ALTAIR
Matapos kong makausap at mabigyan ng ilang reports ang captain na papalit sa aking in charge, umalis na ako sa royal army campus para umuwi.
Kasama ko ang ilang red army kasama na si Agatha. Well, wala naman siyang kakaibang ginagawa. Ginagawa niya ang duty niya ng maayos. Mas maayos pa nga kesa kay Ryoran eh. Kaya napapanatag na ako sa kaniya.
"Commander Idol!" Nakangiting sinalubong kami ni Ryoran pagkapasok namin sa campus.
"Para ka talagang aso no?" Ani Agatha kay Ryoran.
"What the? Ako? Parang aso? Sa gwapo kong to? Agatha naman! Inaway ba kita?" Sunod-sunod na mga tanong ni Ryoran na halatang na bigla sa sinabi ni Agatha.
"Ang sabi ko, para kang aso. Hindi ko sinabing 'mukha kang aso'," pagtatama ni Agatha. "Para kang aso kasi talagang nakaabang ka rito sa plaza para kay Altair. Parang aso, palaging naghihintay sa amo niya kapag umaalis."
"Eh bakit ba? Ganun lang talaga ako kapag idol ko na yung tao," nakangusong sagot ni Ryoran.
"So, para ka ngang aso?"
Sinamaan ni Ryoran si Agatha ng tingin. "Hindi. Kagwapo ko na lang na ikokompara mo sa aso."
Napangiwi si Agatha. "Apoy kapangyarihan mo pero ang hangin mo."
"Psh. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Gwapo ako."
Napalingon kaming tatlo sa isang deriksyon kung nang biglang may nagpepeke na umubo. Si Lieutenant Joaquin.
"Andito na pala kayo, commander," aniya nang makalapit na siya sa amin.
Tumango ako. "Kakarating lang."
Naagaw ang atensiyon ko kay Ryoran nang mapansin ko na nakatingin siya sa ibang deriksyon at tila iniiwasan na tingnan si lieutenant. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. May problema ba sa dalawang to?
Nang mapansin ni lieutenant ang palipat-lipat na tingin ko sa kanila ni Ryoran, nilingon niya si Ryoran at saka tinawag ito.
Kaso nagbingi-bingihan lang si Ryoran at tuluyan nang tumalikod kay lieutenant.
"May problema ba?" Kunot-noo kong tanong sa kanila.
Agad na lumingon sa akin si Ryoran. "Ito kasing si lieutenant, ang daming pinapagawa. Parang ako lang ang nakikitang utos-utosan eh."
Magsasalita na sana si lieutenant nang magsalitang muli si Ryoran. "Nai-stress kagwapohan ko."
"Jusko," nakangiwing komento ni Agatha.
Nagpigil akong matawa.
"Commander, may mga nagrereklamo kasi sa kaniya dahil sa kung ano-anong pinaggagagawa niya. Ilan sa mga reklamo is naiingayan sila sa kaniya, minsan siyang napapaaway, at kung ano-ano pa. Punishments niya ang ilan sa mga inuutos ko," depensa ni lieutenant.
Napapikit na lang ako at tumango. Oo nga pala. May ilan akong nababasang reklamo kay Ryoran dati. Pero hindi naman as in mabibigat na uri ng reklamo. More on pagka-irita ng ilan sa pagiging mahangin at hambog daw niya kapag sinusumpong ng ugali niya. Kaya ipinaubaya ko na lang kay lieutenant.
"Pang-aalipin na yun eh! Utos dito, utos doon." Dabog ni Ryoran na ngayon ay nakaharap na kay lieutenant.
"Anong pang-aalipin? Nag-agree ka na rin sa ganoong punishment."
"Naman eh. Tsaka palaging sayo ako isinasama. Minsan na lang tuloy ako makasama kay Commander Idol. Sa kaniya ko gusto sumama."
Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang bangayan nila.
Hinayaan ko na lang sila. Almost ganito naman kasi talaga sila. Pero kahit na ganiyan, alam ko na mataas ang respeto ni Ryoran kay lieutenant. Alam naman niyang lumugar.
Nahinto lang silang dalawa nang marinig namin ang pagbukas muli ng gate. Nang lingunin namin, isang gold army ang deri-deritso ang pagpapatakbo ng kabayo niya papasok sa campus.
Agad na bumaba ang gold army sa likod ng kabayo at nag-salute sa akin.
"Urgent, Commander Altair. May nagaganap na pagsalakay ng air force ngayon sa isang siyudad," deritsong report ng gold army.
"Ano?" Halos sabay-sabay na sambit namin.
"Papunta na ngayon ang ibang grupo ng army doon. Nais ng heneral na makapag-padala rin kayo ng available na army ninyo sa siyudad para mapigilan ang mga kalaban doon."
Air force na naman. Argh!
"Commander." Napalingon ako kay lieutenant. "Ako na mag-in charge. Dito na lang kayo."
Magsasalita na ako nang magsalita siyang muli.
"Kagagaling niyo lang sa Royal Army Campus. Dito na lang kayo para makapag-pahinga ka."
Wala na akong masabi. Tumango na lang ako. "Isama mo ang mga nais na sumama papunta sa siyudad."
Tumango siya at agad na nag-excuse para ihanda ang dadalhin niyang hukbo. Sumama na rin sa kaniya si Ryoran.
"Altair..." Tawag sa akin ni Agatha. "Gusto kong sumama sa kanila."
Tinanguan ko siya bilang pagpayag. Kaya agad din siyang sumunod kina lieutenant.
***
Mabilis ang naging kilos nila. Marami-rami ang nasa Royal Army Campus sa ngayon dahil sa pagsasaayos kaya mas kakaunti ang maisasama ni lieutenant papunta sa siyudad. Pero siniguro rin namin na may maiiwan sa campus namin maliban sa akin.
"Kagaya sa nangyari noon sa isang maliit na bayan, ang magiging mission niyo ngayon ay protektahan ang mga normal na tao. Itaboy at pigilan ang mas malawak na pamiminsala ng air force!" Sigaw ko sa mga red army na nakahanda na nakasakay sa likod ng kani-kanilang mga kabayo.
"Roger!" Sabay-sabay na sigaw nila.
"Mag-iingat kayo," huli kong sabi at saka na ako tumabi para makaalis na sila.
Sa pangunguna ni Lieutenant Joaquin, malakas na mga tadyak at ingay ng mga kabayo ang narinig sa malawak na plaza ng aming campus kasabay ng sunod-sunod nilang paglabas patungo sa lugar na nangangailangan ng tulong.
Nang tuluyan na silang makaalis at isinara nang muli ang malaking gate, hinarap ko naman ang ibang red army na nananatili pa rito sa campus.
"Maging alerto ang lahat. Huwag niyong ibababa ang pagka-alerto at pagbabantay ninyo. Pakiramdaman ng maigi ang buong paligid ng campus."
"Roger!"
Hindi namin alam kung ano ang binabalak at pinupunterya ng air force. Dapat maging maingat.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...