Chapter 15

3.9K 161 8
                                    

ALTAIR

Ilang oras na ang lumipas. Nailipat na rin namin sa kanilang medical ward ang mga royal army na kailangan pa ring magpahinga.

Napahinto ako sa paglalakad dito sa hallway nang madatnan ko si Lucius na nakasandal sa pader, malapit sa nakabukas na pintuan ng silid ni Lucian. Dinala na rin kasi si Lucian dito sa kaniyang silid para ipagpatuloy ang paggagamot sa kaniya at makapagpahinga ng mabuti.

"Bakit ka andito?" Tanong ko kay Lucian.

Nakahalukipkip lang siya habang nakasandal sa pader. "Wala lang. Andoon naman sa loob si Lucas."

Sumilip ako sa loob ng silid. Nakaupo si Lucas sa couch habang patuloy na ginagamot ng lieutenant ng medication army si Lucian na wala pang malay sa kaniyang higaan.

Pagkatapos ay napalingon ako kay Lucius ulit. Hanggang sa napatitig ako sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit? May problema ba sa mukha ko?"

"Nag-alala ka kay Lucian," tila lutang kong sabi habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"H-Ha?"

Napangiti ako at pabiro kong sinundot ang tagiliran niya.

"Yiee. Nag-alala siya sa kakambal niya."

"Aish. Hindi ah," napaiwas siya ng tingin. "Medyo... Oo? Aish. Kaptid ko pa rin naman siya kahit papaano."

Napangiti ako. Naalala ko pa na talagang hindi sila close ni Lucian. Oo nga naman, kapatid pa rin niya si Lucian kahit sabihin na hindi sila close. Kung ano mang mangyari sa isa sa kakambal niya, magaalala at magaalala pa rin siya. Maapektuhan siya.

Although palagi niyang sinisimangotan mga kapatid niya, he still cares. Ano nga ulit tawag sa ganun? Ah. Hindi siya showy.

"Ngini-ngiti-ngiti mo?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Similip siya saglit sa loob ng silid at saka bumalik sa akin ang kaniyang mga tingin. Naningkit ang mga mata niya. "Hmm... Ngumi-ngiti ka dahil kay Lucian?"

Biglang nawala ang ngiti ko. "Huh?"

Luh. Napapangiti ako para sa kaniya at hindi dahil kay Lucian.

"Ikaw? Nagalala ka sa kaniya?" Tanong niya.

Napaisip ako saglit at dahan-dahang tumango. "Oo. Nagaalala rin----"

"So, siya pa rin?" Putol niya sa sagot ko.

Napakunot ako ng noo. Pinagsasasabi nito? "Ha?"

Sumimangot siya.

"Aish. Nagaalala ako para sa buong royal army," pagtatapos ko sa pinutol niyang sagot ko kanina.

"Hmm... May something pa rin," aniya.

"Anong something? Luh." After ng matagal na panahon, narinig ko ulit yan sa kaniya.

Bumuntonghinga siya at umiwas ng tingin.

Hmp. Parang ewan itong isang to.

Bahala na nga siya riyan.

Saktong pagkatalikod ko sa kaniya para sana umalis ay may isang gold army ang saktong lumapit sa amin. Nag-salute siya sa amin ni Lucius at saka sinabi na agad ang dala niyang mensahe mula sa aming heneral.

"Naghihintay ang heneral sa inyong mga commander. Nasa hall ng ground floor siya ngayon."

***

Sabay-sabay na kaming tatlo nila Lucas at Lucius na bumaba para puntahan ang heneral. At saktong nakompleto kami agad dito. Ang heneral at kaming labing apat na commander. Kami lang ang nandirito sa maluwag na hall. Maliban na lang sa ibang army na dumadaan para sa kani-kanilang trabaho.

"Kumusta ang inyong pagbabantay sa campus na ito? Na-double check na ba ninyo ang buong building?" Tanong ng heneral sa amin.

Lahat kami ay kaniya-kaniyang report. Lahat naman kami ay nai-double check na ang campus.

"Mabuti. Ngayon pinapunta ko kayo rito para sabihin kung ano ang susunod natin na gagawin," ani heneral. "Isasara natin ang campus na ito pansamantala. Ito ay para masiguro natin ang kaligtasan nila habang inaaayos natin ang campus at patuloy na aalalayan hanggang sa fully recovered na sila. Wala munang makalalabas at makapapasok na royal army. Magpapadala kayo ng mga army rito para tumulong sa pagsasaayos at protektahan ang royal army."

Tumango kaming lahat.

Nagtaas bigla ng kanang kamay si Commander Roy. "Ay, general. May itatanong lang po ako."

Tumango ang heneral at hinintay ang itatanong ni Commander Roy.

"Uhm... Curious lang ako kasi sabi ng ilan na hindi pa raw nagpapalit ng commander itong royal army. Totoo po ba? Curious lang talaga ako. Hehe."

Ay oo nga. Naalala ko kanina na nakita kong nakasuot pa rin ng badge ng pang-commander si Commander Hideo which is ka-batch pa nila dating Commander Shin.

"Tama. Ang kasalukuyang commander ng royal army ay si Commander Hideo pa rin. At nananatiling representative si Lucian Imperial," sagot ng heneral.

"Ah. Understandable na ganun base sa status ng relationship ng royal army at sa buong elemental army. Hindi na nila kailangan sumunod at makipagsabayan sa kung ano ang mga gawain natin," komento ni Commander Esdeath.

Tumango kami.

Ipinagpatuloy ng heneral ang pagbibilin ng ilang gawain sa amin para sa kung ano ang mga magiging sunod na hakbang namin para sa royal army. Magkakaroon kami ng pansamantalang bagong routine.

Kinabukasan, isa-isa na kaming mga commander at ilan naming army na umalis para bumalik sa aming mga campus. Pero siniguro namin na marami-rami pa ring maiiwan na army sa royal army. Hindi pwedeng walang maiiwan.

Pagkauwi namin sa aming kaniya-kaniyang campus, agad din kaming magtatalaga ng bago grupo ng army para ipadala sa campus ng royal army.

"Lieutenant! Sayang hindi ka kasama sa amin. Hindi mo nakita kung paano ako ka-astig," proud na sabi ni Ryoran nang makabalik na kami sa Red Army Campus at sinalubong kami ni lieutenant.

Napangisi si Lieutenant Joaquin na tila duda kay Ryoran.

"Uy, Agatha! Sabihin mo kay lieutenant kung gaano ako kaastig lumaban. Nakita niya mismo kung paano ko pagtututustahin yung mga nakakainis na air force."

Napangiti at napailing lang si Agatha.

"At hindi lang yun, lieutenant! Nagsanib pwersa rin kami ni Commander Idol."

"Weh?" Napa-cross arms pa si lieutenant.

"Oo nga. Nag-super hero landing nga kami ni Commander Idol. Grabe. Ang galing ko talaga."

Napangiti na ako.

"Lieutenant, pakitawag ang ibang red army na naiwan dito sa campus. Gusto kong sabihin sa inyo ang mga nais ipagawa ng heneral para sa royal army," sabi ko.

Tumango si lieutenant at saka umalis na para tawagin ang ibang red army.

*****

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon