ALTAIR
Pinagbuksan ako ng mga bantay na red army sa malaking gate nang makarating na ako sa Red Army Campus. Nang makapasok na kami ng dalawa ko pang kasama sa campus, ibinigay ko na sa kanila ang kabayo ko.
"Commander Idol!"
Ngumiti ako nang patakbong lumapit sa akin si Ryoran.
"Ayos ka na? Okay ka na? Wala nang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Ryoran habang naglalakad siya paikot sa akin.
"Ayos lang. Wag kang dapat ipag-alala," nakangiti kong sabi. "Eh ikaw? Ayos na ba yang paa mo?"
Huminto siya sa harapan ko at ginalaw-galaw ang paa niya saka nag-thumbs up sa akin. "Ayos na. Kunting talisod lang naman nang nangyari sa akin."
Tumango ako. "Si lieutenant? Asan nga pala siya?"
"Hindi ko alam. Andiyan lang yun sa tabi-tabi," sagot niya.
Naglakad na ako para tumungo sa opisina ko sana nang saktong lumabas naman mula sa building si lieutenant.
"Ay. Andiyan na pala oh," sambit ni Ryoran at napaturo pa kay lieutenant.
Nag-salute muna sa akin si Lieutenant Joaquin.
"Mabuti at maayos na kayo, commander."
Ngumiti ako. "Eh ang mga red army na galing sa mission, kumusta sila? Ano lagay nila nang bumalik sila rito?"
"Ayos na sila. Wag kayong mag-alala. Kompleto rin sila nang bumalik."
Habang nag-uusap kami ni lieutenant, nakita ko sa may pintuan ng hall si Agatha.
Bigla kong naalala ang nangyari.
Naglakad siya patungo sa amin at saka agad na kinumusta ako. Naging casual at parang ganun pa rin naman ang kamustahan namin. Mine-maintain ko lang na maging ala-normal lang ang mga sagot at ang mga galaw ko para hindi mahalata na may iba nang bumabagabag sa isip ko.
"Uhm... Sige. Punta muna ako sa opisina ko," excuse ko sa kanila.
Tumango si lieutenant at saka binalingan si Ryoran. "Tulungan mo ko, Ryoran."
"Eh? Saan?" Napakamot na tanong ni Ryoran.
"May ililipat lang na mga gamit," ani lieutenant na naglalakad na palayo kaya hinabol siya ni Ryoran.
Habang si Agatha, paalis na rin.
"Agatha," tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya ulit sa akin. "Uhm... Pwede ba tayong mag-usap? Sa opisina ko na lang."
Nakangiting tumango siya sa akin.
***
"Upo ka," yaya ko nang nasa opisina ko na kami.
Umupo kami sa couch na magkatapat.
"Ano nga pala pag-uusapan natin? Parang ang seryoso naman. Nakakakaba," aniya habang tila natatawa.
Base sa mga ngiti niya ngayon, parang hindi niya alam yung nangyari sa bayan.
Pilit akong ngumiti. "Hindi naman. Gusto ko lang kumustahin ka."
"Hmm. Ayos lang naman. Tsaka wala naman akong natamong serious injuries. Mga galos lang. Pero okay na okay ako. Chineck din naman kasi kami isa-isa ng medication army."
Tumango ako. Lumipas muna ang ilang segundo bago ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung papaano ko sisimulan.
Sasabihin ko ba ng direkta sa kaniya? Hindi? Argh. Paano ba?
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin nang nakatitig lang ako sa kaniya.
Napaiwas ako ng tingin. "Uh. Nung nasa bayan tayo para kalabanin ang air force, diba naghiwalay tayo ng pinuntahang building?"
Unti-unting nawala ang ngiti niya at marahang tumango.
"Tapos pumunta ka sa kanang building kung nasaan ako, tama?"
Tumango siya ulit.
"Nakita mo ako na hawak ko yung batang lalaki habang nanghihina ako... tama?"
Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Parang may hindi ko gustong marinig sa kaniya na ewan.
Umiwas siya ng tingin at saka tumango.
"Humingi ako ng tulong sayo... kaso nawala ka."
Ilang sandali muna ang lumipas at saka niya ako tiningnan ng deritso. "Bumaba kasi ako... para humingi ng tulong mula sa ibang army." Saka nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Parang may isang bell akong narinig nang sabihin niya iyon. Parang hindi tumugma ang naisagot niya sa sinabi ni Commander Esdeath sa akin.
"Natakot din kasi ako sa kalagayan mo. Nanghihina ka na tapos yung batang nasa tabi mo hinang-hina na rin. Tumawag ako ng tulong sa isang cyan army na siyang pinaka-malapit kasi nga dalawa kayo ng bata. Hindi ko naman kakayanin na dalawa ko kayong mailalabas sa building ng ako lang kasi pareho kayong nanghihina na. Tapos nasa second floor pa," pagpapatuloy niya.
Agatha...
Dahan-dahan akong napatango. "Ganun ba?"
Tumingin siya ulit sa akin at tumango. "Hindi kita iiwan no. Magkaibigan tayo eh. At... commander ka namin."
Ako ang napaiwas ng tingin sa kaniya. Nakakailang bigla.
Pero sinikap ko na sakyan ang sinabi niya.
"Tama. Magkaibigan nga tayo. Hindi mo ako iiwan sa ganung sitwasyon kasi magkaibigan tayo, tama?" Pilit akong ngumiti nang muli akong tumingin sa kaniya ng deritso.
Nginitian niya ako at tumango siya. "Ganun naman kasi dapat, diba?"
Marahan akong tumango. "Tama. Kapamilya, kaibigan, o ka-army hindi dapat natin iiwan lalo na sa mga sitwasyon na nangangailangan sila ng tulong," pasimple kong pagpaparinig sa kaniya.
"Tama tama," nakangiti niyang sagot.
Nang tumayo siya mula sa kinauupuan niya, tumayo rin ako. Lumapit siya sa akin at bigla niya akong yinakap.
Medyo nabigla ako sa ginawa niya pero yinakap ko rin siya pabalik.
"Sige, Altair. Alis na ako. Magpahinga ka muna," aniya nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.
Tumango ako at saka siya lumabas ng silid.
Tila wala sa isip nang maglakad ako patungo sa desk ko at umupo sa swivel chair ko nang mag-isa na lang ako.
Napabuntonghinga ako at saka napatitig sa saradong pinto.
Hinayaan ko lang siya sa mga sinabi niya at hindi na pinuna. Pero sana ma-sense niya na may hinala ako sa kaniya. Sana talaga ma-sense niya at magsilbing warning sa kaniya ang parinig ko sa kaniya.
Dahil sa paguusap namin, naalala ko ang bigla ang naging asal niya nung nanalo pa lang ako bilang representative.
Napailing ako.
'Agatha, ano ba nasa isip mo?' tanong ko sa isip ko.
*****
BINABASA MO ANG
Elemental Army
FantasyMabilis at biglaan ang nangyari. Estudyante pa lang sila, naging representative at halos isang araw lang ay naging commander na ang ilan dahil sa nangyari sa EGA. May responsibilidad na sila Altair bilang commander. Magpapatuloy ang hindi natapos na...