ALTAIR
Naging emosyonal si Commander Hideo sa muling pagtanggap sa kaniya sa samahan.
Umakyat ang mga dating commander sa stage at nagyakapan sila kasama si Commander Hideo at ang heneral. Naantig ang mga army at maski ang ilan sa kanila ay napayakap sa kani-kanilang mga kaibigan. May ilan pang lumapit sa royal army para yakapin din nila ito. Pagpapakita at pagpapadama sa kanila ng mainit na pangtanggap sa kanilang muli.
Mayamaya ay narinig namin ulit ang boses sa buong plaza.
"Muling bumalik ang royal army sa samahang Elemental Army. Ito'y isang malaking rason para ating ipagdiwang. Tayo'y magsaya!"
Kasabay nito ang isang pagsabog ng tila isang confetti. Hindi ko alam kung saan eksakto nanggaling pero nalaman na lang namin ang pagbagsak ng ilang maliliit at makukulay na bulaklak sa buong plaza. Tuwang-tuwa akong napatingala habang sinasalo ang ilang bulaklak. May nakita akong ilang green army na nasa mga bintana sa building. Sila ang may gawa nito. Ang ganda.
"Yoo! Pagkain!"
Sunod naman ay may ilang army ang naglabas ng mga mesa at upuan. Kasunod nito ang iba't ibang pagkain.
Nagpahanda pala ang heneral ng maraming pagkain para sa araw na ito.
"Ano pa ang hinihintay ninyo? Tayo'y magdiwang," ani heneral.
Dahil dito, naging maingay ang buong campus lalo na rito sa plaza. Kaniya-kaniya na ng punta sa kung saan man ang kanilang kasamahang mga army. Talagang pumwesto ang karamihan sa plaza. Inilatag ang mga mesa at upuan dito.
"Commander Altair! Halika! Dito tayo!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Commander Roy pala. Pasan niya ang isang mesa at ipinwesto ito. Sumunod sa kaniya ang ibang commander na nagdala ng mga upuan.
Hindi ako nakapagsalita agad. Nakangiti lang ako rito. Nakakatuwa lang kasi nilang tingnan.
"Tara na." Nabigla na lang ako nang biglang may nanghila sa akin sa aking pupulsuhan. Nang tingnan ko kung sino, si Lucas pala. Dinala niya ako sa table kung nasaan ang ibang commander. "Kanina ka pa nakatayo lang diyan. Ayos ka lang?"
Tumango ako. "Ang saya lang pagmasdan ang paligid ngayon."
Nilingon niya ako at ngumiti sa akin.
Pinaupo niya ako agad sa isang bakanteng upuan nang tuluyan na kaming nakalapit sa table. Hindi na magkanda ugaga sila sa kakakuha ng pagkain.
"Luh si Commander Owen, tirhan mo ako ng pakpak ng pritong manok. Uubusin mo pa eh," reklamo ni Commander Nathan.
Nagtawanan kami.
"Shhh. Hinahan ang boses. Parang hindi mga commander ah," natatawang saway ni Commander Miku.
"Aysus. Ngayon lang to. Diba nga ang sabi, magdiwang? Saka di nga natin alam na may paganitong karaming handa si heneral eh. Akala ko sakto lang na salo-salo, ang dami pala," sagot ni Commander Klein sabay subo na ng kanin.
Sumang-ayon ang karamihan sa amin. Walang may nakapag-expect na may biglang ganitong karaming handa pala. Ang alam lang namin ay pupunta ang royal army. Mukhang mga army na nandito lang sa EAMC ang may alam at ang naghanda lahat nito.
Kukuha na sana ako ng makakain ko kaso hindi ako makapili. Lalo na't patuloy ang ibang army na lumilibot para magbigay ng iba't ibang pagkain at maski inumin.
"Gusto mo?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Lucius. Nasa tabi ko na pala siya. Inaalok niya sa akin ang isang putahe.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...