Chapter 2

5.1K 177 7
                                        

"Paki-update po ng data," simple kong sabi habang inaayos ko ang ilang papers sa isang drawer.

"Yes, commander," sagot ng captain.

"Paki-inform na rin ng ibang captains," pahabol ko.

Tumango ang captain at saka nag-salute muna bago lumabas.

Ilang sandali muna ang lumipas at narinig kong muli ang pagbukas ng pinto.

"Good morning, commander."

"Good morning, lieutenant," bati ko pabalik kahit hindi ko pa tinitingnan kung sino. Pero sa boses pa lang, alam ko na kung sino. Saka ako umupo sa swivel chair ko.

Nagpalinga-linga muna si Lieutenant Joaquin bago magsalitang muli.

"Parang may nagbago sa office mo."

"Ah. Inayos ko lang yung mga nakakalat na ilang papers. Tapos kunting organize sa ibang gamit na napabayaan dito," sagot ko.

Napatango si lieutenant. "Sya nga pala, commander. May report na naman tungkol sa Air Force."

"As usual?"

Tumango siya. "As usual. Pakalat-kalat lang sila pero parang wala namang ginagawang masama."

"Saan nakita?"

"Sa east part ng kagubatan, malapit sa isang bayan. Kasalukuyang inire-report din ito ngayon sa heneral."

Nagpatango-tango ako. "Basta balaan ang mga red army at ang iba pa na malapit doon. Maging alerto lang sila palagi."

Tumango si lieutenant at saka lumabas ng opisina ko.

Hindi ganoon ang kadami ang trabaho ngayong mga araw. Kaya halos maka-idlip pa ako sa opisina ko rito sa Red Army Campus pagkalipas ng mga oras kung hindi lang biglang dumating si Ryoran.

"Commander Lodi! May bisita ka."

"Hmm. Sino?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko.

"Altair!"

Agad akong napatingin sa bagong pumasok at agad naman akong napangiti. "Eunice."

Halos magtatatalon siya papunta sa akin at agad akong yinakap nang tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair.

"Omo! Namiss kita!" Aniya at halos tumili pa nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Natawa na lang ako sa kaniya.

"Huy ang ingay mo," saway sa kaniya ni Ryoran.

Tiningnan ng masama ni Eunice si Ryoran at saka nagsalita, "Hmp! Hindi mo pa ako pinapapasok kanina. Para naman akong stranger kay Altair."

"Duh. Syempre ipagbibigay alam ko muna sa commander namin. Kumbaga, humihingi pa ako ng permiso. Baka kasi busy pala si Commander Idol. Mangingistorbo ka pa." Napa-cross arms pa si Ryoran.

"Nye nye. Dami mong alam. Ang sabihin mo ayaw mo akong makita si Alatir."

"Tss. Hindi ka ba tinuruan sa army niyo na dapat ganoon ang ginagawa dahil most of the time busy ang mga commander gaya ni Idol."

Napahawak sandali si Eunice sa kaniyang mga tenga na para bang naiirita. "Teka nga muna. Kanina ka pa eh. 'idol' ka ng 'idol'. Naka-graduate na tayo hindi pa rin nagbabago ang pagtawag mo kay Altair."

"Ano na naman problema mo dun? Grumaduate na lang tayo prinoproblema ko pa rin yan?"

"Amp. Ang corny!"

"Huh. Corny-corny ka pang nalalaman. Ikaw nga dapat tinatawag mo siya ng 'commander'. Hindi yung pangalan lang. Napaka-disrespectful mo naman."

"Best friend naman kami ni Altair eh. Tsaka hindi naman siya nagrereklamo."

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon