THIRD PERSON
Itinaas ni Narako ang kaniyang kanang kamay. Sa isang galaw ng kaniyang daliri sa pagturo niya sa elemental army ay agad na sumugod ang mga air force.
Ito na ang naging hudyat para magpatuloy an labanan. Muling narinig ang mga pagsabog sa paligid ng campus; mga ingay ng nagbabanggang mga espada; at sigaw sa paligid.
Habang nagkakagulo na ang paligid, nagkatinginan ang heneral ng elemental army at ang pinuno ng air force. Ngayo'y may hawak na metal na maliit at sakto lang ang haba sa kamay ni Narako, tumalon siya mula sa itaas patungo sa heneral ng army. Kasabay nito ang pagkakaroon ng isang holograpic na blade ng kaniyang hawak na pahabang metal.
Sinalubong naman siya ng heneral gamit ang isang staff. Nagkabangga ang kanilang sandata sa isa't isa hanggang sa nagpatuloy silang maglaban. Kahit na sa kanilang hitsura ay may katandaan na sila, pareho naman silang maliliksi pa rin sa pakikipaglaban.
Napaatras silang pareho matapos ang ilang ulit na atake at depensa.
"Pakawalan mo ang royal army," sabi ng heneral nang muli niyang itinukod sa lupa ang kaniyang staff.
Napangisi si Narako. Mayamaya ay lumitaw ang ilang hologram sa paligid niya.
Mabilis naman na kumilos ang heneral. Bilang isang alchemist ay agad siyang nagmanifest ng mga patalim mula sa mga bato at alikabok sa paligid.
Sa isang iglap ay sabay silang umatake sa isa't isa at lumikha ito ng pagsabog. Mula sa nag-aalikabok na kanilang kinatatayuan kanina ay sabay na naman silang tumalon at nakita ang isa't isa sa ere. Inulit nila ang atake nila kanina at parehong resulta ang nangyari.
Sumulong ang heneral sa nag-aalikabok niyang paligid patungo sa kung saan niya pinaniniwalaang nandoon pa rin si Narako. Nang makita na niya si Narako, umatras ito at naglabas na naman ng mga hologram. Akala ng heneral na sa kaniya ibabagsak ni Narako ang mga hologram nito ngunit ibinagsak nito sa lupa kaya napaatras siya nang magkalat ang mga bato, lupa at alikabok.
Saglit na nalihis ang kaniyang atensiyon. Nang tingnan niya ulit si Narako, ginagamit na nito ang kaniyang aparato para lumipad.
Muling ginamit ng heneral ang kaniyang kakayahan at nagmanipula siya ulit ng mga patalim patungo kay Narako na ngayon ay nasa itaas na.
Nakailag ang kalaban at tumawa pa ito na para bang nababaliw.
Walang nagawa ang heneral nang tuluyan na itong makapasok sa gate ng campus.
Nilingon niya ang nakasaradong pinto. Nakita niya rito ang magkambal na commander na nagtutulungang magapi ang mga walang katapusang pagdating ng mga air force para pigilan silang makaabot sa gate at makapasok.
"Commander Lucas, Commander Lucius," tawag ng heneral sa dalawa.
"Magsanib pwersa tayong tatlo," mando ng heneral.
Agad na tumango ang magkambal at tumabi sila para bigyan ng pagkakataon ang heneral.
Nagmanipula ang heneral ng isang malaking uri ng bato na pinagsama-samang maliliit na bato mula sa paligid. Gamit ang kakayahan ni Lucas ay hinila niya ang malaking pabilog na bato gamit ang mga malalaking ugat patungo sa gate.
Dumagundong ang gate ngunit hindi ito natinag. Mukhang isinara talaga ito ng mabuti ng mga air force.
"Argh. Kulang ang impak," komento ni Lucas.
Muli na namang nagsisilapit ang ilang air force para pigilan silang buksan ang gate.
"Aish. Ang kukulit ninyo! Tumabi kayo!" Sigaw ni Lucius.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasíaMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...