ALTAIR
Mag-iisang linggo na ang lumipas. Papalit-palit kami ni Lieutenant Joaquin at ng ibang captains namin sa pagpunta at pag-lead ng mga red army sa Royal Army Campus. Nagkaroon kasi kami ng shifting ng pag-charge para sa grupo namin para tumulong na maayos agad ang campus ng royal army. Maging ang mga red army ay may shift din para kahit papaano ay maging patas sa lahat. Lahat ay mapapagod at makakapagpahinga. Ganoon din ang nangyayari sa ibang army group.
Sa ngayon, ako naman ang in charge. Kahapon ng madaling araw pa ako rito at walang tulog. Afterall, minamadali naming elemental army na matapos na ito. Kahapon lang din ako nakabalik dito after noong araw na ni-rescue namin sila mula sa air force.
Ginalaw-galaw ko ang mga balikat ko at pati na ang leeg ko para kahit papaano ay maka-feel ako ng new energy sa katawan ko. Tsaka, medyo inaantok na ako. Pinagmamasdan ko ang mga army na nagtutulungan at tuloy-tuloy sa pag-aayos ng campus. Tumutulong na rin ang royal army sa amin.
"Coffee?"
Napaigtad ako. Nilingon ko ang nagsalita. Shems. Si Lucian.
Inabot niya sa akin ang isang tasa na may lamang tinimplang kape.
Nag-aalangan akong kinuha iyon. "Sa-Salamat."
Sakto lang ang init nito. Medyo inilapit ko ang tasa sa aking ilong para mas maamoy pa ang kape. Hmm. Ang bango.
"Late na pero congrats sayo," aniya kaya nabalik sa kaniya ang atensiyon ko. "Commander Altair of Red Army."
"Ah." Marahan akong napangiti. "Salamat."
Teka... Nagpasalamat din ako kani-kanina lang ah. Ay para sa kape iyon.
Nabalot kami ng katahimikan. Ang problema, nakatitig siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nahihiya na tuloy akong humigop ng kape.
Aish. Ang uncomfortable pa rin niya. Hindi pa rin nagbago.
Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya palapit sa akin at inabot ang suot kong cap. Inayos niya ito sa aking ulo dahil natatabingi na pala ito.
"Your uniform really suits you," aniya matapos niyang ayusin ang cap ko.
"T-Thank you." Parang sirang machine na ako rito. Puro ganun na lang ang lumalabas sa bibig ko. Pero at least English na ang sinabi ko sa pagkakataong ito.
"So... How are you? Kumusta ang pagiging commander?" Tanong niya.
Pilit akong tumingin sa kaniya.
"Ayos lang naman." Kaso napaiwas din ako ng tingin dahil sa mga titig niya.
Mula sa peripheral view ko, nakita kong tumango siya.
Napatingin ako sa kape ko. Hihigop na sana ako ng kape ko nang magsalita siyang muli.
"Hindi kita nakita mula nang i-rescue niyo kami. Ah. Mula lang kahapon nang dumating ka. Kaso dumeritso ka sa mga red army mo na tumutulong na maayos ang nasirang bahagi ng pader ng campus namin."
Natigilan ako nang malapit na sa labi ko ang tip ng baba ng cup. Marahan kong ibinaba ang cup nang hindi ako nakakahigop ng kape.
Ano ang gusto niyang sabihin?
"Kagabi naman, naghintay ako sayo malapit sa hall. Naghintay ako na bumalik ka sa loob since may rooms kaming itinalaga para sa inyo kung magpapahinga kayo."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam ko yan. Pupunta na sana ako kagabi sa loob ng building para sana kumuha ng jacket na dala ko dahil medyo malamig na sa labas kahit pa doble na ang suot ko na uniform. Iniwan ko iyon sa silid na tinutuluyan namin. Kaso nakita ko siya doon sa may hall. Eh medyo na-a-awkward ako sa kaniya eh, kaya bumalik na lang ako sa iba pang grupo ng red army at ipinagpatuloy ang ginagawa namin. Binale wala ko na lang ang lamig.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...