Chapter 1

6.1K 186 32
                                        

May naganap na digmaan sa paaralang Elemental Gunji-teki Academy. Elemental Army at ang Air Force. Malaki ang tinamong pinsala ng buong akademya. Wala kang halos makikita na isang gusali na walang pinsala kahit man lang gasgas.

Marami ang nasawi dahil sa laban mapa-army man o air force. Ilan sa mga nasawi ang ilang commander ng army na kasali sa pakikipaglaban. Dahil dito, ang ilang bagong representative ay naging bagong commander.

Naganap ito dahil sa kagustuhan ng air force na mapigilan na madagdagan ng bagong henerasyon ang mga army. Sa ganitong paraan, mapapahina nila ang lakas ng elemental army. Kapag nagawa nila iyon, sila na ang magiging mas malakas at makakapaghari.

Sa kabutihang palad ay naagapan ang planong iyon ng elemental army. Pinabilis at puspusan ang pagtuturo sa mga estudyante hanggang sa lahat ay nakatuntong na sa ikatlong lebel ng pag-aaral na dapat ay makukuha lamang ng mga estudyante kapag nasa-ikatlong taon na sila sa EGA.

***

ALTAIR

Matapos ang naganap na labanan sa EGA, pansamantalang naging tahimik ang air force. Naging pagkakataon iyon para maipagpatuloy ng maayos ang panggagamot ng medication army. Agad ding sinimulang ayusin ang EGA na talagang malaking pinsala ang tinamo.

Saktong nagamot at maayos na kaming lahat na naka-survive noon sa labanan nang magsimula naman kaming makatanggap ng ilang reports tungkol sa air force. Pero more on tungkol sa may nakikita lang na air force sa pali-paligid at agad ding lumalayo kapag may nakikita ang mga ito na army.

Nang maging maayos na ako, saktong pinagsimula na kami na magbalik sa pag-aaral bilang "3rd year". Talaga nga namang mabilis kaming nakapunta sa ikatlong lebel ng pag-aaral sa EGA na normally nakukuha lang kapag nasa ikatlong taon na sa paaralan.

Since may naganap na ngang labanan, sinabi na rin sa amin ng mismong heneral ang totoong nangyayari sa pagitan ng army at air force. Nalaman na namin lahat kung bakit ang bilis ng mga nangyayari sa amin sa EGA.

Nung una, maraming nagalit na mga estudyante lalo na yung mga may relatives na kasama sa naganap na labanan sa EGA. Naiintindihan naman namin sila dahil biglaan malalaman mo na lang na sugatan o mas malala, nasawi ang mga relative mo na army. Pero di nagtagal, naintindihan din ng mga estudyante na para sa kaligtasan din namin iyon kung kaya naging tahimik lang ang mga army at hindi nagsabi sa amin.

Sa ikatlo at huling lebel namin sa pag-aaral bilang future official elemental army, mas naging normal ang pacing namin since mas less na ang threat ng air force. Minsan sa kaniya-kaniyang army campus kami nag-aaral, minsan naman sa EAMC. May ilang pagkakataon din na nagkakaroon kami ng "tour" sa lugar ng mga normal na tao. Dahil sa ikatlong lebel or supposed to be third year ay pinagsama-sama na raw na pag-aaral bilang elemental army at ilang kaalaman ng isang normal na tao. Ginagawa nila ito para ma-balance ang kaalaman namin.

Syempre inaasahan din naman nila na may ilang estudyante na babalik at babalik na makisalamuha sa normal na mga tao at mamumuhay na parang normal na tao. At isa pa, kahit elemental army ka na piniling manatili ay may ilang pagkakataon din na may makakasalamuha kang normal na tao.

So yeah. Hindi lang katawan ang bugbog sa amin, kundi pati na rin ang utak.

Tungkol naman sa mga representative at commander: Anim na kaming naging bagong commander pagkatapos ng labanan dahil anim na dating commander ang nasawi. Habang ang iba ay nanatiling representative. Kahit na commander na ang ilan sa amin kagaya ko, nanatiling nagtraining kami kasabay sa ibang estudyante. Napagpasyahan kasi ng heneral at ng ibang nakatatandang commander na hindi muna kami aakto bilang isang ganap na commander at mag-focus daw lang muna kami sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos, ganuon din sa mga nananatiling representative. Pansamantalang sasaluhin lang muna ng mga lieutenant ang mga duties.

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon