ALTAIR
Ilang minuto muna ang lumipas at saka kami sabay-sabay na lumabas sa silid. Sama-sama na kaming dederitso sa plaza kung nasaan nakaabang ngayon ang mga army na dumalo sa pagdiriwang kagabi. Pinagtipon-tipon silang lahat ng heneral dahil may gusto siyang sabihin sa lahat bago tuluyang magsiuwi sa kani-kanilang campus.
Habang naglalakad kami palabas, nagmamadaling pumunta sa tabi ko si Lucius. Ngayon lang siya lumapit sa akin. Hindi siya lumapit sa akin kanina nung halos mapalibutan na ako ng ibang commander.
Bigla niyang inabot sa akin ang kaniyang isang puting panyo.
Tiningnan ko siya habang patuloy lang kami sa paglalakad. Hindi naman ako lumuluha na.
"Aish. Kunin mo na. Nakakaawa ka na kasing tingnan. Namumugto na mga mata mo. Baka maiyak ka ulit dahil sa nangyari tapos wala kang panyo. Kaya yan, kunin mo na," aniya.
Sandali akong nahinto sa paglalakad at medyo nag-aalangan na tinanggap ang panyo niya. "Sa-salamat."
Huminto rin siya sa paglalakad. Habang patuloy lang ang mga kasama namin.
"Pasensiya ka na. Hindi na ako nakalapit sayo kagabi," aniya.
Napakunot ang noo ko. Magsasalita sana ako nang unahan niya ako.
"Gusto sana kitang lapitan kagabi para maalalayan ka. Nanghihina ka na kagabi. Eh kaso nasa tabi mo na yung dalawa kong kapatid eh. So, sila na lang. Sumama na lang ako sa pagi-inspection."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Pero kumusta ang pakiramdam mo ngayon, physically? Ayos lang? Alam ko namang hindi ka ayos emotionally," tanong niya.
Muli akong napatingin sa kaniya at saka tumango. "Ayos na pakiramdam ko. Siniguro na ni Commander Claire kanina bago ako pumunta sa meeting na ayos na ako. Wala nang kahit na anong trace ng lason."
Napatango siya. "Mabuti naman. Kung kaila----" sandali siyang nahinto sa sinasabi niya. "Ay nandiyan na pala si Lucian... tapos mukhang si Lucas din."
Napahigpit ako sa pagkakahawak sa panyo na ibinigay niya sa akin.
"Lucius," sambit ko sa pangalan niya.
"Pero ayos lang. Andito pa rin naman ako kung gusto mo akong makausap o ng makakausap."
Lumingon siya sa mga kasama namin na medyo malayo-layo na. "Tara na. Naiiwan na tayo," aniya at saka naglakad na para humabol.
Sandali akong nanatiling nakatayo lang dito habang tinitingnan si Lucius na papalayo na rin. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko.
At saka ako sumunod sa kanila.
Pagkalabas namin sa building, nakaabang na nga ang mga army. Malinis na naka-formation line ang mga army base sa kanilang army group. Lahat din ay nakatindig ng maayos. Habang kaming commander ay pinuntahan ang aming mga army at tumayo ng matuwid sa kanilang harapan.
Nandirito pa rin sa plaza ang improvised stage. Umakyat doon ang heneral.
"Nandirito na ba ang lahat?" Tanong ng heneral.
Sumagot ang mga army para ikompirma.
"Hindi naging ganoong kaganda ang pagtatapos ng ating selebrasyon kagabi," panimula ng heneral.
Napakagat ako sa ibaba kong labi.
"Nasaksihan natin kagabi ang naging laban sa pagitan ni Commander Altair at ng isa niyang red army. Itinuturing pa naman na totoong kaibigan ni Commander Altair and red army na ito. Ngunit nilason siya nito. Lumabas din na naging kulay itim ang apoy ng red army na ito nang siya ay dinadakip na. Nanlaban at hindi na ikinubli pa ang kaniyang kinikimkim na sama ng loob kay Commander Altair.
"Lumalabas na si Red Army Agatha ay may namuong pagkainggit na naging galit hanggang sa kainin siya ng nito. Puro na kasamaan ang nasa puso niya. Hindi niya nakontrol ito kaya nagkaroon na ng itim na mahika ang kaniyang kapangyarihan.
"Pakakatandaan ninyo na ang tintawag nating black magic ay nagmumula sa ating puso. Kasamaan sa ating puso ang nagsisilbing pangunahing dahilan kung kaya nagkakaroon ng itim na mahika. Nagmumula ito sa isang maliit na pagkairita, pagkainggit, at kung ano pa na kapag hindi ito nakontrol, mamamalayan na lang natin na puno na tayo ng galit.
"Ang nangyari kagabi, magsisilbi iyong halimbawa. Nagsimula sa inggit hanggang sa nabuo ito bilang isang galit. Ang kadiliman ay nabubuo at nagiging totoo dahil sa kasamaan na nasa puso.
"Ang kapangyarihan na tuluyan nang nabalot ng itim na mahika dahil sa tindi ng nararamdaman ay nagiging mapaminsala kagaya ng ating nalalaman. Ito'y kapareho kapag ang isang tao ay puno na ng galit sa puso at sa isipan, nagagawa na niyang makapanakit ng kapwa."
Napapikit ako habang nakikinig sa sinasabi ng heneral. Kahit na nakapikit ako ay may tumulo pa ring luha mula sa aking mata.
Habang nakikinig sa heneral ay para namang pinipiga ang puso ko. Galit ako sa sarili ko dahil naging pabaya ako. Naging tanga ako. Tila naging bias ako. Hindi ko ginamit ng maayos ang pagiging commander ko. Nagkamali ako.
Hindi ko rin mapigilan na questionin sa isip ko si Agatha. Pero mas sinisisi ko ang sarili ko ngayon dahil nagbulag-bulagan ako. Tila nakakahiya akong klaseng commander.
"Kung kayo man ay nakakaramdam ng inggit, pagkamuhi, at iba pang negatibong pakiramdam, inyo sanang makontrol ito at mapanaig sa inyong mga puso at isipan ang nararapat, kapayapaan, at kabutihan. Huwag kayong papayag na umusbong pa ng husto ang galit sa inyo. Huwagg kayong magpapasakop sa kadiliman. Manatili kayo sa kaliwanagan," rinig kong pagpapatuloy ng heneral.
Napamulat ako ng mga mata ko nang may isang kamay ang humawak sa balikat ko. Nang lingonin ko, si Lieutenant Joaquin.
Tiningnan niya ako ng makahulugan.
Wala man siyang sinasabi pero parang naintindihan ko ang mga tingin niya.
Hindi dapat ako magpadala sa nararamdaman ko. Sakit at galit. Hindi ito pwedeng pabayaan ko.
Tama.
Gawin ang nararapat. Nagkamali man ako, dapat ay tumayo ako agad at dapat ay matuto ako rito.
Kapayapaan sa isip para makapag-desisyon na ng mas maayos dahil isa akong commander.
Ngunit kahit na ganoon ang nangyari sa "pagkakaibigan" namin ni Agatha, dapat mapanatili ko pa rin ang kabutihan dahil hindi naman lahat ng army at tao ay ganoong klaseng kaibigan. May mga totoo rin naman.
Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi at saka tumindig ng maayos.
"Magsilbing aral sa inyo ito. Naiintidihan ba?" Tanong ng heneral sa amin.
Sabay-sabay kaming lahat na mga army sa pag-salute at bumigkas ng, "sir, yes, sir!"
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantezieMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...