Chapter 28

3.5K 119 13
                                    

ALTAIR

"Para kang nabinat kanina. Nanghihina pa katawan mo mula sa pagkakalason, pero napwersa mo iyon kanina nang pumayag kang makipagtuos kay Agatha. Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?" Tanong sa akin ni Commander Claire na chine-check ang health status ko.

"Ayos na," mahina kong sagot.

Maayos na pakiramdam ko ngayon after akong mawalan ng malay kanina. Sa kasalukuyan ay nandito ako ngayon sa sarili kong silid sa EAMC.

Naging tahimik kami sandali ni Commander Claire lalo na't inaalala ko lahat ang nangyari.

May kumatok sa pinto at nagpakilala na si Lieutenant Joaquin. Agad ko siyang pinapasok.

"Si Eunice?" Agad kong tanong kay lieutenant nang maalala ko ang nangyari.

"Nasa medical ward siya ngayon. Doon siya dinala at ginamot."

Tila nabunutan ako ng tinik sa narinig ko. "Stable na kalagayan niya?"

Tumango si lieutenant.

Napangiti ako ngunit napawi rin agad nang maalala ko ang isa pang kilala ko.

"Si Agatha?"

Sandaling tahimik lang si lieutenant bago dahan-dahang umiling. "Deklaradong patay na siya."

Napayuko ako at napatingin sa sarili kong mga kamay. Namayani ang katahimikan sa buong silid.

"Pasensiya na, commander. Hindi ko napansin na may ginawa na palang iba si Agatha nung nasa table tayong lahat. Sana naagapan ko ang paglalagay niya ng lason," basag ni lieutenant sa katahimikan naming tatlo.

Napalingon ako sa kaniya. "Ayos lang. Naging pabaya rin naman ako. Hindi ako nakinig sayo na huwag ibababa ang alarma ko kay Agatha. Tsaka, ayos naman ako ngayon. Wala kang dapat na ihingi ng tawad."

Pilit na ngumiti si lieutenant at marahang iyinuko ang ulo.

Nang matapos na ni Commander Claire ang pagche-check sa akin at masiguro na wala nang bakas ng lason sa katawan ko, agad akong nagsabi na gusto kong puntahan si Eunice sa medical ward dito sa EAMC.

"Ipabukas mo na lang, Commander Altair. Mas makakabuti kung ipapahinga mo lang muna ngayon," ani Commander Claire.

"Sang-ayon ako kay Commander Claire. Malalim na rin ang gabi. Ipagpatuloy mo na lang ang pagpapahinga ngayon," ani lieutenant.

Umiling ako. "Ngayon na. Gusto ko ngayon na. Gusto kong makita si Eunice."

Sandaling nagkatinginan sila lieutenant at Commander Claire. At nang lingonin nila akong muli, sabay silang tumango.

Tahimik nila akong sinamahan patungo sa medical ward. Kahit na malalim na ang gabi, marami-rami kami ngayong nakakasalubong na army. Tahimik na rin sa buong campus.

Siguro kung hindi nangyari ang gulo kanina sa amin ni Agatha, tuloy-tuloy pa rin ang kasiyahan ng karamihan.

"Ryoran?" Paninigurado ko sa lalaking nakaupo sa sahig malapit sa nakasarang pintuan ng medical ward.

Napatingala siya sa amin at agad na tumayo.

"Commander Idol! Mabuti't nagkamalay ka na. Kumusta pakiramdam mo? Wala nang lason? All clear na?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Wala nang lason. Maayos na ako," sagot ko at ngumiti kahit alam ko na halatang ang tamlay ng pagkakangiti ko.

"Pasensiya na, Commander Idol. Hindi ako nakabantay sayo sa silid mo. Alam ko naman kasi na nandiyan si lieutenant at si Commander Claire para bantayan ka at magiging maayos ka. Kaya dito muna ako kay Eunice," aniya habang napakamot pa sa kaniyang ulo.

Elemental ArmyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon