THIRD PERSON
Naging seryoso ang buong Elemental Army sa paghahanda. Pinaghalong takot at kaba ang nadarama ng karamihan. Pero lahat sila ay nais na matalo ng tuluyan sa pagkakataong ito ang Air Force.
Kasabay sa mga paghahanda ay ang pagpapasya ni Commander Hideo ng royal army. Kasalukuyan na nagtitipun-tipon ang mga royal army sa plaza ng kanilang campus. Lahat sila ay buong atensiyon na nakaharap kay Commander Hideo at sa kanilang representative na si Lucian Imperial.
"Ngayon na mayroong digmaan na magaganap dahil sa hamon ng air force, pagkakataon na rin ito upang tanggapin na ninyo ang inyong bagong commander," rinig na sabi ni Commander Hideo. "Ang magaganap na digmaan ay ang pinaka-unang pamumunuan niya ang hukbo natin. Ngunit sa kabila nito ay nagpamalas na ng kaniyang kakayahan noon pa ang ating representative."
Tahimik lang na nakatindig ng maayos si Lucian sa tabi ng kaniyang commander.
"Bago na rin ang henerasyon ng mga commander ng ibang army group. Isa pa, nakikita ko rin na handa na niyang tanggapin ang katungkulan." Sandaling napalingon si Commander Hideo kay Lucian.
"Matapos ang naging pagpupulong namin sa EAMC ay naipaalam ko agad sa heneral ang tungkol sa ganap natin ngayon. Dahil sa araw na ito ay ipinapasa ko na ang katungkulang commander sa ating representative na si Lucian Imperial."
Iniyuko ni Lucian ang kaniyang ulo ng kaunti at saka ipinatong ni Commander Hideo ang kaniyang kanang kamay rito para sa pagbabasbas niya.
"Bilang kasalukuyang commander ng Royal Army, ako si Commander Hideo, binabasbasan ang representative na ito na si Lucian Imperial na maging isang commander. Mula sa akin, ipinapasa ko na ang tungkulin, posisyon at ang hukbong Royal Army sa kaniya," bigkas ni Hideo.
Naramdaman ni Lucian ang kakaibang pakiramdam sa kaniyang may pulsuhan kung nasaan ang simbolo niya bilang isang representative makikita. Tiningnan niya ito at nasaksikhan ang pagliwanag nito at ang unti-unting paghaba nito, hudyat ng pagbabago ng kaniyang posisyon sa royal army.
Nang matapos ay ini-angat na niya ang kaniyang ulo upang muling maayos ang kaniyang tindig. At saka kinuha ni Commander Hideo ang isang pin na simbolo ng pagiging commander at inilagay sa may kaliwang dibdib ng uniporme ni Lucian.
Itinaas ni Lucian ang kaniyang kanang kamay at binigkas ang panunumpa. "Ako si Lucian Imperial, ang bagong mga commander ng Royal Army, nanunumpa na gagawin ng buong husay at katapatan sa abot ng aking makakaya ang tungkuling pangangalaga ng aking nasasakupan. Itataguyod at ipagtatanggol ang kapayapaan mula sa mga banta at kalaban. Ako ay nangangako na pananatilihin ang kaayusan sa Royal Army para sa buong elemental army."
Nang ibaba na niya ang kaniyang kamay ay lumapit sa kaniyang muli si Hideo. Sa pagkakataong ito ay hawak niya ang cap ng pagiging commander ng royal army. Isinuot niya ito sa ulo ni Lucian. Nang maayos na ay nagkamayan silang dalawa.
Humarap na si Lucian sa buong royal army na saksi sa paglilipat ng posisyon sa kaniya.
"Salute para sa bagong commander ng royal army, Commander Lucian Imperial!" Buong boses na utos ni Hideo sa buong royal army.
Sabay-sabay na nagsalute ang lahat. At sumunod si Lucian.
Ngayon ay may bago nang commander ng royal army, si Lucian. At ang magaganap na labanan ang pinaka-una niyang misyon na pamunuan ang hukbo niya bilang commander.
Huminga ng malalim si Lucian. "Maghanda na ang lahat. Huwag nang mag-aksaya ng oras."
"Sir, yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng royal army at agad na nagkanya-kanya ng deriksyon para maghanda sa nalalapit na laban.
Tinapik siya sa balikat ng dating commander Hideo. Nang lingonin niya ito, ngumiti sa kaniya.
"Alam kong kaya mo ito," ani Hideo sa kaniya.
Marahan siyang tumango. At saka niya muling tiningnan ang buong plaza na kung saan ay hindi na magkanda-ugaga ang mga army niya para maghanda.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...