ALTAIR
Dahil na rin sa pagsang-ayon ko sa kagustuhang makipagtuos sa akin si Agatha, walang magawa ang ibang army na nakapaligid sa amin ngayon kundi ang manood.
Ngunit may isa akong concern: nararamdaman ko pa rin ang epekto ng lason kanina. Medyo na-lessen naman ito nang maisuka ko ngunit dahil na rin nagpumilit na akong pumunta rito kay Agatha ay hindi na ako nagamot pa ng maayos ni Commander Claire. Pero kaya ko ito.
Pumosisyon na si Agatha kaya ganoon din ako. At sabay kaming sumugod sa isa't isa. Naging kaliwa't kanan ang tunog na nalilikha kapag nagkakabanggan ang aming katana.
Hangga't maaari, ayokong gumamit ng kapangyarihan ko. Kahit papaano, may natitira pa rin naman akong awa para kay Agatha. Kahit na lantaran na siya ngayon sa buong Elemental Army, hindi ko basta-basta makakalimutan na naging magkaibigan kami. Naging totoong kaibigan ang turing ko sa kaniya. Hindi iyon basta-basta makakalimutan.
Hindi rin naman siya gumagamit ng apoy niya sa ngayon.
Napaatras ako nang maramdaman kong kailangan kong makapagpahinga at makabawi ng ilang segundo dahil sa nararamdaman kong bigat sa pakiramdam dala ng lason kanina.
"Commander Altair!" Sigawan ng ilang army.
Nang napatingin ako kay Agatha, nasa harapan ko na siya at iwinasiwas ang kaniyang katana patungo sa akin. Dahil sa wala na akong oras para umatras, lumiyad ako para maiwasan ang katana niya. Naging matagumpay ang ginawa ko ngunit napadaing ako ng kaunti nang tumayo akong muli dahil sa natrigger ulit ang sakit sa aking ulo.
Marahas na lang akong umiling at saka lumingon ulit kay Agatha. Papasugod na siya ulit gamit ang kaniyang katana. Umilag ako.
"Agatha, tama na. Itigil na natin itong pagtutuos," sabi ko sa kaniya nang mailagan ko ang kaniyang katana.
"Tss. Hindi pa tapos," maikli niyang sagot.
Muli niyang iwinasiwas ang kaniyang katana at sa pagkakataong ito ay may kasabay nang lumabas na itim na apoy mula sa talim.
Napayuko ako para maiwasan ang apoy na itim. Maski ang ibang army ay umilag din.
Nang muli akong nakatayo ay nagbato na si Agatha ng mga fireball na kulay itim patungo sa akin. Wala na rin akong magawa kundi ang gumamit ng kapangyarihan ko. Nilabanan ko ang kaniyang itim na fireballs gamit ang fireballs rin. Nakailang beses na naulit ang ginagawa namin. Bawat pagtatama ng aming kapangyarihan ay lumilikha ito ng ilang pagsabog.
Habang sa napagod na rin ako. Kailangan kong makaisip ng ibang paraan. Kailangan ko na ring matalo si Agatha. Ayaw rin naman niyang tumigil.
Umikot ako ng isang beses para ibwelo ang katana ko. Sa isang wasiwas ay naglabas naman ako ng isang bugso ng apoy patungo sa kaniya. Pagkalabas ng apoy mula sa aking katana ay agad akong sumabay pasugod kay Agatha.
Nabigla ko siya nang masangga niya ang apoy ko at bumulaga ako sa harapan niya. Wala akong sinayang na segundo at agad ko siyang binugahan ng malakas na apoy mula sa aking palad. Hindi ko intensiyon na sa mukha niya mismo ang mataaman.
Tumilapon siya palayo sa akin at napasigaw nang mapaluhod siya habang nakahawak sa kaniyang mukha.
Nagsisisigaw siya na to the point ang disturbing sa pakiramdam.
"Nanalo na si Commander Altair," sabi ng isang army na sinang-ayunan ng karamihan.
Nanatili lang akong nakatayo rito at nakatingin kay Agatha.
Nang mag-angat siya ng kaniyang tingin sa akin, nakita ko na halos nalapnos ang kanang pisngi niya. Alam kong gawa ko iyon ngunit tila nabigla pa rin ako sa nangyari sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...