ALTAIR
Nag-inat-inat ako at saka sumalampak sa kama ko kahit nakasuot ako ng uniform ko. Ngingiti-ngiti pa akong pumikit.
Wala namang masyadong trabahuin ngayong mga araw. Ngayon naman, wala akong magawa kaya inaantok ako.
Ilang sandali ang lumipas at nakakaidlip na ako. Kaso naudlot iyon dahil sa may kumatok bigla sa pinto.
Tinatamad akong umupo sa gilid ng kama ko. Umulit ang ang pagkatok sa pinto kaya wala rin akong nagawa kundi ang tumayo na at pagbuksan ng pinto kung sino man itong kumakatok.
"Pasensiya na sa istorbo, commander," nakangiting salubong ni Lieutenant Joaquin.
Ikinumpas ko na lang ang kamay ko bilang senyas na 'ayos lang'.
"May bisita kayo, commander," aniya.
"Ha? Sino?"
"Si Commander Lucas."
Eh? Bakit naman kaya? May problema ba kaya pumunta siya rito?
"Yiee, commander. Ikaw ha," ani lieutenant at siniko-siko pa ako ng mahina.
Napakunot ang noo ko sa biglang pagbabago ng mood niya.
"Anong nangyayari sayo?"
"Ah basta. Puntahan mo na lang sa opsina mo. Andoon si Commander Lucas," sabi pa niya habang nakangiti ng nakakaloko.
Napatango na lang ako habang nakangiwi sa kaniya. Nakakain ba ng panis na pagkain itong si lieutenant?
Hindi na lang ako nagsalita pa at dumeritso na ako sa opisina ko.
Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sa paningin ko agad si Lucas na tumayo mula sa pagkakaupo sa couch.
"Oh. Bakit ka naparito?" Curious kong tanong sa kaniya nang maisara ko na ang pinto.
"Bulaklak nga pala para sayo," aniya at hindi sinasagot ang tanong ko.
Inabot niya sa akin ang isang bouquet. Napangiti ako sa ganda ng mga bulaklak na naka-arrange ng maayos.
Hmm. Ngayon gets ko na kung bakit ganoon na lang ang mood ni lieutenant kanina. Dahil pala sa bulaklak na dala ni Lucas.
Umupo kaming dalawa ni Lucas.
"Salamat," sabi ko.
Ngumiti siya. "Pumunta nga pala ako rito kasi... wala lang."
Napakamot siya sa kaniyang ulo na tila nahihiya.
Natawa ako. "Anong wala lang? Ano yun? Parang nakaupo ka lang sa opisina mo tapos all of a sudden pumunta ka lang dito?"
Natatawa naman siyang tumango. "Siguro? Parang ganun? Basta yun na yun."
Natawa kaming pareho.
"Pero seryoso, gusto lang kitang puntahan. Para kumustahin at makausap. Wala namang masyadong gagawin ngayon kaya medyo nakakabagot sa campus namin," aniya.
Napatango ako. "Wala ngang masyadong gawain ngayon. Minsan nga tulog lang ako ng tulog sa kwarto ko."
***
RYORAN
"La la la la~"
Napahinto ako sa paglalakad at pagkanta nang makita ko si Agatha na nakaupo sa damuhan dito sa training ground habang nililinisan niya ang katana niya.
"Ayo, Agatha!" Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya agad sa akin. "Tara sa cafeteria."
Umiling siya at saka ibinaling muli sa katana niya ang kaniyang atensiyon.
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...