Chapter End

4.2K 115 38
                                    

THIRD PERSON

Kasalukuyang nasa plaza ngayon ang heneral kasama ang mga natitirang dating commander na sila Arvin ng Purple Army, Labrador ng Solidius Army, Sayu ng Pellucid Army, Saori ng Medication Army, Sota ng Cyan Army at Hideo ng Royal Army. Tila ninanamnam nila ang magandang panahon. Pumunta ang mga dating commander sa EAMC upang kumustahin ang heneral.

"Haay. Kay ganda ng panahon ngayon," natutuwang komento ni Sota habang ninanamnam ang saktong init ng araw.

"Parang hindi halata na galing lang tayong mga army sa isang masamang digmaan," ani Labrador.

"Kumusta ang iyong pakiramdam, General Lorcan?" Tanong ni Arvin upang maiba ang usapan.

"Heto't maayos naman. Walang dapat ikabahala," nakangiting sagot ng heneral.

Mababakas pa rin sa kaniyang katawan ang ilang pasa at mga sugat na unti-unti nang naghihilom. Hindi na siya nagpagamot sa medication army kahit dahil gusto niya na mag-focus ang mga ito sa mga kritikal at saka makapagpahinga kapag matapos na ng tuluyan ang panggagamot.

Napabuntonghinga siya.

"Matanda na ako at matagal na akong heneral ng mga army," ani heneral.

"May nais ka bang ipahiwatig, heneral?" Kunot noong tanong ni Saori.

Napatingala ang heneral sa magandang kalangitan. "Ano kaya kung magpalit na tayo ng heneral?"

Nagkatinginan ang mga dating commander.

"Magbibitiw ka na?" Tanong ni Sayu.

Napatingin sa kanila ang heneral. "Nagampanan ko na ang dapat kong gampanan. Sa nakaraang laban, damang-dama ko na ang humihina kong katawan dala na siguro ng katandaaan." Napatingin ang heneral sa buong gusali ng EAMC. "Napabagsak man ang pinuno, marami-rami pa ring air force ang hindi nadakip at sumuko. Hindi natin alam kung magkakaroon ba sila ng bagong pinuno o unti-unti na lang na mabubuwag. Maliban sa kanila, marami pa ring pwedeng pagdaanan ang Elemental Army sa mga susunod na mga panahon. Hangga't nabubuhay tayo sa mundo, maraming mga pagsubok ang darating. Iba't ibang pagsubok upang pagtibayin ang ugnayan na nabuo. Kaya nais ko nang magkaroon ng panibagong heneral."

"Kung sa bagay, mas mabuti na magkaroon na ng panibagong heneral para magabayan pa siya ng General Lorcan," pagsang-ayon ni Hideo na napapatango-tango pa.

Napatango naman ang iba.

Napangiti ang heneral. Marami na ang naglalaro sa kaniyang isipan, kagaya nang pagsasalin niya ng kaniyang katungkulan at kung papaano niya bibigyan ng gabay ang magiging panibagong heneral.

"Sino kaya ang susunod na heneral ng Elemental Army?" Nakangiting tanong ni General Lorcan.

__________________

• END OF THIS BOOK •

__________________

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon