parin ako sa kama at umupo roon. Nang maramdaman kong namumuo ulit ang mga luha ko sa mga mata ay wala sa sarili akong humiga at humagolgol. Hindi ko na alam ang nangyari sa parents ko kasi hindi ko sila matawagan. Nawawala ang aking cellphone kaya paano ko na sila macocontact?
Napalunok ako at niyakap ang sarili habang patuloy parin sa panginginig ang aking labi at lumalabo na ang aking mga mata dahil sa luhang walang tigil sa pagbuhos. Hindi ko halos magalawa ang ibang bahagi ng aking katawan dahil may gauage ang mga ito at sumasakit lang kapag pinipilit kong igalaw.
Minsan talaga parang napapaisip tayo kung nasa dulo na ba tayo ng ating buhay at hindi na alam kung magpapatuloy pa ba o hindi na. Life is indeed a roller coaster ride, minsan nasa baba ka, minsan nasa taas. But, one thing for sure is that it drains you a lot. It challenges you to the point parang susuko ka na.
"Oh my God, where's my couz!?"
Naagaw ng isang pamilyar na boses ang atensyon ko kaya bumangon ako at nagpunas ng luhang halos matuyo na. Dahan dahan akong bumaba ng kama at pumunta sa pinanggalingan ng boses saka nakita si Catlea na tila gulat at naiiyak sa nakita. Nasa dulong bahagi siya ng silid kung nasaan ang kama kanina na balak kong i-check sana kanina.
Dahil curious ako sino iyon ay lumapit ako roon kahit masakit pa ang ibang parte ng aking katawan lalo na ang aking mga paa. Nang makarating ako roon ay bumungad sa akin ang walang malay na si Ender habang halos mapuno na ng dugo ang mga gauage niya sa katawan. Halos hindi na rin siya makilala dahil sa dami ng kanyang sugat sa mukha.
Agad nanginig ang labi ko at tila may sariling buhay ang mga luha ko na kusang tumulo habang pilit kong tinatakpan ng kamay ang aking bibig dahil hindi ko kaya ang nakikita ko.
"Couz, sabi ko naman sa iyo na unahin moa ang sarili mo!" Hagulgol ni Catlea.
Magpinsan pala sila kaya gano'n na lang siya mag-alala kay Ender.
Nang dumating ang nurse ay napatingin sa kanya si Catlea pero imbes na ang nurse ang kausapin ay ako ang napansin niya at bigla niya akong sinugod.
"IKAW! ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPAKITA PA RITO! KASALANAN MO 'TO!" Sigaw niya sa akin habang bakas sa mukha niya ang galit.
Napailing ako dahil hindi ko alam ang pinagsasabi niya. "Catlea, I don't know what you are talking about."
Bigla niya na lang pinaulanan ng magkabilang sampal ang psinge ko dala ng kanyang galit na tila hindi niya ma control.
"IKAW LANG NAMAN ANG INILIGTAS NI ENDER KAYA SIYA ANG NAPURUHAN!"
Tuluyang nanlumo ang mga binte ko dahilan para mapaluhod ako at sabayan si Catlea sa paghagulgol. Pareho lang kaming natahimik nang pumasok ang doctor at sinabing kailangang ilipat ni Ender sa private room.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heartstrings
RomanceWhen an eighteen-year-old Gab is diagnosed with a type of terminal cancer, his memory fades, eliminating even the love he once had for his ex. With barely two years to go, Gab's desperate mother turns to an old friend she once saved, asking her son...