CHAPTER 2

18 20 0
                                    

Noong bata pa lang ako, hindi ko masasabi na mayaman ang mga magulang ko, pero masasabi kong may pera sila para sa pagpapamilya.

Nabibili nila ang ang lahat ng pangangailangan namin ni Glaiziel, laging may gatas kaya malaman ang mga katawan namin nung baby pa kami, at nung lumaki rin ay laging may pagkain kaya medyo malalaki ang mga tiyan namin hindi ko malilimutan ang specialty na chocolate brownies ni Mom, tiled at malaki ang bahay sa kaliitan ko noon ay talagang higante ang bahay para sa akin pero ano bang magagawa ng tiled na bahay kung natutop ng apoy lahat ng muwebles, kurtina, at kahuy-kahoy na parte ng bahay? Parati rin kaming maganda ni Gly kasi may pasalubong lagi si Dad na magagandang damit para sa amin, terno pa kaming pagsusuotin gone were those days that I’m surely missing...

Not the luxury but our parents!

Bahagyang yumukyok ang balikat ko nang bumuga ako ng hangin at least, kasama ko na ngayon ang kapatid ko, ang tanging natitirang pamilya ko at makakain ko na rin ang mga gusto kong makain ulit noon pa sa bahay-ampunan...

“Oh, balisa ka ata, bakit?” napalingon ako kay Gly matapos ang pagpuna niya.

“Wala, naisip ko lang, kung makakain ko ang mga gusto ko, sana yung mga minamahal ko rin sa bahay-ampunan.” walang halong pagbibiro kong sambit.

“Ay, naku, Ali, napaka thoughtful mo. Oo, sisiguraduhin kong abundant at variety ang pagkain nila roon.” lumawak ang ngiti ko at sa kauna-unahang pagkakataon ngayong gabi ay niyakap siya sa tuwa.

“Maraming salamat, hulog ka ng langit!” komento ko na ikinatawa niya naman nang bahagya pero alam kong lumambot ang puso niya roon. Kumalas na ako at ibinaling na ulit sa paghihiwa pa ng isang beses sa cake para sa kabilang platito.

“Allergic ka pa rin ba sa crab?” tanong naman ni Gly.

“Oo, hindi nawala pero may treatment naman, di ba? Talagang delikado lang kasi mas masisira ko ang balat ko sa kakakamot ‘pag tumikim ako no’n.” paliwanag ko at mapaglaro naman siyang napahagulgol ng iyak.

“Waaa! Ang sarap kaya ng alimango! Sayang,” napatawa naman ako sa pag-angal niya.

“Siyang masarap ay siya ring pasakit sa akin. E ikaw, kumakain ka na ba ng balut ngayon?” matapos kong mabigkas ang katagang 'balut' ay pangiwi siyang humarap sa akin at nagpakunwaring dumuwal.

“Hindi 'no! Penoy lang, ayoko sa balut na may sisiw sa loob.” humagikhik ako sa sagot niya at tumangu-tango.

Ako ay kinakain naman ang lahat ng p’wedeng makain, except sa may allergy ako siyempre.

Siya itong pihikan talaga sa pagkain e ayaw niya sa okra, carbonara, o kahit ano pang pagkain na parang creamy, nadidiri daw siya.

Iyon yung alam ko noon tungkol sa kanya

Pero ewan ko lang ngayon, maraming maaaring magbago sa loob ng labing-isang taon.

“Hindi ka pa rin ba kumakain ng mga pagkaing creamy ngayon?” pagtatanong ko sa kanya at isinara na ang kahon ng cake.

“Hindi, ayaw ko pa rin sa fruit salad na may all-purpose cream mas masarap yung evaporated plus condensed milk lang.” sagot niya at ngumiti naman ako nang bahagya.

“Akin, masarap naman kahit alin sa dalawa,” komento ko bilang isang taong kuntento sa lahat, basta pagkain!

Nagkibit balikat naman siya. “We’re twins with opposite likings and I think that’s what makes the two of us,” anang Glaiziel nang nakangiti at binuhat na ang dalawang baso ng juice. “Hindi ka na rin mahihirapang gumalaw bilang ako dahil kilala mo na ako, wala namang nagbago sa ugali ko simula nung 9 ako hanggang ngayon e.” dagdag niya pa. "Kaunti lang. Hayaan na lang natin dito yung pitsel at kahon, ‘pag kulang pa ‘tong bitbit natin ay bumalik na lang.”

MIRRORED FATESWhere stories live. Discover now