Chapter 4

4.4K 169 16
                                    

ALTAIR

Nanatili ako sa EAMC sa sumunod na araw para ayusin ang halos napabayaan nang opisina na para sa aming red army. Dalawang araw akong nanatili rito at napagpasyahan ko agad na umuwi sa Red Army Campus pagkatapos ko rito.

Saktong isinara ko na ang pinto ng opisina ko nang madatnan ko sa hallway ang tumatakbong gold army. Huminto siya sa tapat ko mismo.

"Bakit? May problema?" Agad kong tanong sa kaniya habang hinahabol niya ang kaniyang hininga.

Marahan siyang tumango. "Dahil nandito ka at si Commander Esdeath, gusto ng heneral na makausap kayo. Nasa ibabang hall siya."

Agad akong tumango at patakbong umalis para bumaba at magtungo sa sinasabing hall.

"General," sambit ko sabay salute nang makita ko na ang heneral.

Halos magkasabay pa kami ni Commander Esdeath nang ginawa dahit saktong kadarating lang din niya na galing lang siya sa kabilang side.

Nasa tabi ng heneral ang lieutenant ng cyan army.

"Commander Esdeath, Commander Altair, may masamang balita," panimula ng heneral.

"Anong balita?" Tanong ni Commander Esdeath.

"Ang Air Force. Nai-report sa akin ngayon lang na gumagawa sila ng gulo sa isang maliit na bayan."

"Ano?" Halos sabay na sambit namin ni Commander Esdeath.

"Gumagawa sila ng gulo sa isang bayan na may mga mahihina at normal na tao? Bakit?" Tanong ni Commander Esdeath. "Anong pakulo nila? Ano ang target nila?"

"Hindi namin alam," tanging naisagot na lang ng heneral. Saka niya sinenyasan ang kasama niyang lieutenant ng cyan army.

Nagpakita naman ang lieutenant ng isang saktong kalaking hologram screen sa harapan namin. Mula rito, nakita namin ang kasalukuyang nangyayaring pamiminsala ng Air Force sa isang bayan.

Halos mapamura ako nang makita namin sa hologram ang ilang taong walang kalaban-laban na tumatakbo sa takot at naguguluhan kung ano ang nangyayari.

Shemay. Bakit nandoon ang air force? Bakit nila ginugulo ang wala namang laban at walang alam tungkol sa kanila at sa amin.

"Patungo na ngayon ang ilang cyan army sa lugar na pinapangunahan ngayon ni Commander Zian. Ngunit humihingi siya ng tulong mula sa ibang army na makaka-backup sa kanila," ani heneral at saka tumingin sa amin ni Commander Esdeath. "Dahil kayo ang nandito at mabilis ko na masasabihan tungkol dito, kayo ang gusto ko na tumulong kay Commander Zian."

"Masusunod, heneral," sabay na sambit namin ni Commander Esdeath at nag-salute.

Matapos ibigay ng heneral ang lugar, agad na kaming tumakbo palabas ng building at sumakay sa aming mga kabayo palabas ng campus. Dederitso kami sa aming mga campus para magsama pa ng ilang army papunta sa lugar.

Mas malapit ang campus naming red army sa sinasalakay na bayan. Kaya talagang mauuna kaming red army na makakarating doon kaysa sa crystal army.

Mabilis ang pagtakbo ng mga kabayo namin ng dalawa kong kasamang red army papunta sa campus namin. Walang lingon-lingon. Kaya agad kaming nakarating.

"Commander Idol!" Nakangiting salubong ni Ryoran pagkapasok namin sa campus.

Saglit lang akong ngumiti sa kaniya at saka naging seryoso ulit.

"Attention, Red Army!" Sigaw ng kasama kong captain pagkababa namin mula sa mga kabayo namin.

Lumabas ang ilang red army na malapit sa plaza at agad na tumindig ng maayos.

