Chapter 44

63 3 0
                                    

THIRD PERSON

Hindi makapaniwala ang ilang natitirang air force nang makita nila ang pagbagsak ni Narako. Nang makita nila na bumagsak din si Jerson ay dito na nagsimulang mawalan ng lakas ng loob na magpatuloy sa pakikipaglaban ang natitirang air force. Ginapang sila ng takot.

"Gwen, ano ang gagawin natin?" Tanong ng isang lalaking air force sa babaeng litaw ang kulay berde sa pananamit.

Tulala itong si Gwen habang nakikita ang unti-unting pagbagsak ng tuluyan sa damuhan ni Jerson. Nakikita niya ito sa di kalayuan.

"Gwen!" Sigaw ng kasama niya para pukawin ang atensiyon niya.

Napailing si Gwen para matauhan. Napatingin siya sa paligid. Marami na ang bagsak sa parehong panig ng air force at army. Ngunit kita niya na nabigla ang karamihang air force sa nangyari sa kanilang dalawang lider.

Napalingon sa kaniya ang ilang air force na malapit sa kaniya. Hinihintay ang kaniyang sasabihin dahil siya na lang ang mayroon ang air force ngayon. Siya ang kanang kamay ni Jerson.

Napatingin siya sa ilang army na papasugod nang muli sa kanila.

"Atras," mahinang sambit ni Gwen. "Atras!"

Narinig iyon ng mga air force na malapit sa kaniya. Agad na sumigaw ang mga ito sa iba pa nilang kasamahan na umatras na rin.

Agad na tumalikod ang mga nakarinig na air force sa mga army at mabilis na tumakas. Wala na sa deriksyon ang lahat sa kanila. Nagkaniya-kaniya na sila ng deriksyon para lang makalayo agad.

Napasinghap si Gwen nang mapagtanto na kukonte na lang ang air force na natitira. May ilan siyang nakikitang air force na buhay pa ngunit hindi na kakayanin na makalayo pa. Marahas na ginulo ni Gwen ang kaniyang buhok dahil sa pagkainis sa naging resulta ng digmaan ngayon.

Agad na nagpaulan ng kung ano-ano ang mga army na pilit na hinahabol sila.

Tumalikod na si Gwen. Dahil sa mga natamo na niyang sugat ay iika-ika siyang tumakbo papasok sa kagubatan. Papalayo sa elemental army.

***

Papalubog na ang araw. Humupa na ang laban. Naiwan ang buong lugar na tadtad ng bakas na pinsala ng nangyaring labanan. Maraming katawan ang nasa mga damuhan, wala nang buhay. Ang mga natitirang army at nakaligtas sa bingit ng kamatayan ay puno naman ng mga sugat.

Ang medication army na kahit mga sugatan na ang sarili ay ginagamit ang mga natitirang lakas upang kahit papaano ay mailigtas pa ang ilang nag-aagaw buhay.

May ilang air force din na nadakip ang mga army. Ang karamihan ay mga hindi na kaya pang sumama sa pagtakas ng kanilang mga kasamahan. Habang ang iba naman ay sadyang sumuko na lang.

"Dalhin niyo rin dito ang katawan ng lider ng air force at ang anak nito," utos ni Lieutenant Joaquin sa mga red army sabay turo sa isang parte ng damuhan kung saan inihihilira nila ang mga wala nang buhay na katawan. Pinagbubukod nila ang mga air force at army.

Halos kalahati na lang niyang naimumulat ang kanan niyang mata dahil sa namamaga na ito dala ng laban kanina. Marami rin siyang natamong sugat at pasa sa buong katawan.

Nang umalis na ang mga red army na nautusan niya, nilingon niya ang gawi kung nasaan ang kaniyang commander na si Altair. Nakaupo ito sa damuhan at nagpapahinga pansamantala. Marami na rin itong sugat sa katawan. May ilang parte pa sa suot nitong uniform ang napunit.

Napabuntonghinga si Lieutenant Joaquin. At saka inilibot ang kaniyang paningin. Nakita niya ang heneral na inaalalayan ng isang lalaking army habang nagmamando sa ibang army.

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon