ALTAIR
Matapos ang pagsasalita at pangaral ng heneral, pinahintulutan na niyang makauwi ang mga army sa kaniya-kaniyang campus.
Hinarap ko ang mga red army ko.
"Mauna na muna kayong umuwi," sabi ko kina lieutenant.
"Bakit? Hindi ka muna uuwi sa campus?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Gusto ko munang manatili rito habang ginagamot pa si Crystal Army Eunice. Gusto ko na masiguro muna na maayos na siya bago umuwi."
Biglang nagtaas ng kamay si Ryoran at lumapit sa amin. "Ako rin."
"Anong ikaw?" Kunot noong tanong sa kaniya ni lieutenant.
"Hindi rin muna ako uuwi."
"At bakit?"
"Eh kasi sasamahan ko si Commander Idol."
Napalingon sa akin si lieutenant na tila gustong makakuha ng permiso sa akin.
Napangiti ako. "Sige. Ayos lang yan. Saka inaasahan ko rin naman na magpapaiwan muna itong si Ryoran para masamahan din si Eunice."
Nagpatango-tango si Ryoran. "Tama, tama."
Ilang sandaling tinitigan siya ni lieutenant hanggang sa bigla itong naninkit ang mga mata at nagpatango-tango. "Ah. Okay. Okay. I see."
"Ay luh. Lieutenant ha," biglang napaturo si Ryoran kay liuetnant. "Kaya ganun kasi kaibigan din naman ang turing ko kay Eunice kahit papaano. Kahit nag-aaway at nagbabangayan kami nun, kaibigan ko na rin siya."
"Wow ang defensive," nakangising sabi ni lieutenant.
Natawa ang ibang red army at tinukso pa si Ryoran. Maski ako ay biglang napangisi.
Oo nga no? Napaisip tuloy ako.
"Hoy hindi ah. Kaibigan nga kasi. Hindi naman kasi ako kagaya ni Agatha na plastik," ani Ryoran.
Biglang nanahimik ang grupo namin.
Tumikhim agad si lieutenant. "Oo na. Sabi mo eh. Kaibigan kung kaibigan. Wala naman kasi akong sinasabi. Ang defensive mo naman."
"Eh yung tingin mo kasi," dabog ni Ryoran.
Natawa ulit kami.
"Tama na yan. Sige na. Maghanda na para makauwi na kayo sa campus," sabi ko.
"Wala ka bang ibang makakasama kapag umuwi ka na?" Tanong sa akin ni lieutenant nang agad na pinuntahan ng mga red army ang mga kabayo nila.
"Wag kang mag-aalala. Andito naman si Ryoran. Sapat na."
Tumango siya. "Eh, yung nangyari nga pala. Ano ang sasabihin natin sa mga red army na naiwan sa campus kung sakaling magtanong sila kung ano ang nangyari sa buong araw kahapon? Sasabihin ba natin ang tungkol kay Agatha?"
Napakunot ako ng noo sa tanong niya. "Oo naman. Sabihin niyo sa kanila kung ano ang lahat na nangyari. Wala tayong dapat na itago. Karapatan din nila malaman ang lahat ng iyon. At i-relay din ninyo ang mga pangaral ng heneral kanina. Iyon ang pinaka-importante. Magsilbing aral sa lahat ng army ang nangyari sa akin at sa pagitan namin ni Agatha."
Marahan siyang napangiti. "Masusunod, commander."
Hinintay muna namin ni Ryoran na tuluyan nang makaalis ang mga red army pabalik sa campus namin bago dumeritso sa medical ward kung nasaan si Eunice.
Marami na ring mga army group ang umuwi.
Pagkarating namin sa ward, saktong gising na si Eunice at kumakain na ng mainit-init na sopas.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasiMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...