ALTAIR
"Heneral," sambit ko sabay salute pagkapasok ko sa opisina niya.
"Hmm. Commander Altair, biglaan ata ang pagpunta mo rito."
"May importanteng mensahe ang air force sa ating Elemental Army," sagot ko sabay na ipinakita ang dala kong scroll na bigay ni Gwen kanina.
***
Nang mabasa ng heneral ang nakasulat sa scroll at nasabi ko sa kaniya ang nangyari, agad niyang ipinatawag ang mga commander. Nang makarating na lahat ng commander, agad na nagsimula ang pagpupulong.
Muli kong inilahad sa kanilang lahat ang nangyari at binasa ang nasa scroll. Naging tensyonado ang lahat.
Pinagpasa-pasa na rin ang scroll para mabasa nila mismo ulit ang nakasulat dito.
"Tsk. Obsess talaga sila na makalamang sa atin, eh hindi naman tayo nakikipag-kompetensiya sa kanila kung sino malakas," padabog na komento ni Commander Roy at napahalukipkip pa sa kaniyang kinauupuan.
"At saka, biglaan sila ha. Mukhang pagod na sila sa ala-daga't pusa nating mga laban," dugtong naman ni Commander Nathan.
"Sila pa ang napagod eh sila naman itong umuuna sa mga katarantaduhan. Mga loko rin eh."
"Pero teka... ano itong nakasulat na magbayad daw tayo sa kinuha sa kaniya?" Kunot-noong tanongg ni Lucas habang binabasa ang scroll.
"Bakit? May nagawa ba tayo? Eh sila nga itong pasimuno ng gulo noon pa," tanong ni Commander Chelsea.
"At kung ang tutuosin, sila pa nga ang maraming kinuha sa atin," seryosong saad ni Lucius.
"Tama, mas marami nga ang nakuha nila sa atin," pagsang-ayon naman ni Commander Hideo.
"Hindi ko eksaktong alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang iyan," singit ng heneral.
"Eh, heneral, talagang tatanggapin natin iyang hamon nila? Baka patibong lang iyan," ani Commander Owen.
Agad na napalingon kaming lahat sa heneral. Sa ideyang ibinigay ni Commander Owen ng Lucent Army, bigla kaming kinabahan. May point siya, baka nga patibong lang yan. Baka kunwaring makikipagtuos siya sa amin pero may iba pa siyang plinaplano. Kunwari'y patas na makikipag-laban. Yun pala may illegal tricks pala na nakahanda sa kanilang mga bulsa.
"May iba pa man silang plano o wala, hindi naman pwedeng hindi natin tanggapin ang hamon nila," sagot ng heneral. "Nababasa niyo naman na dalawa lang ang pagpipilian natin. Ang tanggapin ang hamon, o hayaan na gulohin nila ang mga tao na tahimik na namumuhay. Hindi nating pwedeng hayaan na lang na gulohin nila ang mga normal na tao. Kaya wala tayong ibang pwedeng pagpilian kundi ang tanggapin ang gusto nilang laban. Kailangan na lang natin na paghandaan ang araw na iyan."
Sandali kaming natahimik. Sa katahimikan, ramdam namin ang mabigat na pakiramdam sa bawat isa sa amin. Habang ako, ginagapang na ng kaba. Katatapos ko pa lang sa isang pangyayari nitong nakaraang mga araw, heto't may bago na naman.
"Ngayong naghahamon na sila sa atin, pagkakataon na rin natin ito upang matapos na lahat sa pagitan nating mga Elemental Army at sa Air Force. Tatanggapin natin ang hamon nila, pupunta tayo sa nasabi niyang lugar. Tatapusin natin itong matagal nang laban. Kaya maghanda," basag ni heneral sa katahimikan. "Walang aatras."
"Sir, yes, sir!"
***
Nagbigay ng mga instructions sa amin ang heneral kung ano ang mga dapat gawin. Kasama sa aming plano ang mayroong sapat na mga army ang maiiwan na magbabantay sa mga campus. Hindi pwedeng mauubos ang lahat sa pagtutuos. Sabi nga kanina, hindi namin alam kung may iba pang plano ang kalaban. Baka patibong lang o kung ano ito. Kaya kailangan maging handa at mabalanse namin. Maski ang mga army na namumuhay kasama ang mga normal na tao ay bibigyan rin ng awareness tungkol sa nagaganap at magaganap. Para sa kaligtasan nila.
Pagkatapos ay agad din kaming pinabalik sa aming mga campuses para maghanda.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa red army campus, naabutan ko ang mga red army na hindi magkanda ugaga sa paghahanda. Mula sa mga pag-aayos ng mga armas, pagkondisyon sa kani-kanilang sarili, at sa mga kabayo na pangunahing sasakyan naming lahat. Ramdam na ramdam bigla ang tensiyon at sa biglaang nalalapit na digmaan.
Agad na kinausap ko ang lieutenant at mga captain ko para i-relay naman ang mga nasabing plano at instructions ng heneral.
***
THIRD PERSON
Maliban sa red army, lahat ng mga army group ay hindi na magkamayaw. Maraming nabigla nang makabalik na ang kani-kanilang mga commander dala ang mensahe na pinagpulungan sa EAMC. Nabalot agad ng tensiyon ang buong Elemental Army.
Sa kabilang banda naman ay naghahanda na rin ang mga air force. Naging puspusan ang pagsasanay rin nila.
"Ama," mahinang sambit ni Jerson habang pinagmamasdan ang kaniyang ama na nakaluhod sa isang altar habang umiiyak.
Gusto niya itong lapitan ngunit nagwawala ito minsan kapag may umiistorbo sa kaniya habang siya ay nasa altar na iyon.
Sa altar makikita ang isang litrato ng babae na napapaligiran ng maraming puting bulaklak at ilang kandila.
"Oo na. Doon ko naman sila dadalhin eh. Tulungan mo akong matapos na itong lahat. Matatalo ang mga army," sabi ni Narako sa larawan sa altar habang nakangisi.
Mayamaya ay bigla siyang napasabunot sa buhok niya. Naiiyak siya noong una. Hanggang sa maririnig na lang na natatawa siya.
Naiiyak siya dahil sa may narararamdaman siyang kalungkutan. At natatawa siya sa ideya na makakalaban na niya ng maayos ang elemental army at sinisiguro niya na matatalo niya ang mga ito. Naghahalo na ang kaniyang nararamdaman.
Napabuntonghinga na lang si Jerson habang pinagmamasdan ang kaniyang ama. Saka siya umalis at dumeritso sa mga hanay ng ilang air force para mabantayan niya na nagi-ensayo ang lahat.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...