Medyo napakunot ang noo ko nang mag-try na umayos ng tindig si Ryoran kaso tila natutumba siya. Agad naman na lumapit sa kaniya si Agatha para magbilang support niya. Gusto ko sanang lapitan at matanong silang dalawa kung anong nangyari pero mamaya na lang.

"May nagaganap na pagsalakay ng air force sa isang bayan. Kasalukuyan na papunta na roon ang cyan army. Tayong red army at ang cystal army ang nautusan ng heneral na na sumunod doon para tulungan ang cyan army na mapigilan ang air force," malakas kong sabi. "Maghanda ang mga nais at kayang sumama ngayon sa akin. Bilisan!"

"Roger!" Sabay-sabay na sigaw ng mga red army at agad na kaniya-kaniyang kumukuha ng kanilang mga sandata at masasakyan.

Agad akong lumapit kina Ryoran at Agatha.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko kay Ryoran na iika-ika.

Sasagot na sana si Ryoran pero naunahan siya ni Agatha.

"Natalisod siya kani-kanina lang."

"Natalisod?"

Tumango si Agatha habang inaalalayan pa rin si Ryoran. "Oo. Sa may hagdan. Ang kulit kasi. Sinumpong na naman ng pagiging pasaway. Nakikipag-unahan siya sa ibang red army papunta sa cafeteria sana kaso ayun. Buti na lang malapit na siya sa paanan ng hagdan kaya hindi ganoon kalala inabot niya," mabilis na lintana ni Agatha para hindi mabigyan ng pagkakataon si Ryoran na makasingit at magsalita.

Tila nahiya naman si Ryoran kaya napalingon na lang sa ibang direksyon.

Mayamaya, narinig namin na may natatawa sa tabi ko. Nang lingonin namin, si Lieutenant Joaquin na pala. Nagpipigil matawa.

"C-Commander oh! Pinagtatawanan ako ni lieutenant," parang batang sumbong ni Ryoran sa akin at napaturo pa kay lieutenant.

"Ikaw kasi. Para kang bata. Yan tuloy. Iika-ika ka na tuloy," ani lieutenant. "Pero wag kayong mag-alala, commander. Na-check na ang paa niya. Minor lang yan."

Napatango ako. "Buti naman."

Napalingon ako sa mga red army na mabilis ang mga kilos. Inihahanda na nila ang mga kabayo nila.

"Lieutenant, maiwan ka rito," seryoso kong sabi.

Tumango si lieutenant.

"Alta---I mean, commander," tawag sa akin ni Agatha kaya napalingon ako sa kaniya. "Sasama ako sayo."

Agad akong tumango.

"Ay ay ay. Sama rin ako," sabi naman ni Ryoran nang mag-excuse na si Agatha at iniwan siya.

"Ryoran, manatili ka na lang dito," sabi ko.

"Luh. Pero---" pinutol agad ni lieutenant ang reklamo ni Ryoran.

"Makinig ka sa commander, Ryoran. Saka hindi maganda ang kondisyon ng paa mo. Ipahinga mo na lang yan. Yan kasi. Pasaway."

Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Ryoran at napanguso.

Napangiti at napailing na lang ako.

"Sige na. Kinakailangan naming magmadali," sabi ko.

Tumango si lieutenant at tumabi. Inalalayan niya si Ryoran.

Sumakay ako sa likod ng kabayo ko at tiningnan ang mga red army na handang sumama sa akin ngayon.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko.

"Yes, commander!" Sabay-sabay na sagot nila.

Nang masiguro ko na ayos at handa na sila, pinangunahan ko na. Pinatakbo ko ang kabayo ko palabas na ng campus para tumungo na sa bayan.

Sumunod na sila sa akin. Lahat kami ay mabilis ang pagpapatakbo sa kaniya-kaniyang kabayo upang makarating agad sa lugar na kinakailangan naming puntahan.

Rinig na rinig ang mga tadyak ng paa ng mga kabayo sa aming nadaraanan.

*****

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon