Chapter 19

113 17 5
                                    




"What if mahulog si Eris sa kanya?"

Pasimple akong nag iwas ng tingin at nalungkot sa tanong na iyon ni Isaiah sa akin. Ilang araw ko rin kasing iniisip ang tanong na iyon na tanging si Eris lang ang makakasagot. What if mahulog nga siya kay Sasha? Ilang araw na rin kasi silang magkasama dahil sa iba't ibang projects nilang dalawa.


Simula no'ng kinuronahan si Sasha bilang Ms. Evergreen Ford 2024 ay marami siyang opportunities na natanggap tulad ng pagkuha sa kanya bilang model kung saan siya mismo ang namili ng kanyang partner no'ng hindi pumayag ang dapat na kasama niya.


At first, she asked us if sino pwedeng maging partner niya sa pagmomodel na dapat manggaling din sa aming section. Majority of us chose Hugo kasi bagay sila at pareho silang good looking, paraan ko na rin iyon ng paglalapit sa kanilang dalawa kasi gusto nga siya ni Hugo.


Pero, at the end, si Eris ang pinili ni Sasha. I'm not saying that she should've not  done it just because Hugo deserves it, I'm just saying curious about the purpose bakit si Eris talaga.

But it was clear already, he like Eris kaya siya pinili niya. They will be the official model of our school and the rest of its branches across the world. They will be featured to the magazines and billboards. Sila din ang nasa ads ng school namin kaya naglaan talaga sila ng maraming araw para doon.




Sa katunayan eh hindi pa sila tapos sa mga projects kaya kailangan pa nilang magsama for weeks para roon.




"Beh, okay ka lang?" Tanong sa akin nang mapansin niyang hindi ako kumikibo.


Napalunok ako at kinalma ang sarili bago sumagot. "I'm fine. May iniisip lang.


"Sina Eris nanaman?" Tanong niya at bakas sa tono ng boses niya ang pagkadesmaya.



Parang gustong-gusto niyang sabihin sa akin na marami pa namang tao sa paligid at hindi dapat umikot ang mundo ko sa iisang lalaki lang.



Tumango na lang ako bilang tugon. Hindi ko yata kayang magsalita kasi paniguradong naririndi na sa akin si Isaiah. Nasabi ko na rin sa kanya ang tunay kong nararamdan kay Eris pero nagulat pa siya no'ng sabihin kong matagal na akong nililigawan ni Eris pero hindi ko siya sinagot.


Although, I have the surprise answer for him, which is 'yung sinulat ko sa confession booth pero nasira ang lahat ng plano ko no'ng yayain ko si Eris doon pero bigo kong makita ang sticky notes ko. Ewan ko saan napunta eh tandang tanda ko pa saang parte ng board ko iyon nilagay.


Simula no'n, hindi na kami nakakapagsabay ni Eris. Si Hugo na ang minsan kong kasabay umuwi at kumain, no'ng una ay inisip kong ginagawa niya lang iyon dahil gusto niyang makakalap ng update kay Sasha pero hindi pala. We are friends, kaya dadamayan niya raw ako.


Ang tanging advice na lang na naibigay ko kay Hugo ay sabihan siyang personal niyang lapitan at ligawan si Sasha para matahimik na siya. Pumayag naman siya pero gusto parin niya na tulungan ko siya kaya bilang isang kaibigan niya ay pumayag ako.


"Beh dito tayo, sale oh!"


Hinatak ako ni Isaiah sa department store nang makita ang malaking nakasulat na sale. Gusto niya raw kasi mamili ng bagong gamit kasi magsesecond sem na kami.


The mall was bustling with life, the chatter of shoppers and the scent of newly displayed items filling the air. Isaiah and I meandered through the shops, bags in hand, the weight of the items not nearly as heavy as the conversation we were having.


Forgotten HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon